Epilogue

441 11 0
                                    

Janica's POV

"Lem! Do you think this will be a good concept for our new theme?"

"Yeah."

"look at this, i have new recipes. Can you taste it once i make them later?"

"Sure."

"And lem." This time nilingon ko na siya 

"Why?"

Tumayo ako tapos nilapitan siya at dinaganan. With matching talon pa para may force talaga!!

"Nakakainis ka sumagot!! Parang pilit na pilit ka lang eh! Wag na nga! Kay alec ko nalang ipapatikim!"

Tumayo na ako at lumabas ng kwarto, hanggang sa makalabas ako ng bahay hindi niya man lang ako sinundan!! Walanghiyang lalaki yun!! Bakit ganun siya? Ang cold niya ngayong araw. May problema ba? Bakit hindi niya sinasabi sakin?

Napaupo nalang ako sa may hagdan at pinatong ang ulo ko sa tuhod ko.

"So why is the princess crying at the doorstep?"

Inangat ko ang ulo ko and saw dylan. He is on his usual attire. All black!

**

"Baka naman may period."

Tiningnan ko siya at hindi makapaniwala sa sagot niya after ko ikwento sa kaniya ang nangyari kanina.

Really? Alam kong nagjo-joke siya but what i need right now is not a joke!

"Hehe. Eh baka nga may pinagdadaanan lang siya at ayaw ka niya idamay."

"What? Ano pa silbi ng relasyon namin kung ganun?"

Sinuklay ni dylan ang buhok niya gamit ang kamay at napabuntong hininga.

"I know it will feel unfair, but janica. Marami ka din pinoproblema, at kung sa tingin naman ni joseff ay kaya niyang lutasin ang problema niya hindi ka na niya dadagdagan pa ng poproblemahin. You know how independent joseff is. Hangga't kaya niya, hindi niya sasabihin at hindi siya manghihingi ng tulong sa iba."

Biglang umurong ang dila ko sa sinabi ni dylan. Hindi ako makasagot, hindi ako makaangal dahil lahat ng sinabi niya ay totoo. 

Tinapik niya ako sa balikat at tumayo.

"Halika, samahan mo muna ako. Hayaan mo munang mapag-isa si joseff."

Kahit ayoko sumama padin ako kay dylan. Nahatak na niya ako kaya ano pa ba magagawa ko diba? Nakarating kame sa isang museum which is hindi ko pa napupuntahan dahil hindi ko alam na nageexist pala ito.

"This place helps me relax. Lalo na yung maze dito, kada araw kasi pinapalitan nila ang course kaya kada makakalabas ako siyempre nakakatuwa. Nawawala yung mga iniisip ko. Gusto mo i-try?"

Hindi naman siguro ako mawawala dahil kasama ko si dylan diba?

"Just make sure not to get lost, isa isa lang kasi ang pasok dun eh."

Kakasabi ko lang eh!!

Nakarating na kame sa maze at si dylan ang unang pumasok. And after 5 minutes tsaka palang ako pumasok. Tatlong daanan ang pagpipilian ko. left, middle, or right? Which way should i go?

Pipiliin ko na sana ang gitna pero nakuha ng papel na nakadikit sa pader sa kanan ang atensyon ko. Lumapit ako dun at binasa yun.

  "The spaces between your fingers are meant to be filled with mine."

Vampires vs AssassinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon