8th: Tip

4.8K 57 2
                                    

8th: Tip

TAMBAK na naman ng assignment. Pagod na pagod na ako. Sawang sawa na ako. Hindi pa ba nakukontento ang mga professor? Kung makapagbigay kasi ng activities sabay-sabay. Nakakapraning tuloy. Hindi ko alam kung ano ang uunahin. Anytime, magiging alanganin ang grades ko. Hindi na pagkatuto ang naibabahagi nila sa mga estudyante nila. Pagpapasakit lang ang ibinibigay nila. As fuck!

Kaya heto ako, dakilang tambay sa library. Magdamag na naman ako nito rito. Rush na rush na ako. Sa maikling panahon ko lang magagawa ang mga dapat kong gawin at hindi dapat waso-waso ang maging resulta ng lahat ng ito. Kaya gagawin ko pa rin ang aking makakaya.

Pagkapasok ko ng library ay nilabas ko na ang dapat ilabas sa bag ko dahil bawal ang bag sa loob at dapat ilagay sa counter.

Napansin kong bulungan nang bulungan ang mga kasabayan kong mga babae. Saglit na tiningnan ko sila at tila may sinusulyapan sila. Hindi ko man maintindihan ang tinutukoy nila ay obvious namang kalandian ang bukambibig nila. Napatirik ako ng mata.

Pagkatingin ko sa may counter ay hindi ako makapaniwalang naroon si Spencer at umaasikaso sa mga mag-aaral na pumapasok at lumalabas ng library. Kaya pala ang haharot ng mga babae rito.

Pero nagtataka ako kung bakit nandito si Spencer. Mayaman naman siya, hindi niya kailangang maging student assistant. O, baka nagkaroon siya ng violation. Baka nahuli sila ng officer na nagchuchu ni Hina kaya na-sanction sila. Lihim akong napalatak. Dito pa kasi sa campus gumawa ng kalokohan.

Nilapag ko ang bag ko sa counter nang makalapit ako. Hinintay kong ibigay sa akin ni Spencer ang number card.

Pagkabigay niya ay hindi ko naiwasang tingnan siya at saktong nagkasalubong ang aming mga mata saka naman agad nag-iwas kami ng tingin. Napakablangko ng ekspresyon ng mukha niya.

Hindi ko pa nalilimutan ang ginawa niya sa cellphone ko. Magbabayad siya kapag nagkaroon ako ng time.

Pumwesto ako sa sulok gaya ng nakagawian ko. Iniwan ko ang mga gamit doon saka naglibot sa mga shelves at hanapin ang mga kinakailangan kong reference.

Nang hindi ko mahanap sa ka-lebel kong tingin ang libro ay sa taas naman ako tumingin.

Sa pagkaabala ko sa pagba-browse ng libro ay hindi ko napansing may tao sa likod ko at bahagya ko siyang nabunggo.

"Sorry," sabay na sabi namin niyong natamaan ko.

Napapihit ako nang mapamilyar ako sa boses niya.

"Ami," ani Michael nang magkaharap kami.

Pareho kaming napangiti.

Pero mabilis siyang napababa ng tingin at napakamot pa sa ulo.

Nailang din ako kaya pinagpatuloy ko na lang maghanap at madali kong namataan ang reference na kailangan ko pero nasa taas iyon. Pilit kong inabot iyon at tumingkayad pa ako pero hindi ko makuha. May biglang ibang kamay ang sumulpot at kumuha sa libro.

Napalingon ako at napapitlag ako nang dibdib ang bumungad sa akin. Katawan ni Michael.

Nilahad niya sa akin ang aklat na kinuha ko naman.

"Saan ka nakaupo?" tanong niya.

"Ahmm... Doon." Tinuro ko ang pwesto ko. Sinamahan niya ako at pagkarating namin doon ay tumabi siya sa akin ng pagkakaupo.

Narinig kong tumikhim siya. "Sorry nga pala nu'ng nakaraang araw."

Nahinto ako sa pagbubuklat ng aklat pero hindi ako bumaling sa kanya. "B-bakit ka naman nagso-sorry?"

ExhibitionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon