Chapter 19

215 6 0
                                    

Rian's POV

Tumakbo kaagad ako pababa ng stadium at pinuntahan si dylan. Ipinatong ko ang ulo niya sa hita ko at hinawakan ang pisngi niya.

"Dylan! Dylan!! gumising ka, please naman oh! Tingnan mo ako!" Nag ka crack na ang boses ko pero tinatawag ko parin ang pangalan niya at ginigising siya. "Dylan naman eh! Nangako ka na hindi mo ako iiwan diba?! Pero ano to!! Wag ka naman ganyan gumising ka na, please!"

Patuloy na umaagos ang luha ko pero wala parin. Hindi parin siya gumigising. Wala na ba talaga? Talaga bang wala na siya?

Tiningnan ko ang may kagagawan nito na nakatayo lang sa harapan namin. Tiningnan ko siya ng masama pero wala paring emosyon ang mukha niya.

"You are the worst person i have ever met!!" Singhal ko sa kaniya.

Humarang si astrid sa kaniya at tinutukan ako ng katana. Pero wala parin siyang pinapakitang emosyon. Nakatingin lang siya kay dylan tapos tiningnan niya si janica sa tabi ko na ang sama din ng tingin sa kaniya.

Umiwas siya ng tingin pero hindi nakalampas sakin ang nangingilid na luha niya. Ano yun? Nasasaktan siya? Pagkatapos ng ginawa niya kay dylan may gana pa siyang masaktan?! Dapat lang sa kaniya yun!!

"Isaac. Alec. Alam niyo na kung anong gagawin." Sabi niya at tumalikod.

Biglang sumulpot ang magkapatid at sa bilis ng pangyayari hindi kaagad ako nakapag react. Nakuha kaagad ni alec si dylan at hawak na kami ni isaac pareho.

"T-Teka! Bitawan mo ako! Saan mo dadalhin si dylan?!"

Hindi ako pinansin ni alec at patuloy lang siya sa paglalakad palayo samin. Mas lalong dumadagdag ang galit ko kay lemuel. Pinatay niya si dylan tapos kukunin niya pa!

"Bitawan mo sabi ako!! Saan niyo dadalhin si dylan?! Ibalik niyo siya sakin!!"

Hindi ko na natuloy ang pagwawala ko nang lumapit si lemuel samin na nanlilisik ang mata. Hindi ko alam pero hindi ako makapagsalita, isa nanaman ba to sa kakayahan niya? Nakakatakot ang mga tingin na binibigay niya samin.

"Lemuel. Talaga bang eto na ang desisyon mo? Akala ko ba mahal mo si ja? Bakit ka nagkakaganito?! Traydor kang hayop ka!"

Imbis na sumagot sa mga sinabi ko, ngumisi lang siya. At dun palang nakuha ko na ang gusto niyang iparating. He really did betray us.

"You will go back to your world and never appear in our world!"

Itinapat niya ang kamay niya samin kaya napapikit kame pareho ni janica. Nakaramdam ako ng lamig at bumagsak ako sa isang malambot na bagay.

Teka.. Pamilyar ang amoy na to. Napadilat ako at una kong nakita ay ang kisame na puro posters. Mga posters ko to ah? Napaupo kaagad ako at tsaka narealize na nasa kwarto ko ako! Pano ako napunta dito?

Kinuha ko ang unan ko at inakap ito tsaka muling umiyak. Hindi ko parin matanggap na wala na si dylan.

May kumatok sa pintuan ko, pero hindi ako sumasagot. Ayoko munang makita ako ni mama ng ganito. Ayokong mag alala siya sakin.

"Ri, ako to. Si janica."

Napatayo ako sa kama ko at binuksan ang pintuan. Tiningnan ko si janica at gaya ko namumula din ang mata niya. Pumasok siya sa kwarto and cried. Lumapit ako sa kaniya at inakap siya.

"I can't believe this. A-Ang sakit. Sobrang sakit ng nararamdaman ko na parang gusto ko nalang mamatay at mawala lahat ng to."

I know exactly how you feel. Hindi ako nagsasalita dahil hindi ko mahanap ang boses ko, masiyadong masakit ang nangyari ngayong araw para saming dalawa.

Vampires vs AssassinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon