17th: ID

2.6K 40 0
                                    

17th: ID

SA KUWARTO ni Spencer ako natulog samantalang siya ay sa sala raw nanatili. Siniguro kong ni-lock ko ang pinto para hindi niya ako pasukin. Kaya walang nangyari ulit kagabi. Hindi natuloy ang nasimulan. Pero paulit-ulit na bumabalik sa memorya ko ang naganap na iyon pati ang pakiramdam. Heto pa 't sa paglalakad ko ay nanginginig ang tuhod ko.

Iba pala kapag ikaw mismo ang nakaranas. Iba sa mga napanood kong porno. Parang sa mga nabasa ko, ngayon naintindihan ko na ang kung paano dinedetalye ng mga writer ang ganoong tagpo. Kung bakit ganoon ang nagiging reaksyon ng mga babae sa sex videos.

Pilit ko mang baliwalain, hindi pa rin iyon nawawala sa isip ko, parang hinahanap ng katawan ko. Alam kong makakalimutan ko rin iyon tulad noong nakita ko si Spencer sa paglalaro sa sarili niya, at noong first kiss ko sa kanya. Kapag nakuha ko na ang sweldo ko, aalis na ako sa puder niya at maghahanap ako ng marerentahang tirahang mura lang.

As usual, kapag naghihintay ako sa susunod kong klase, pumupunta ako sa Secret Garden na tinagurian ding "Miracle Garden" at tatambay roon ng higit isang oras.

Iniisip ko pa lang na sana walang gumagawa ng kababalaghan, agad akong napapihit patalikod nang makitang mag-isang nakaupo roon si Hina.

"Spencer, can you come here? The usual. I 'm horny na," malambing at the same time malandi na sabi niya na marahil ay kausap si Spencer sa cellphone. "Ami!"

Natigilan ako sa paglalakad sabay napapikit ng mariin. Akala ko magiging abala pa siya sa pakikipag-sex on phone kay Spencer. Nahuli pa ako.

Alanganing lumingon ako at pilit ngumiti. "O, Hina! Ikaw pala 'yan," kunwari ay nagulat ako. Pweh! Ang plastik ko.

Agad siyang lumapit sa akin at humawak sa braso ko. "I need someone to talk to," nakalabing sabi niya. May bahagya ring lungkot na nakalarawan sa mga mata niya na pilit kinukubli sa reaksyon niyang iyon. Siguradong may seryoso siyang problema. Marahil ay hindi tungkol kay Spencer since may aktibidad silang gagawin mayamaya lang. Tungkol kaya sa nanay niya?

"'Di ba, magkikita kayo ni Spencer? Bakit hindi na lang siya 'yung kausapin mo tungkol sa gusto mong sabihin?"

"He won't understand."

Lihim akong napabuntong-hininga. Wala na akong maidahilan. Tama nga siguro ang huling naisip ko. Concern pa rin naman ako kahit paano.

Umupo kami sa sementong nagsisilbing paso at taniman ng mga halaman.

"My mom, we admit her to the mental hospital," panimula niya.

Napakunot-noo ako. "B-bakit?"

Huminga siya ng malalim, tila pinipigilan ang pamumuo ng luha sa mga mata niya. "'Yung sakit niya, hindi na lang simpleng Bipolar. Lumala na siya. Out of reality na kasi ang kinikilos niya, eh. She can't even recognize me that before, I 'm the only one who can make her calm. Mas nasasaktan na niya ako ngayon and we can't do anything about it. So, we decided to let her in the rehabilitation center like what her doctor advised."

Napatango-tango ako. Kunsabagay. Noon pang nakita ko ang nanay niya, malala na 'yung topak nito kaya hindi na dapat akong magtaka. "Well, mas tama naman 'yung ginawa niyo ng lola mo kaysa naman may magawa pa siyang mas malala. Makakabuti naman 'yun sa inyo pare-pareho."

"Pero nalulungkot ako, hindi ko na siya makakasama. Kahit ganu'n siya, I still love her."

Hinimas ko ang likod niya na may kaunting tapik para pagaanin ang loob niya. "Gagaling din siya at makakasama niyo rin siya ulit kapag bumalik na siya sa dati. 'Wag kang mag-alala."

Ngumiti siya at mataman akong tinitigan. "Thanks for being always beside me and for taking time to listen to me. You 're such a good friend. You 're the best of my friends, Ami. Paano kaya ako kung wala ka?"

Aww... Mata-touch ba ako? Saka kahit wala naman ako, nandiyan naman si—

"Spencer!"

