28th: Thrill
Ami's POV
"ANO BANG ginagawa rito sa library?" Hindi mapakaling linga ng linga ang kasama kong si Harold pagkapasok namin sa silid aralan. Animo'y walang muwang sa kinaroroonan.
Nagtaka ako sa tanong niyang iyon. "Hindi mo alam?!" mahinang bulalas ko. "Hindi ka ba pumupunta rito?"
"Hindi. May workbooks na 'ko."
Pinaikutan ko siya ng mata. "Ikaw na mayaman." Afford niya kasing bilhin ang mga aklat na nagiging reference ng mga subjects namin samantalang ako ay tambay ng library para lang makapag-review't makagawa ng assignments.
Inestima ko siya sa gagawin. Pinaiwan sa amin ang bag namin sa counter na kalakip ang ID namin. Si Hina ang nag-aasikaso sa amin na nagbigay ng claim card para sa bag.
"Hi, Ami," bati ni Hina, nakangiti gayong may mababanaag sa mga mata niya na hindi genuine ang ekspresyong iyon.
"Hi!" eksaheradong bati ko kasabay ng sarkastikong ngiting iginawad ko sa kanya. Agad na tinalikuran ko siya't mabilis akong tumungo sa bookshelf.
"Kakilala mo 'yun?" tanong ni Harold habang nakasunod sa akin at tumulong sa paghahanap ng libro.
"Bakit? Kakilala mo rin ba siya?" balik-tanong kong hindi lumilingon sa kanya-wala siyang balak sagutin.
"Oo. Kaklase ko siya sa ilang minor subjects." Kahit mayaman si Harold ay irregular student din siya kaya marahil nahahalo siya sa mga klase na hindi namin kadepartamento. Kapag semester break kasi ay kung saan-saan siya nagbabakasyon at babalik lang kapag malapit na ang pasukan at saka siya mag-e-enroll.
Hindi ako tumugon at hindi rin siya nagsalita hanggang sa nang makuha na namin ang lahat ng kailangan namin ay umupo kaming magkatabi sa nahanap naming bakanteng puwesto.
Pumalatak siya kasabay ng pagbuntong-hininga. "Alam mo, naaawa ako kay Hina."
Napataas ang kilay ko. Ano'ng kaawa-awa sa kanya? "Close ba kayo n'un?"
"Hindi. Pero, ano ka ba, alam mo namang sikat siya rito sa school. Hindi lang dahil sa maganda siya..."
"'K..." ani kong walang interes sa sinasabi niya. Pero hinayaan ko siyang patuloy na magkuwento habang hinahanap ko sa libro ang kasalukuyang lesson ng subject namin.
"Dahil, ahm, ang dami na niyang naging ano..."
Fuck buddy? "Boyfriend?" pagpupunan ko sa term na gusto niyang sabihin.
"At violations kaya siya na-suspend."
Napatingin ako sa kanya. "Suspend?"
"Hindi mo ba 'yun alam?"
"Eh, sorry, wala akong paki sa kanya, eh."
"Hindi 'yun. Hindi mo ba alam na kasuspe-suspend ang mga ginagawa niya. Lalo na't umakyat 'yung violations niya from verbal, first to final warning. Isa pa talagang offense, baka ma-terminate na siya."
Hindi ako aware na marami na pala siyang violations. Ano bang ginagawa ng babaeng 'yun sa buhay niya?
"Kalalaki mong tao, tsismoso ka. Sige, magkuwento ka pa!"
"S-sorry," nahihiyang dispensa ni Harold. Yumuko siya at nagsimula nang bumuklat ng libro.
"Seryoso ako. Magkuwento ka pa ng alam mo."
Napamaang lang siyang nagbalik-tingin sa akin.
"Ano-ano'ng naging violations niya?"
Matagal bago siya sumagot. Pero halatang excited siyang maglahad ng tsismis. "Nag-umpisa lang sa pinaiiklian niya ang suot na palda at hindi pagbubutones ng upper part ng blouse, kuha ang ID. Nagpakulay ng buhok, kuha ang ID. Dalawa ang hikaw sa isang tainga, kuha ang ID. Makailang beses na siyang nakikita ng mga estudyante sa pakikipag-makeout sa mga lalaki, hindi lang nata-timing-an ni ma'am Valenciano pero noong nahuli na... bye gurl." nag-ala beki ang tono niya sa huling dalawang salita niya.
BINABASA MO ANG
Exhibition
General FictionWhat if you encounter an exhibitionist? How would you react if a stranger pleasuring himself in front of you in a public place? [Tagalog story] Copyright © 2019 by MaristMolleda All Rights Reserved Copying, usage, transmission, or reproduction of th...