3rd Person's POV
Mga paghahanda ang ginagawa ng lahat sa loob ng institute, pagpapatalim ng espada, pagpili ng baril na gagamitin at kung ano ano pa.
Alam ng lahat ng assassin na malakas ang posibilidad na matalo sila, kaya naman naisip nila na atakahin kaagad si cerberus para madeklara ang pagka panalo nila. Ang usapan nila kasi ay kung sino ang unang makapagpatumba sa pinuno ay siyang tatanghalin na panalo.
Sa isang kwarto naman sa loob ng institute nakaupo ang dalawang babae. Walang nagsasalita sa kanila dahil sa halo halong emosyon na nararamdaman.
Nakuha lang ng kumatok ang atensyon nila.
"We will be leaving at 6. Are you ready?" Tanong ni rouge habang naglalakad papasok sa kwarto at kasunod si grey.
"Pwede niyo naman sabihin samin kung ayaw niyo, itatakas namin kayo. Kame na ang bahala sa sasabihin kay boss. Masiyadong mapanganib kung lalaban kayo."
Malakas na itinusok ni rian ang kanyang espada sa lapag kaya naman bumaon ito. Anger is written all over her face.
"No! I want to fight, gusto ko ako ang pumatay kay lemuel!"
Hindi maitatanggi na ayaw ni janica sa gustong gawin ni rian dahil hindi parin nawawala ang pagmamahal nito sa binata, pero mas nangingibabaw ang galit sa kaniya kaya naman pinabayaan niya nalang at handa siyang tulungan si rian.
"Then let's go. Magkakaroon muna tayo ng meeting bago tayo pumunta sa lugar."
Tumango ang dalawa at sumunod kila grey. Pumunta sila sa hall kung nasaan ang lahat ay nagsimulang mag usap usap.
Sa mundo naman ng mga bampira, nag uusap usap din silang lahat. Nagbibigay ng instruction si cerberus sa lahat. Pero si lemuel, imbis na nandun at nakikinig nakakulong siya sa kwarto niya at may ibang kausap.
"Ano na ang plano mo?" Tanong ng kausap niya.
Nakatingin lang si lemuel sa wine glass na hawak niya at ininom ang dugo na laman nun.
"Ano ba sa tingin mo ang plano ko?" Tanong niya pabalik kaya naman napasimangot ang kaniyang kausap.
Naglakad si lemuel papunta sa lamesa niya at kinuha ang espada na nasa ibabaw nito at hinagis sa kasama niya.
"Kill everyone who gets in our way with that sword."
Napangisi ang kaniyang kasama habang sinusuri ang espada na binigay sa kaniya ni lemuel.
"Hindi ko napagsanayan ang espada na to, pero masusunod. Tutal para naman sa ikakabuti ng lahat ito."
Nag fist bump sila at ngumiti sa isa't isa. Ilang oras nalang ay magsisimula na ang war sa pagitan ng mga bampira at assassins. At ilang oras nalang din ay magkakaroon na ng kapayapaan sa pagitan ng dalawa.
**
"Time check: 6:59 pm. Wala parin ang kalaban at--" naputol ang sasabihin ng lalake dahil sa lakas ng hangin. Napapikit din sila dahil sa mga alikabok na lumipad.
Pagdilat nila ay kaharap na nila ang mga bampira, nasa harapan si cerberus na katabi si hanna at lemuel
"Let's make a deal, anthony. Surrender and i will let you live. As my servants though."
Iniyukom ni anthony ang kanyang kamao at ngumisi. Si lemuel naman ay napairap at tumingin sa gilid na parang walang interes sa mangyayari ngayong gabi. Ang dalawang babae naman ay masamang nakatingin kay lemuel.
BINABASA MO ANG
Vampires vs Assassins
Ngẫu nhiênWe are born to kill each other.. But will this be the time to change the way we live? Or will this be a new start of the war between vampires and assassins?