20th: On

3.1K 46 8
                                    

20th: On

DAHIL na-trauma na ako sa Secret Garden, higit isang linggo na akong hindi dumarayo roon. Baka kasi kapag nandoon na naman ako at mapadaan si ma'am Valenciano a.k.a "ID Queen" ay mamukhaan pa ako at patawan ako ng violation. Kahit ganito ako ay pinapahalagahan ko pa rin ang pag-aaral ko. Ayokong mabahiran ang malinis na record ko. Saka busy na ako sa pagsasabay ko sa pag-aaral at part time job ko, madadagdagan pa ng school service.

Ang siste, wala tuloy akong permanenteng tambayan at kung saan-saan tuloy ako napapadpad kapag wala akong klase. Wala kasi akong mahanap na mapayapang lugar na makatitiyak akong walang manggagambala sa akin. 'Yung lugar na wala na ulit akong masasaksihang himala. Naisip ko na sa library na lang kaya matapos nang klase ko ay dumiretso ako roon. Pero huli na nang ma-realized ko na maingay nga rin pala roon tulad ngayong nadatnan ko. 'Yung mga staff pa ang pasimuno. Pero since nakapasok na rin lang ako at sanay naman akong magtiis, tumuloy na ako. Atleast malamig dito. Next time na lang ulit ako maghahanap ng mapagtatambayan.

Pumwesto ako sa kadulu-duluhan ng silid kung saan walang masyadong tao.

Magbabasa na lang ako ng mga susunod na lesson sa ilang subject namin nang may mapala naman ako rito.

Naghahanap ako ng reference sa book shelf nang napaigik na lang ako noong may bumangga sa tagiliran ko. Nabagsak ko tuloy ang mga librong hawak ko. Agad kong pinulot ang mga iyon.

May babae palang paatras na naglalakad habang hirap na hirap na hinihila ang book cart papasok sa makitid na pagitan ng book shelves na marahil ay hindi niya ako napansin kaya natamaan niya ako.

Gulat na napalingon ang babae.

"Ami! Ikaw pala 'yan. I 'm sorry. Are you okay?"

Napatingala ako dahil nabosesan ko ang nagsalita. Si Hina pala. Pinigilan kong hindi ipaikot ang mata ko sa pag-iwas ng tingin sa kanya.

Tinulungan niya akong damputin ang mga aklat.

"I 'm really sorry," ulit niya.

"Ayos lang." Walang sabi-sabing agad ko siyang tinalikuran at iniwan. Hindi ko na kasi masikmurang makaharap siya. Hindi ko na kayang makipagplastikan pa sa kanya. Wala na rin naman akong masasabi. At kung meron man, puro kapintasan lang ang gusto kong ibato sa kanya.

Bumalik ako sa inuupuan ko.

Sa pwesto ko ay natatanaw ko si Hina kung paano niya ayusin ang cart. Itinabi niya ito sa gilid ng mga shelves.

Ito siguro 'yung na-sanction sa kanya. Ang maging student assistant. Kasi naman, sa hindi mapigilang tawag ng katawan hindi na nakapagtimping gumawa ng kakila-kilabot sa kung saan na lang. Nahuli tuloy. Tingnan ko lang kung hindi bumigay si Hina sa ginagawa niya ngayon. Mukhang nahihirapan siya, siguradong hindi siya sanay sa mga ganoong gawain. Anak mayaman kasi.

Nagtataka naman ako kung bakit wala rito si Spencer. Bakit kaya hindi sila magkasama ngayon, eh, SA rin ito ng library?

Pero imbis na sagutin ko ang sarili kong mga lohika at guluhin ang isip ko, pinili ko na lang ituon ang atensyon ko sa libro.

Mayamaya ay may tumabi sa akin at ramdam ko ang pagtitig nito sa akin.

"Hindi pala kita makakausap ngayon. You look so busy."

Saglit na tinapunan ko ang nagsalita na si Hina na naman pala.

Binalik ko ang tingin sa binabasa ko sabay napabuntong-hininga ako. "Sige lang. Sabihin mo," udyok ko. Tiyak ay tungkol ito sa nangyari sa Secret Garden. Interesado pa rin naman ako sa sasabihin niya. "Busy-busy-han lang naman ako, eh."

ExhibitionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon