24th: Tiktik
"O? BAKIT ka bumalik? May nakalimutan ka ba?" nagtatakang tanong ko kay Michael nang walang sabi-sabing umupo siya sa tabi ko sa huling hilerang pinupuwestuhan ko. Napaigtad pa nga ako pagkakita sa kanya na ikinatawa niya.
Kakahatid niya lang sa akin sa room ko ngayon pagkatapos naming kumain at ang akala ko ay pumunta na rin siya sa susunod niyang subject.
"Wala raw 'yung prof namin, may dinaluhang meeting. Pwede bang maki-seat in ako rito?"
Mabilis na tumango ako. "Oo, sige. Mabait naman 'yung prof namin." Binaba ko 'yung cellphone kong kinakalikot ko kanina habang bored ako. Ipinagharap namin ang mga upuan namin.
Magkahawak kamay kaming nagkuwentuhan habang hinihintay namin ang professor.
"Maalala ko lang," aniya sa kalagitnaan ng pag-uusap namin. "Gusto ko lang itanong. Ano 'ng meron sa inyo ni Olano?"
Natigilan ako. "Bakit mo tinatanong?" Buti napigilan kong mautal pagkasabi ko niyon. At saka, 'di ba dapat hindi gano'n ang tanong ko? Nagmukhang guilty agad ako. Dapat sinagot ko na agad.
"Nakita ko na kasi kayong magkasama ng ilang beses. Gusto ko lang malaman kung ano 'ng ugnayan niyo."
Nailang ako sa mataman niyang pagmasid sa akin. Sinusukat niya siguro ang mga sasabihin ko.
Maagap akong umisip ng dahilan. "Madalas kasi siyang kumakain sa restaurant na pinagtatrabahuhan ko," maikling saad ko na totoo naman. Sapat na sigurong iyon lang ang malaman niya kaysa ang iba pang namamagitan sa amin ni Spencer. Hindi ko naman pwedeng sabihin na unang nagkita kami sa jeep at v-in-ideo-han ko ito sa pag-e-exhibition nito at dahil doon ay psychologist na ako nito. Baka iba ang isipin ni Michael at ilayo pa niya ako rito. Kailangan pa nito ng tulong ko. Lalong hindi ko pwedeng sabihin na nakikitira ako sa bahay ni Spencer at halos may mangyari na sa amin.
"Tapos?"
"'Ayun... syempre kapag nagkakasalubong kami nakakahiya namang hindi kami magbatian." Nagsisinghalan 'ka mo at naglilisikan ng mata.
"Bakit ka niya kinaladkad noong una tayong nagkakilala?" Parang hindi pa siya kontento sa mga sinabi ko. Bakit kaya mausisa siya? Marahil ay pinagseselosan niya si Spencer at nadala na siguro siya sa ginawa nito sa kanila ni Hina kaya nag-iingat na siya rito para sa aming dalawa.
"May utang kasi ako sa kanya, hindi ko pa mabayaran kaya nagalit siya sa akin no'n." Ito na nga't nag-uumpisa na akong magsinungaling. Please, 'wag nang magtanong ulit.
Napatango-tango siya. Mukhang napaniwala ko naman siya.
"Okay! Fifteen minutes na lang, kapag wala pa si Sir sibat na tayo," sigaw ng monitor ng klase. Kalahating oras na kasi at wala pang professor. Fourty five minutes ang palugid bago masabing wala ng klase sa isang subject kapag wala pang instructor na pumasok.
Naghiyawan ang iba kong kaklase. Mayamaya ay isa-isa nang nagsilabasan ang mga classmate ko. Wala na talagang professor na nagpakita. Hanggang sa kaming dalawa na lang ni Michael ang natira sa classroom.
"Saan na tayo pupunta?" tanong ko nang parang naging awkward sa loob ng room. May ilang minuto pa kami bago ang susunod naming klase, baka maburyong si Michael kung mananatili lang kami rito sa buong bakanteng oras.
"Ano nang gagawin natin?" Pilyo siyang ngumiti at bahagyang tumawa.
Napahinga ako nang malalim. Tila namuo lalo ang tensyon sa pagitan naming dalawa. Parang pinapawisan ako kahit presko naman sa room at may hanging pumapasok mula sa bintana bukod pa sa wall fan at ceiling fan na nagpapalamig sa loob.
BINABASA MO ANG
Exhibition
Ficción GeneralWhat if you encounter an exhibitionist? How would you react if a stranger pleasuring himself in front of you in a public place? [Tagalog story] Copyright © 2019 by MaristMolleda All Rights Reserved Copying, usage, transmission, or reproduction of th...