10th: Congrats

3.4K 50 1
                                    

10th: Congrats

"ANG BIPOLAR disorder, na tinatawag noon na manic depression, causes extreme mood swings that include emotional high—mania or hypomania, and lows—depression..."

Nakapangalumbaba ako habang nakikinig sa professor namin. Naalala ko ang mga sinabi sa akin ni Hina noong huli kaming makuwentuhan. Imbis na pag-usapan ang tungkol kay Spencer ay napunta sa mommy niyang may bipolar disorder.

"Kapag naging depressed ka, pwede kang makaramdam ng kalungkutan o pagiging hopeless at kawalan ng interest or pleasure in most activities," patuloy ng professor.

Ayon kay Hina, nagsimula ang kakaibang pag-uugali ng mommy niya nang ipinanganak siya. Lumala nang iwan sila ng daddy niya dahil hindi nito matiis ang nag-ibang kilos ng asawa. Wala na itong paggalang sa sarili nitong ina at nananakit na ng ibang tao. Ang diagnosis na Postpartum Depression sana kung una pa lang ay nasuri na ng doctor, humantong ang sitwasyon nito sa Bipolar Disorder.

"Kapag ang mood mo ay nagsyi-shift sa ibang direksyon, maaaring makaramdam ka ng sobrang kasiyahan at mataas na energy."

Parang katulad ng nakita ko sa nanay ni Hina. Galit na galit ito sa nanay nito nang hindi ito pahintulutang lumabas pero pagkakita kay Hina ay nagbago ang mood nito. Dagdag pa niya, nang nakikitaan ito ng sintomas ay noong una, labis ang depresyon nito. Hindi na nito nagagawa ang usual routine nito. Makalipas ng ilang linggo ay akala nila nagbalik ito sa normal, iyon pala ay masyado itong naging hyper. Kumbaga nagpaplano na ito ng mga positibong kaisipan na imposibleng mangyari. At babalik na naman sa pagiging bugnutin nito, magiging masaya ulit, papalit-palit lang ng mood depende pa sa sitwasyon. Minsan matagalan, madalas mabilisan ang pagbabago ng ugali nito.

"Although bipolar disorder is a disruptive, long-term condition, maaari mo pa ring mapanatili ang iyong mood by a treatment plan."

May maintenance naman ang mommy ni Hina kaya paminsa'y napapanitili itong kalmado. Sabi pa niya ay tanging siya lang ang nakakakontrol sa kanyang ina kapag sinusumpong ito na hindi nagagawa ng lola niya. Kaya nga parang hindi maganda ang pakikitungo ng ginang sa ina samantalang kay Hina ay maamo ito.

Lihim akong napailing at napalatak. Naalala ko si Spencer na isang exhibitionist samantalang si Hina naman ay may lahing psycho, nagsama. Kung sakali, ano kayang magiging kahihinatnan ng pamilya nila? Makakabuo sila ng lahing may mental disorders.

NANG may dumating na dalawang customer na tila couple at umupo sa napili nilang pwesto ay agad ko silang nilapitan upang asikasuhin.

Inayos ko ang paglilistahan ng mga order.

"Ano pong order niyo, ma'am, sir?" magiliw na bati ko.

"Ami!"

Napabaling ako sa babaeng customer na bumulalas pangalan ko.

Natigilan ako. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanila. "Hina? M-michael?" nagtatakang sambit ko. Anong ginagawa nila rito? Bakit sila magkasama?

"Magkakilala kayo?" tanong ni Michael na katulad sa naglalarong katanungan sa isip ko na nais kong isabibig.

"Why? Magkakilala rin ba kayo?" balik-tanong ni Hina sa amin ni Michael. "She's my best friend," sagot niya sa unang tanong ni Michael.

"Friend ko rin siya," tugon din ni Michael kay Hina.

"Nice. What a small world," komento ng babae.

Malamang. Nasa iisang school lang tayo, eh. Tusukin ko kaya kayo ng ballpen.

Nagtawa sila sa isa't-isa samantalang ako ay nawala sa ulirat.

"Dito ka pala nagtatrabaho?" ani Michael.

ExhibitionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon