Janica's POV
"Anong gagawin natin sa bampira na yun?"
"Wag niyo siyang gagalawin. Magagamit din natin siya sa mga kalaban natin na bampira, balita ko anak siya ng pinuno ng mga bampira."
"Talaga? Kung ganun mapapasuko natin sila sa pamamagitan ng babae na yun. Eh pano kung pumalag?"
"Pahirapan niyo. Pero wag niyong papatayin."
Ilan yan sa mga naririnig kong usapan nila bago ako nagising ng tuluyan. Umupo ako mula sa pagkakahiga at sinubukang galawin ang kamay ko, pero sadyang napaka higpit ng pagkakatali at ako lang ang nasasaktan kaya tinigil ko na.
"Ja, are you awake?"
Tiningnan ko kung saan nanggaling ang boses at nakita si rian na hindi kalayuan sakin. Katulad ko nakatali rin ang kamay niya pero sa kaniya pati paa nakatali din.
"Where are we?" Tanong ko habang umuusog papalapit sa kaniya.
Rian shrugged, "i don't know. Nasa ibang kwarto si hanna. And they are going to use her as a bait."
"I know. I heard them talking."
Tiningnan ko ang paligid at nadako ang tingin ko sa dalawang tao na nakahandusay sa tapat namin na cell. Nanlaki ang mata ko ng makilala ko kung sino yun.
"Rouge! Grey!" Napalakas ata ang pagtawag ko sa pangalan nila dahil bumukas ang pintuan at may pumasok na dalawang assassins.
"Gising na pala ang dalawa. Tawagin mo na si boss, ako ma magbabantay dito."
Tumango yung isang lalake at umalis na. Umupo naman yung isa sa gilid pero mukhang napansin niya ata ang matalim na tingin ko sa kaniya.
"Gusto mong dukutin ko yang mata mo?" Pagbabanta niya pero hindi ko aprin inaalis ang ganung tingin ko sa kaniya.
"Anong ginawa niyo kila rouge at grey?!"
"They just received they're punishment. Alam pala nila kung nasan kayong dalawa pero hindi nila sinasabi kay boss, kating kati pa naman siyang makita ang daughter-in-law niya." Nakangisi niyang sabi habang tinitingnan si rian.
Bumukas uli ang pintuan at isang may katandaang lalake ang pumasok. Tindig palang niya ay nakakatakot na, hindi ko narin kailangan tanungin kung sino siya. Paniguradong siya ang tatay ni dylan dahil may pagkakahawig sila."So you're sebastian, my son's girlfriend. Ang dahilan kung bakit mas lalo niya akong tinalikuran."
Naramdaman ko ang paghawak mo rian sa braso ko, pahigpit ito ng pahigpit. Nakayuko lang siya at hindi umiimik.
"If you love my son then fight with us. Vampires are our real enemy, not us. We are looking for you inorder to protect you. Not because i want to avenge my son's death. I know he sacrificed his self inorder to protect you. That's the kind of man he is, so if you don't want his sacrifice to go to waste fight with us with what you learned from rouge and grey."
Isang mahabang katahimikan ang bumalot saamin hanggang sa nagkaroon ng kaguluhan sa labas. Nagulat pa kame dahil may lumipad na lalake papasok ng room na to at tumama siya sa pader. Pumasok din ang isang galit na hanna. Mapupula ang kanyang mata at lumabas din ang pangil niya. Ngayon ko lang siya nakita na nag anyong bampira.
BINABASA MO ANG
Vampires vs Assassins
De TodoWe are born to kill each other.. But will this be the time to change the way we live? Or will this be a new start of the war between vampires and assassins?