Agad na pumaling ang ulo ko sa direksyong tinitignan ni Hina at tila pelikula ang parang slow motion na pagsasalubong ng mga tingin nila at ang mula sa pagtayo ni Hina hanggang sa paglalapit nila. Parang ang tagal nilang hindi nagkasama kaya mukhang sabik na sabik silang makita ang isa 't-isa. Para silang mga hayok na sabik na sabik sa laman.

Ipinaikot ko ang mata ko. Nakakatawang romance-drama naman ito. Magiging rated SPG rin naman.

Nagdikit ang mga katawan nila. At bago magtagpo ang mga bibig nila ay napakagat-labi muna si Hina.

Nakita ko kung paano gumalaw ang mga labi nila, pati ang pag-eespadahan ng mga dila nila.

Humahaplos at pumipisil si Spencer sa iba 't-ibang parte ni Hina at ipinapasok pa niya ang kamay niya sa loob ng suot nito.

Humihimas naman si Hina sa tumatambok na ari ni Spencer.

Tila naging kakaiba ang pagragasa ng dugo ko sa katawan ko. Alam kong hindi lang iyon basta init na gaya nang naramdaman ko kagabi. Init na nagpapakulo ng dugo ko. Parang may kung ano akong nakakapa sa damdamin ko na hindi ko nagugustuhan. Ginawa namin iyan ni Spencer kagabi lang—maliban sa part ni Hina.

Tang-ina, hindi na sila nahiya. Unang-una, kahit liblib ang lugar na ito, may mga pumupunta pa rin dito, pangalawa, nandito ako! Kitang-kita sila. Ano 'yun? Sa oras na magmilagro sila, para na lang bastang nawala ang presensya ko?

Napansin ko na lang na nakadilat pala si Spencer habang patuloy sa ginagawa nila, at sa akin yata siya nakamasid.

Parang magnet na napako ang mga tingin ko sa mga mata niya at hindi ko magawang ialis, pilit binabasa kung anong kahulugan ng tinging iyon. Pinapaalala ba niya sa akin ang ginawa namin kagabi?

Nang hindi ko makayanan ang napapanood ko ay napatayo ako at pinagpasyahan kong umalis nang papitlag na nahinto ako sa paglalakad nang mamataan ko si Michael na papalapit sa kinaroroonan namin.

Madilim ang mukha niyang nanlilisik ang mga matang nakatingin sa dalawang nagniniig. Nakikita ko kung paano pumitlig ang mga ugat niya sa leeg at ang pagtatagis ng panga niya.

Dire-diretso siya sa paglalakad at ni hindi man lang pinansin ang existence ko sa lugar.

"Ano 'ng ginagawa niyo?" biglang may sumigaw na may edad na babae. "Ang hahalay niyong mga bata kayo!!!"

Nanlaki ang mga mata ko sabay napanganga. Iyong taga-discipline office! Si ma'am Valenciano. Yari, baka madamay ako sa violation.

Nahinto naman sila Hina at sa halip ay kay Michael gulat na napabaling.

Wala namang pakialam si Michael sa dumating na professor at walang kagatol-gatol na agad sinugod ng suntok si Spencer na ikinatumba nito.

Napatili si Hina at dinaluhan si Spencer.

Hindi ko alam kung ano 'ng gagawin ko. Aawat ba ako sa away o tatakas?

"Tang-ina mo, gago ka! Hanggang ngayon hindi mo pa tinitigilan 'yung girlfriend ko," nanggigil na singhal ni Michael habang sunod-sunod na suntok ang ibinabato sa hindi makalabang si Spencer.

"Enough, Michael!" awat ni Hina pero patuloy lang sa ginagawa si Michael.

"Itigil niyo 'yan! Ibigay niyo ang mga ID niyo!!!" panghihimasok ng professor ngunit hindi naman magawang makalapit upang pigilan ang dalawa.

Sa huli ay pinili kong hilahin si Michael mula kay Spencer. "Tama na 'yan, Michael! Umalis na tayo rito." Ayokong magkaroon ng violation.

Buti at nagpatianod si Michael. Dinuro niya muna si Spencer bago niya ito tinalikuran.

Mabilis na napatakbo kami palayo sa garden. Para kaming tatakas mula sa giyera. Oo, giyera, kasi sa oras na magsimulang tumalak si ma'am kapag nadala niya kami sa guidance office, parang armalite.

"Hoy, saan kayo pupunta?!" sigaw sa amin ng prof bago tinuon ang pansin kina Hina. "Kayo, ibigay niyo ang ID niyo."

Tanggala, obsess pala talaga sa ID 'yung gurang na 'yon.

ExhibitionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon