Chapter 18

213 5 0
                                    

Irene's POV

"Bullshit! What the hell was that?!" Galit na saad ni dylan at sinuntok yung pader.

Parehas kame na hindi makakilos ni rian dahil sa takot kay dylan. At napapaisip rin ako.. Kagabi lang ang ayos ng pag uusap nila ni dylan. Kanina din ang ayos pa naming lahat, pero bakit biglang ganun? Was all of that a show? Niloko niya lang ba kame? Talaga bang may balak siyang patayin si dylan? How could he.

"Dylan.. You'll be safe right? You'll come back with us, right?"

Umamo ang mukha ni dylan at nilapitan si rian. Hinaplos niya ang pisngi nito tapos pinagdikit ang noo nila.

"Oo naman."
"Promise?"

Imbis na sumagot si dylan, ngumiti lang siya at hinalikan si rian noo. Bumukas ang pintuan at pumasok si astrid na may dalawang kasama.

"Your time is up. Take those two, at ikaw assassin, sumunod ka sakin."

Bago pa man kame makapagreact ni rian nahila na kame nung mga bampira at dinala kame sa i don't know where, pero habang papalapit kame sa isang malaking pintuan palakas ng palakas ang mga hiyawan na naririnig ko.

Bumukas yung pinto at napapikit ako dahil sa sobrang liwanag.

"What is this?" Tanong ni rian.

Dinilat ko na ang mata ko at nagulat ako sa nakita ko. Isang stadium na punong puno ng mga bampira ang napuntahan namin. Biglang nagsitaasan ang mga buhok ko lalo na nung nagsitinginan ang karamihan samin. Alam kaya nila na tao kame?

What kind of question is that, irene? Yes! Ofcourse they do!! May papalapit samin na isang bampira at nakalabas ang mahahaba niyang ngipin. Hahawakan na niya sana ako pero bigla siyang napahinto na akala mo eh naparalyze.

Nilibot ko yung tingin ko para malaman kung sino ang may kagagawan nun pero isang tao lang mula sa malayo ang nakakuha ng atensyon ko. Nakatingin siya dito at kahit sa malayo ay mapupula ang mata niya. Siya ba ang may gawa nito?

"Lemuel." Bulong ko sa sarili ko

Naguguluhan na ako sa kaniya. Hindi na talaga siya ang lemuel na kilala ko.

Nakipagtitigan lang ako sa kaniya the whole time. Hindi niya rin naman inaalis ang tingin niya dito. I was hoping that anytime he would smile and wave his hand at me, but he didn't. In the end umiwas na siya ng tingin at bumaba na papunta sa field. Nandun na rin si dylan na may dalawang katana na nakasabit sa bewang niya. Are they really serious about this?!

Tiningnan ko si rian at nangingilid na ang luha niya habang nakatingin kay dylan.

"Ri." I called as i hold her hands.

"I-Im scared.. Pano kung mamatay si dylan? Pano kung hindi siya makabalik kasama natin?! Hindi ko alam ang gagawin ko pag nangyari yun, ja!"

I can feel the sadness in her voice. Kahit naman ako nalulungkot dun. Pero mas nalulungkot ako sa nangyayari kay lemuel. 

"A pleasant evening to all vampires and vampress! Tonight we will witness the greatest battle of this year. Our next ruler.. Corbin Apollyon Basco will fight against the next ruler of the assassins. Dylan Roxas. Who will win? And who will lose? Who will die? And who will live? Let us not make this any longer.."

Pansin ko ang tensyon na namamagitan sa dalawa. Parehas sila na handang atakihin ang isa't isa. I understand why dylan is feeling that way. He felt betrayed.

".. Let the battle.. BEGIN!"

Naunang sumugod si dylan at iwinasiwas niya kay lemuel ang katana niya pero madali lang na naiwasan ni lemuel yun dahil tumalon siya ng napakataas at saktong lumanding siya sa dulo ng espada ni dylan. Namangha ako sa ginawa niya pero nag aalala ako kay dylan.

Nagbackflip si lemuel kasabay ng pagsipa niya kay dylan at dahil sa hindi siya ordinaryong tao parang sampung tao ang sumipa kay dylan dahil tumilapon siya sa pader. Halos mag crack pa yung pader dahil sa sobrang pagkakalakas ng tama niya dun kaya napaubo siya ng dugo.

