Chapter 11

313 11 1
                                    

3rd person's POV

Naglakad papalapit si dylan sa ilalim ng puno at sumandal dun. Isinandal niya din dun ang kaniyang espada at tumingin siya sa buwan.

"Dylan."

Umayos siya ng tayo at tiningnan ang bagong dating.

"Lemuel."

Nagtitigan sila ng ilang saglit bago muling magsalita si dylan.

"Layuan mo si janica."

Napangisi si lemuel tapos ay sinuklay nito ang buhok niya gamit ang kamay niya.

"Sa pagkakaalam ko wala na kayo ni irene. At sa pagkakaalam ko rin wala kang karapatan na sabihan ako ng dapat na gawin."

Naiyukom ni dylan ang kamao niya. Tanggap na niya na wala na sila ni irene pero naiinis siya sa ipinapakitang ugali ni lemuel sa kaniya.

"Hindi kayo pwedeng magsama!"

"Kinamumuhian mo ang mga bampira dahil isa kang assassin."

"Sa tingin mo sino bang hindi kayo kamumuhian kung pumapatay kayo ng tao para lang makainom kayo ng dugo at mabuhay pa ng matagal."

Naging malungkot ang mukha ni lemuel at tumingin siya sa baba.

"Hindi ba.. Pumatay rin naman ang tatay mo ng isang inosenteng tao."

Kumunot ang noo ni dylan dahil hindi niya alam ang pinagsasasabi ni lemuel. Marami siyang hindi alam tungkol sa kaniyang ama dahil hindi sila malapit sa isa't isa.

"Pinatay ng ama mo ang aking ina na nagdadalang tao. Dalawang buhay ang kinuha niya saamin ng papa ko. Pero ni minsan hindi ko naisipang maghiganti sa inyo. Ni minsan hindi ko naisipang tulungan ang aking ama sa kaniyang mga plano."

Hindi makapaniwala si dylan sa naririnig niya. Gulat na gulat parin siya sa sinabi ni lemuel.

"Wag mo kong lokohin! Isang bampira ang nanay mo kaya naman--"

"Mali ka. Pinakasalan ni papa si mama pero hindi niya ito ginawang bampira."

Mas lalong nanlaki ang mata ni dylan sa narinig niya kaya kinwelyuhan na nito si lemuel.

"Wag mo kong niloloko sabi! Imposibleng mangyari yon! Hindi kakayanin ng isang normal na tao ang magkaroon ng anak na bampira!"

"Pero nangyari.." Hinawakan ni lemuel ang kamay ni dylan tapos tiningnan siya sa mata "Wala kong balak na makipag away sa inyo dylan. Nandito ako para kausapin ka at pakiusapan ka na tulungan ako. Aayusin ko ang gulo sa pagitan ng mga bampira at assassins."

Malakas niyang itinulak si lemuel tapos tiningnan ito ng masama.

"Nasa tamang pagiisip ka pa ba lemuel? Tatalikuran mo ang sarili mong anyo para lang makasama si janica?"

"Oo. Lahat gagawin ko para lang makasama siya. Kahit na kalabanin ko pa ang sarili kong ama. Gagawin ko."

Hindi makapagsalita si dylan dahil seryosong seryoso si lemuel sa sinabi niya. At unti unti siyang naniniwala.

"Pero isa kang bampira. Paano kita tutulungan kung isa kang bampira!!"

Napahawak si lemuel sa ulo niya dahil sa sobrang inis sa sinagot sa kaniya ni dylan. Hinatak niya ito at ini upo sa may bench.

"Alam mo ba ang tungkol sa elixir of life?"

"Yun ang isang klase ng gamot na nagpapagaling ng sakit ng isang tao diba? Pinapahaba din nito ang kaniyang buhay."

Vampires vs AssassinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon