Janica's POV
Nanlalambot ang tuhod ko at hindi ako makatayo. Hindi pa kayang iproseso ng utak ko ang nangyari, una pinrotektahan ako ni lemuel na hindi niya naman dapat ginawa dahil wala naman siyang pakielam sakin eh! Pangalawa, dahil sa huling salita na binitawan niya na hindi ko naman narinig! At pangatlo dahil nandito ngayon si dylan sa harapan ko at buhay na buhay!!
"We have to take you to a safer place. Kame na ang bahala dito."
"Janica! Rian!"
Nilingon namin ang tumatawag samin at nakita si hanna na tumatakbo papalapit samin. Dinamba niya kame ng akap kaya muntik na kame matumba.
"But nalang ayos lang kayo. Nasaktan ba kayo"
"Ayos lang kame. Pero, ikaw? Ayos na ba ang mga sugat mo?"
Tumango naman siya samin at nag ok sign.
"Enough chit chat for now, girls. Hanna, take them to that big tree at the right. Alec will be there."
Tumango si hanna at hinawakan kame ni rian pareho sa balikat at napunta kame sa isang puno.
"Hanna, over here."
Nakita namin si alec na nakatago sa likod ng mga dahon kaya nilapitan namin siya. Hindi ko maiwasang kabahan, gusto ko narin masagot ang mga tanong sa isip ko. Ano ba talaga ang iniisip ni lemuel? Kakampi ba namin siya o hindi? Bakit buhay si dylan? Bakit niya ako niligtas kanina. Bakit.. Bakit nagdidilim ang paningin ko.
"Ja!!"
Yan ang huli kong narinig bago ako tuluyan nilamon ng dilim at nawalan ng malay.
Hanna's POV
"Ja!!"
Nasalo kaagad ni alec si janica bago pa siya matumba. Nilapitan ko siya at tiningnan siyang maigi, may tama siya sa tagiliran niya. Tsk, hindi ko na alam kung kaninong dugo ang naaamoy ko kaya hindi ko napansin.
Agad kong pinagaling ang sugat niya pero wala parin siyang malay.
"Alec, babalik ako dun. Ikaw muna ang magbantay sa kanila."
Tumango siya sakin kaya nagteleport na ako pabalik dun. Tumambad sa harapan ko ang mga bangkay ng assassins at bundok ma mga abo. Tsk, this is bad. Hinanap ng mata ko si kuya at nakita ko siya na nakikipaglaban kay papa, at si dylan na nakikipaglaban sa papa niya.
Pero, bakit ganun. Bakit hindi parin gumagaling ang mga sugat ni kuya? Tumakbo ako papalapit sa kaniy at hinarangan ang dapat na pagsuntok ni papa kay kuya.
"Hanna." Sabay nilang sabi.
Tiningnan kong maigi si kuya tapos ay kinuha ko ang lahat ng bala na nasa katawan niya kaya napasigaw ito sa sakit. Wala lang dapat sa kaniya ang ginawa ko unless..
"Silver bullets." Nag aalala kong tiningnan si kuya na ngayon ay nakaluhod dahil sa sakit.
Hindi ko siya mapapagaling. Tumulo na ang mga luha ko na pinipigilan ko, hindi pwede. Kailangan niyang gumaling kundi.. Kundi mamamatay siya sa dami ng dugo na nawala sa kaniya at sa daplis ng bala sa puso niya.
"Papa. Itigil mo na to, kailangan nating magamot si kuya!"
Isang masamang tingin ang binigay sakin ni papa. Thmaas ang kamay niya at akmang sasampalin ako pero naputol ang kamay niya kaya tumalsik ang dugo niya sa mukha ko.
"I can live without you. But i don't think i can bare seeing my sister get hurt, so i'll kill you if lay a hand on her." Malamig at galit na sabi ni kuya habang tumatayo.
BINABASA MO ANG
Vampires vs Assassins
RandomWe are born to kill each other.. But will this be the time to change the way we live? Or will this be a new start of the war between vampires and assassins?