"Dylan!!" Sigaw ni rian kaya napatingin si dylan dito.

Ngumiti lang siya sakaniya at pinunasan ang dugo sa bibig niya, tapos muli siyang sumugod kay lemuel. Hindi mo aakalain na normal na tao si dylan dahil sa bilis niyang kumilos. Nagawa niyang tamaan sa tagiliran si lemuel kaya napaatras siya.

Dylan's POV

Nagawa ko siyang sugatan pero parang wala lang sa kaniya. Ramdam ko parin ang sakit ng likod ko pero hindi ko pinansin yun.

Naiinis ako kay joseff. Akala ko mapagkakatiwalaan ko siya pero ano tong ginagawa niya? Kasama ba to sa plano niya? Kung oo, hindi ako naniniwala!

"Bakit mo ginagawa to? Joseff?" Tanong ko sa kaniya at sinugod siya.

"It's corbin. The human me doesn't exist anymore." Malamig na sabi niya at parang wala lang na umiiwas sa mga atake ko.

Tumalon nanaman siya ng napakataas at hinagisan ako ng mga maliliit na kutsilyo. The fuck? Saan niya nakuha yun?! Iniwasan ko lahat ng yun pero may tumama parin sa braso ko.

Tumakbo na siya papalapit sakin kaya tumayo kaagad ako at hinarang ang espada ko sa kamay niya na dapat susuntok sakin. Pero maisyado siyang malakas kaya tumilapon sa gilid ang espada ko.

"Let's get this over with." Nababagot niyang sabi at umatake.

Binunot ko ang nakatago kong pistol gun at pinaputukan siya, mukhang hindi niya yun inasahan kaya natamaan siya sa may braso niya, paulit ulit ko siyang pinapaputukan hanggang sa nakakuha ako ng tiyempo hinugot ko ang isa kong pang katana at tinusok sa tagiliran niya.

"Argh!" Daing niya at napaluhod.

Alam kong nasasaktan ko si janica sa ginagawa ko kay joseff, pero kailangan ko pang mabuhay. Hindi ko pa pwedeng iwanan si rian.

"Akala ko ba mag iisip ka ng plano para sama sama kame makauwi sa mundo namin? Eto na ba yun? O baka naman palabas mo lang ang mga sinabi mo sakin nung gabing yon?"

Nakaluhod parin siya at hindi umiimik kaya mas lalo akong nainis. Hinigpitan ko ang hawak ko sa katana ko at handa na siya saksakin pero naparalisa ang katawan ko. Hindi ako makagalaw! Shit.

Unti unting tumayo si joseff at tiningnan ako ng nakangisi. Kagagawan niya to.. Sa una palang alam kong wala na akong laban sa kaniya. Pero ayokong panghinaan ng loob kaya ginawa ko parin ang lahat para manalo.

"Sie werden durch meine Worte , sterben und nur durch meine Worte werden Sie wiederbelebt  werden"

Kumunot ang noo ko dahil sa mga binubulong niya. Anong pinagsasasabi nito? Hindi parin ako makagalaw pero biglang sumikip ang dibdib ko. Na parang may humahawak sa puso ko at unti unting pinipisil yun.

"Drei Tage ab jetzt, werden Sie auf meiner Seite , um den Frieden zwischen unseren Welten zu gewähren, wiederbelebt und kämpfen werden. Wir, die nächste Herrscher wird , dass der Frieden in den nächsten Generationen pflegen."

Itinapat niya sakin ang kamay niya at parang slowmo ang lahat ng sumunod na nangyari.. Rinig ko ang sigaw ni janica at ang iyak ni rian.. Ang hiyawan ng lahat ng bampira sa loob ng stadium.. Ang pagtatanghal kay joseff bilang panalo..

I can't believe im going to die without telling rian how much i love her. Naaaninag ko pa ang mukha niya pero unti unti nang dumidilim ang paligid ko. Hanggang sa tuluyan na akong bumigay.
------------------------------
Ooopppsss. Walang mag sesearch kung ano yung mga salitang sinabi ni lemuel. Hahahaha. Malalaman niyo siya sa mga susunod na chapters.

Vampires vs AssassinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon