30th
PAGKAGISING ko ay bumaba ako ng hagdan para kumain at tamang-tama dahil naabutan ko si tita Lany, ang mommy ni Michael na naghahanda ng almusal sa hapagkainan.
Napabaling siya sa akin. "O, buti, gising ka na. Kumain na tayo, hija, " paanyaya niya. "Nauna nang umalis si Michael. Hindi niya nahintay ang pagkain." Saglit siyang napailing at pumalatak.
"Nagpaalam po siya na maagang aalis kasi may thesis pa silang gagawin ng mga kaklase niya," pagpapaliwanag ko.
"Anong oras ka papasok?" tanong ni tita.
"Mayamaya po," sagot ko. Umupo na ako at kumuha ng pagkain.
Nag-umpisa na ring kumain si tita Lany.
As usual, kapag kasama ko siya ay ang awkward talaga ng ambiance. Hindi ko alam kung bakit. Pero sigurado ako na may malaking kinalaman ito sa unang impresyon ko sa nasaksihan kong pagtrato ni Michael at tita Lany sa isa't-isa. Hindi malapit ang boyfriend ko sa ina niya kaya hindi ko alam ang magiging approach ko sa ginang bilang girlfriend ng anak nito. Mabait naman ito at hindi matapobre. Matapos ng unang insidenteng nasaktan ako nito ay hindi naman naging masama ang pakikitungo nito sa akin.
Marahil ay naging makasarili ako. Tanging nararamdaman ko lang ang inisip ko't nararamdaman ni Michael para sa akin dahil hindi man lang akong nag-abalang alamin ang family background niya. Ni hindi ko nga alam kung nasaan ang ama niya sa tagal ng pananatili ko sa bahay nila. Sa tuwing magkakasama kami ay kapag ako ang nabi-build ng conversation ay tila nag-i-interupt si Michael. Parang ayaw niyang maghayag ang ginang. Hindi rin naman nagbabanggit ang lalaki tungkol sa pamilya niya. At dahil wala siya ngayon, siguro ito na ang tamang tiyempo para malinawan ako.
"Ahm, tita, napansin ko pong parang may conflict sa inyong dalawa ni Michael." Wala nang segway-segway 'to. Hindi ko rin naman alam kung paano uumpisahan.
Bahagyang natigilan ang ginang bago ito ngumiti.
Pero alam kong may nakatago sa ngiting iyon.
"Wala bang sinasabi sa 'yo si Michael?"
Umiling ako. "Wala po."
Napabuntong-hininga siya. "Step mother ako ni Michael," direstahang sagot niya.
Bahagya akong nagulantang. Napakalaking detalye niyon pero hindi talaga iyon ipinaalam sa akin ni Michael. At hindi ibig sabihin niyon ay hindi magiging mabuti ang pakikitungo nila sa isa't-isa. Ano pa ang dahilan ng pananatili nila sa iisang bahay? "Ano naman?"
"Mahabang kuwento, hija." Matapos niyang kumain ay niligpit na niya ang pinagkainan. Habang naghuhugas siya ng kamay sa lababo ay saka lang ito muling nagsalita nang hindi lumilingon. "Ami, mahalin mo siya ng totoo. Baka ikaw lang ang tanging magparamdam sa kanya na hindi siya nag-iisa, na may nagmamahal sa kanya."
Matagal akong natahimik bago nagsalita. "Tita... handa po akong makinig sa mahabang kuwento niyo."
"Pagkatapos mong kumain ako nang bahala sa hugasin." Binaliwala lang niya ang tinuran ko saka ito umalis ng dining area.
Nagmadali akong kumain at inayos ng mabilis ang mesa. Hinugasan ko pa ang mga hugasin sa lababo.
Tinungo ko si Tita Lany sa sala kung saan siya nanonood ng TV. Umupo ako sa sofa sa tabi niya.
"Nasaan po ang daddy ni Michael?" walang pasintabi na namang tanong ko.
"Matagal nang wala," aniya, kaswal lang ang mukha at hindi bumabaling sa akin.
Hindi ko alam kung paano ang magiging reaksyon ko. Pero nalulungkot ako para kay Michael. Kaya pala nasabi ng ginang na iparamdam sa lalaki na hindi siya nag-iisa.

BINABASA MO ANG
Exhibition
General FictionWhat if you encounter an exhibitionist? How would you react if a stranger pleasuring himself in front of you in a public place? [Tagalog story] Copyright © 2019 by MaristMolleda All Rights Reserved Copying, usage, transmission, or reproduction of th...