23rd: Going Strong Daw

2.4K 35 0
                                    

23rd: Going Strong Daw

KAKALABAS ko lang ng room matapos ng klase ko before lunch nang mag-text sa akin ang boyfriend ko.

From: Michael

Hindi kita masusundo sa room mo. :( Pwede bang dito ka na lang sa karinderya dumiretso? Doon na rin ako pupunta. :)

Napangiti ako habang nakasulyap sa screen sa kabila ng hindi kami magkasamang lalabas ngayon ng campus.

Sa one week na magkarelasyon kami ni Michael ay luckily going strong naman kami at wala pa namang LQ na nagaganap. Sa halip ay lalo kong nararamdaman kung gaano niya ako kamahal sa pamamagitan ng mga lambing niya, lagi kong naririnig sa kanya ang mga katagang "I love you/mahal kita". Hindi rin niya kinakalimutan na alalahanin ako maya 't-maya kahit sa text kapag hindi kami magkasama. Kung kumusta ang klase ko, kung kumain na ba ako, kung nasaan daw ako, mag-ingat daw ako lagi. Tuwing umaga ay bubungad ang text messages niya na may nakakakilig na pagbati at kapag sasapit ang gabi bago ako matulog ay mababasa ko mula sa kanya ang mga salitang nagpapaganda ng panaginip ko. Sa inaraw-araw rin ay hatid-sundo niya ako sa trabaho, nagpupumilit na ihatid niya ako sa bahay namin, pati kapag lunch ay hinihintay niya ako sa labas ng room para sabay kaming kumain. Ngayon lang yata niya ako hindi masusundo dahil marahil ay abala ito sa pag-aaral. Naiintindihan ko naman. Kahit naman ako dahil sa tambak na activity na binibigay ng mga prof. At kahit ano pa man ang dahilan ay ayos lang naman sa akin. May valid reason naman siguro siya kung bakit hindi niya ako mapupuntahan, atleast naglaan siya ng oras para sabay pa rin kaming kakain.

Sa paglalakad ko sa entrada palabas ng gate ay biglang bumigat ang loob ko nang makita kong papasalubong si Hina sa direksyon ko.

Napahinto ako nang humarang siya sa dinaraanan ko.

Hindi na ako umiwas pa. Taas noo ko siyang hinarap. Matagal na rin kasi kaming hindi nagkakausap. Sadyang hindi nagpapakita sa isa 't-isa at kung magkatagpo man ay nag-iiwasan.

Siguro ngayon sa biglaang pagkakataon ay may dapat nang basaging katahimikan. Linawin ang mga bagay na hindi klaro. Sunugin ang kaplastikang hindi na kayang i-recycle pa kahit magkakaroon pa rin ng masamang epekto. Kumbaga sa amin ay tama na ang pagpapanggap, dapat nang ilantad ang tunay na pagturing namin sa isa 't-isa kahit na mahirap nang mapabuti pa ang samahan namin. Sa simula pa lang ay hindi na authentic ang friendship namin kaya agad na iyong nagkalamat, at sigurado, tuluyan na itong mababasag.

Pinakatitigan ko siya. Wala mang nagbago sa ayos at hitsura niya, nababanaag naman sa mukha niya ang panlulumo. Bakit naman siya magkakaganoon? Daig pa niya ang na-broken hearted.

"Kayo na pala ni Michael," pakli niya na may sincere na ngiti at ni walang bakas na kahit anong katarayan at kaartehan sa boses at ekspresyon niya. Tiyak na nahahalata na niya ang mayroon sa pagitan namin ni Michael. Sino ba 'ng hindi makakaalam sa unang tingin? Halos ipangalandakan ko na kahit sa mga kilos lang na dapat mainggit sa amin ang mga single.

Hindi napatid ang tuwid kong tingin sa kanya at sarkastiko akong nginitian siya. "'Wag kang mag-alala. Walang panunulot na naganap," tugon ko sa halip. "Tinapon mo na siya bago ko pa siya pulutin at pakinabagan."

"Don't worry. I 'm not bothered. I actually want to congratulate the both of you... "

Natigilan ako. Hindi ako nakasagot sa tinuran niya. Naglaho lahat ng nais kong sabihin. Ang balak ko sanang magpaka-bitch sa harap niya ay hindi ko nagawa. Bakit pa ba ako magagalit sa kanya kahit wala na sila ni Michael? Well, nasaktan lang ako para sa lalaki dahil sa ginawa niya. Nasaksihan ko kung paano maghinagpis ito. At dapat pa nga akong matuwa dahil nasa akin na ang taong mahal ko dahil sa nangyari. Dahil sa kagagawan niya. Sa kasalanan niya. Hindi ko na kailangang ma-threatened sa kanya dahil alam kong hindi na ako sasayangin pa ni Michael. Secure na ako sa relasyon namin. Since, hindi naman bitter si Hina na kung tutuusin talaga 'y wala siyang karapatan dahil siya itong nagtaksil. I 'm much better than her. Hindi man ako tulad niya na madaling makapagpaibig ng lalaki. Hindi ako maganda, hindi sexy, hindi mayaman, pagmamahal lang ang mayroon ako upang maging karapat-dapat kay Michael.

ExhibitionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon