11th: Dry
"TANG-INA niyong tatlo!" asik ko kay Spencer matapos kong laklakin ang isang baso ng alak. Nakailang inom pa lang ako pero ngayon alam ko na ang feeling ng may amats. Ganito pala ang pakiramdam nang nalalasing. Iyong akala ko gagaan ang pakiramdam ko pero ngayo 'y gusto kong sumabog. Gusto kong magwala. Nagbalik lahat ng feelings mula noong mga pagkakataong binabali-wala ko ito. Ngayon umaapaw na ang sakit sa damdamin ko. Akala ko kapag uminom makakalimot, pero lalo kong natatandaan lahat nang may tama na ako.
Dahil lang ito sa assuming kong puso na umasa sa wala at nasaktan sa pagpapakatanga pero nagsanib pwersa ang lahat ng sakit mula sa nakaraan at sa kasalukuyan na nagdulot sa akin ng higit na hinagpis.
"Why am I included?" nagtatakang tanong ni Spencer. Hindi siya umiinom dahil tapos na raw siyang makipagwalwalan sa mga ka-team niya sa basketball kanina. Dinala niya ako sa isang kilalang bar at nang makahanap ng pwesto ay alak agad ang hiningi ko.
"Oo, isha ka pa!" Dinuro ko siya. "Shinira mo 'yung shellphone ko, eh."
"'Di ba pinalitan ko na?"
"Bashta. Tang-ina mo. Kung hindi mo inagaw ang shellphone ko, hindi 'yun mahuhulog at mashishira. Tulad ng pag-agaw mo kay Hina kay Michael, ako 'yung nahulog shamantalang halosh mashira ang relasyon nila dahil sha 'yo." Kaya pala ayon sa mga nasaksihan ko ay kapag nagkakatagpo sina Spencer at Michael ay may namumuong tensyon sa mga ito. Alam ni Michael na may affair ito kay Hina kaya mabigat ang loob niya sa lalaki. Kapag hindi sila magkasama ang alam niya ay busy ito. Busy sa iba—–kay Spencer. Pero martyr ba siya para hayaang panatilihin ang relasyon nila habang patuloy siyang pinaglololoko ng nobya niya at ni Spencer? Bakit hindi niya hiwalayan si Hina? Bakit hinahayaan niyang masaktan ang sarili niya? Kaya pala nagpapalit siya ng topic kapag pinag-uusapan ang girlfriend niya. Hindi ganoon kaganda ang relasyon nila. At nahihiya pa siya paminsan-minsan, kasi kahiya-hiya naman talaga si Hina sa pinaggagagawa nito—sa kalandian nito. Pero aba, kanina ang saya ng anniversary nila sa restaurant.
Inikot ni Spencer ang mga mata niya. "Drama again. And for you to know, it 's her choice. Hindi ko siya pinilit. Siya ang kusang lumapit sa 'kin. Siya nga 'yung namilit, eh."
"Pareho kashi kayong malibog."
Nang paubos na ang alak sa bote ay tumawag si Spencer ng waiter upang um-order muli ng bucket ng alak para sa akin.
"Ganoon din pala ugali mo kapag nakainom ka," aniya.
Pabagsak kong nilapag ang baso sa mesa. "Gushto mo ba talagang makita ang ugali ko?" Tumayo ako. "Gushto kong pumatay at ikaw ang una kong papatayin!" Sinubukan kong taubin ang mesa pero mabigat pala iyon. Salamin kasi, eh. Hahawiin ko na lang sana ang mga nakapatong sa mesa nang napatayo si Spencer at inawat ako.
"Calm down! What the heck? Are you insane?"
Pinilit kong makawala at hinampas si Spencer sa dibdib. "Inshane? Ikaw ang baliw. Shayko. Ekshibitionisht!" Hindi ko mapigilan ang mga pinagsasasabi ko. Epekto na siguro ito ng alak kaya kung ano-ano na ang ginagawa't lumalabas sa bibig ko.
Dahil sa pagwawala kong iyon ay nakakakuha na kami ng atensyon sa ibang mga customer kaya may lumapit na waiter.
"Ma'am, bawal pong magwala rito. Kapag hindi po kayo huminahon ay palalabasin po kayo ng bouncer namin. Pakibayaran na lang po ng bill niyo."
Sa huling sinabing iyon ng lalaki ay natigilan ako. Wala pala akong pera, paano ko babayaran ang mga in-order ko?
Tumawa na lang ako. "Wala akong pera. Aalish na lang ako. 'Ge." Maglalakad na sana ako palabas nang hawakan ni Spencer ang braso ko. Pinilit kong alisin ang kamay niya pero ni walang talab sa kanya ang lakas ko.
BINABASA MO ANG
Exhibition
General FictionWhat if you encounter an exhibitionist? How would you react if a stranger pleasuring himself in front of you in a public place? [Tagalog story] Copyright © 2019 by MaristMolleda All Rights Reserved Copying, usage, transmission, or reproduction of th...