9th: Polar Bear
KUNG hindi lang kabastusan ay kanina pa ako sumabat sa mga ito. Hello! Nandito po ako. Kanina pa ako naghihintay rito sa may SPED office pero patuloy pa rin sa pakikipagtsikahan itong mga staff at ang isa ay professor ko. Hindi man lang ako pinapansin gayong malapit lang ako sa kanila.
Magpapasa lang naman ako ng project sa subject niya pero kanina pa ako pabalik-balik dito dahil nang pagpunta ko rito kanina ay nagtanghalian si ma'am ng mas maaga sa lunch break, eh 'di binalikan ko matapos pero heto ngayon at hindi ako binabalingan. Masyadong paimportante! At aba. Iniwan pa ako nang wala man lang paalam sa akin. Inichapwera ako.
So no choice kahit meron, sa pagkainip ko iniwan ko na lang sa mesa niya ang proyekto ko at umalis na roon. Nakakaurat, eh. Gusto ko lang naman makita ang reaksyon niya pagkakita sa gawa ko kung okay na ba o hindi pero 'di bale na lang.
Sa paglalakad ko palabas ng gusali ay hindi nakawala sa aking paningin sina Hina at Spencer sa kabilang koridor papunta sa likod ng building. Magkahawak kamay sila at kung hindi ko lang alam, masi-sweet-an ako sa kanila. Pero actually, ang laswa nilang tingnan. Kadiri. Ang haharot! Gagawa na naman sila ng kalokohan imbis na mag-lunch. Iba yata ang kakainin nila.
Marahil sa pagkapokus nila sa isa't-isa at sa gagawin nila ay hindi talaga nila ako mapapansin. So never mind na lang din ako. Do what they want. I don't care sa kanila dahil gutom na ako.
Lumabas ako ng campus upang kumain at pinili ko sa usual na karinderyang pinupuntahan ko.
Since mag-isa lang naman ako, kahit punuan doon ay nakahanap ako ng pwesto.
Habang nakapila ako ay may kumalabit sa kanang sentido ko kaya napalingon ako pero hindi ko naman kilala ang nasa likod ko at wala naman itong bahid na ito ang gumawa sa akin niyon. Ni hindi rin siya mukhang nagmamaang-maangan.
Napalinga ako pakaliwa at napapitlag na lang ako sa bumungad sa akin na mukha ni Michael na may nakakalokong ngiti saka siya tumawa.
Iniwas ko ang mukha ko na halos kaunting distansya lang sa kanya. Nakakaasar!
Tinampal ko siya sa mukha. "Lakas ng trip mo, ah. Kainis ka!" Inirapan ko siya. Pero, actually kinikilig talaga ako.
Lalo siyang natawa.
Natigilan na lang ako at napatingin sa kamay niyang humawak sa balikat ko. Nag-iiba ang takbo ng sistema ko.
"Ano'ng kakainin mo?" tanong niya nang humupa na ang halakhak niya.
"Asado rice," sagot ko, binali-wala ang nararamdaman ko.
"Masarap ba 'yon?" Dumukwang-dukwang siya upang tignan ang iba pang ulam sa mga tray.
"Hindi mo pa ba yon natitikman?"
"Ngayon pa lang ako kakain dito, eh. Hindi ba mahal dito?"
"Mura lang dito pero masarap ang mga meal lalo na ang asado rice na best selling nila."
"Ah, sige ita-try ko."
"Sino pala kasama mo?" usisa ko.
Umiling siya. "Wala."
"Eh 'yung girlfriend mo?"
Tila nag-iba ang hilatsa ng mukha niya. "Ahm... Busy raw siya."
Napapansin kong matipid ang mga sagot niya kapag pinag-uusapan ang girlfriend niya. Siguro masyado lang siyang pribado pagdating sa love life niya. At sa oras na mapag-uusapan ay tila naiilang siya.
Hindi pa niya pinakikilala ang girlfriend niya. Maganda kaya iyon? Mabait kaya? Matalino ba? Ano kaya'ng nagustuhan ni Michael doon?
"Saan ka nakaupo?" kapagkuwa'y tanong ni Michael.
BINABASA MO ANG
Exhibition
General FictionWhat if you encounter an exhibitionist? How would you react if a stranger pleasuring himself in front of you in a public place? [Tagalog story] Copyright © 2019 by MaristMolleda All Rights Reserved Copying, usage, transmission, or reproduction of th...