15th: No Choice, Last Choice
MATAPOS ng lahat ng ginawa ko ngayong araw ay heto na naman ako 't wala sa sariling naglalakad sa kawalan. Hindi na naman alam kung saan pupunta. Pinagpapasawalang bahala saan man ako mapadpad ngayong gabi. Saka ko na lang iisipin ulit lahat kung paano ko ito reresolbahin. Hindi na nagpa-function nang mabuti ang utak ko ngayon. Pagod na ako 't inaantok na. Hinihiling ko na lang na sana matapos itong paghihirap ko. Na huwag na akong magdusa sa lahat ng nangyayari. Nakakasawa na kasing magtiis.
Hindi ko inaasahan nang bigla na lang may humablot sa bag ko 't mabilis na kumaripas ng takbo ang lalaking may gawa niyon.
Napatili ako at sinubukan kong habulin iyon pero mabilis na nawala ito sa paningin ko.
"Hoy!!! Ibalik mo 'yan!" natatarantang sigaw ko. "Tulong!!!"
Dahil sa lalim ng gabi ay hindi kataka-takang walang katao-tao sa lugar. Mangilan-ngilang sasakyan na lang ang dumaraan sa kalye kaya wala akong mapaghingan ng tulong.
Nagpaikot-ikot ako sa kinatatayuan ko at mariing minamasahe ang sentido ko. Napatalungko ako at sinubsob ang mukha ko sa mga kamay ko bago nagsibagsakan ang mga luhang mabilis na namuo sa mga mata ko. Nandoon sa bag ang pera ko kasama ang mga damit at mga nasuot ko na. Pati ba naman ang kakarampot na pera ko ay pag-iinteresan ng masamang loob? Tinitipid ko na nga iyon hangga 't hindi pa ako sumusweldo. Walang wala na ako. Ano na lang ang susuotin ko sa susunod? Wala na akong pambili. Ano na ang gagawin ko? Ayoko namang bumalik sa bahay. Kahit sa bahay nila Hina. Hindi ko alam kung saan ako pupunta ngayon. Hindi ako mapakali. Hindi na ako makapag-isip ng maayos.
"What happened, Ami?"
Narinig kong sabi ng isang pamilyar na baritonong boses at naramdaman kong may kamay na pumatong sa balikat ko.
Dahan-dahang nag-angat ako ng tingin at bumungad sa akin ang nag-aalalang mukha ni Spencer.
Matagal na pinagmasdan ko siya at bago ko pa hindi mapigilang mapahagulgol ay napatayo ako 't niyakap siya.
"What happened?" ulit na tanong niya. Hinaplos niya ang buhok ko at tinapik-tapik ang likod ko. "Why are you crying? Sshhh..."
Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon. Kani-kanina lang ay lumong-lumo ako. Pero mabilis na napalitan iyon ng relief kahit nananatiling nasa isip ko pa rin ang nangyari at ang napakagulong sitwayon ko. Nakaramdam ako ng komportasyon sa mga bisig ni Spencer.
Unti-unting napawi ang pag-iyak ko at hinayaan lang ako ni Spencer na ganoon habang inaaluan ako 't hinintay na humupa ang nararamdaman ko. Pagtagal ay lumuwag ang pagkakayakap ko sa kanya at nagtapat ang mga mukha namin.
Umangat ang kamay niya at masuyo niyang hinaplos ang mukha ko 't pinunasan ng hinlalaki niya ang mga luhang patuloy na dumadaloy mula sa mga mata ko. Matamang tinitigan ko ang mga mata niyang diretso ring nakatingin sa akin at nasisilayan ko roon kung gaano iyon kasinsero.
Lalong naglapit ang mga mukha namin. Unti-unting ibinababa niya ang mukha niya nang kumalas ako sa kanya 't tinulak ko siya. Tang-'na, humo-hokage moves siya.
Pinunasan ko ang natitira pang luha sa mukha ko at suminghot sabay umiwas ako ng tingin sa kanya.
Narinig kong tumikhim siya.
"A-ano 'ng ginagawa mo rito?" tanong ko kapagkuwan.
"Do I have no rights in this place?" pilosopong balik-tanong niya.
Hindi ako tumugon.
"Ahm, actually... Hina told me na naglayas ka raw. So I followed you."
Hindi ako naglayas. Pinalayas ako.
BINABASA MO ANG
Exhibition
General FictionWhat if you encounter an exhibitionist? How would you react if a stranger pleasuring himself in front of you in a public place? [Tagalog story] Copyright © 2019 by MaristMolleda All Rights Reserved Copying, usage, transmission, or reproduction of th...