<Irene's POV>
My gosh!! Ano gagawin ko?! Andito ako ngayon sa isang.. uh.. Ewan! Basta alam ko lang nung lumapit sakin yung bampirang yun tumakbo ako papalayo at nagtago. Alam kong nakasunod siya sakin kaya nga nagtago ako diba?
Wahh.. Is this the end? Hihigupin niya ba ang dugo ko hanggang sa mamatay ako? Waah, mommy! Daddy! Mukhang magkakasama na uli tayong tatlo. Sa aking adopted parents naman maraming salamat po sa tulong na ibinigay niyo saakin.
"Alam mo, kahit anong tago ang gagawin mo.."
Napapikit ako ng madiin dahil naramdaman ko na nasa likod ko siya! Eto na talaga ang katapusan ko..
"..Mahahanap at mahahanap kita."
Napunta siya sa harapan ko kaya napatayo ako at napasandal sa pader.
"L-Layuan mo ko."
Nanginginig kong sabi. Okay! Mahilig akong manood ng mga palabas na may bampira at pinapangarap kong makakita ng totoong bampira. Pero ngayon binabawi ko na! Hindi ko aakalaing ganito nakakatakot kapag nakaharap mo ang isang katulad niya. Waah! Sana talaga panaginip lang ang isang ito!
"Don't be afraid. I won't hurt you "
Ewan ko kung bakit.. Pero sa sinabi niyang yun nawala ang takot ko. Yung boses niya kasi kalmado lang at sincere ang pagkakasabi niya. Tiningnan ko siyang maigi.. Hindi na mapupula ang mata niya, kulay brown na ito.. His long and sharp fangs are also gone.
Pero nang bigla kong maalala ang kanina di ko maiwasang magtanong.
"B-Bakit mo pinatay ang lalaki kanina?"
Tumingin ito sakin... Tas biglang tumawa! Aish! Ano nakakatawa sa sinabi ko?!
"I didn't kill him. "
"But you—"
"..Nor did I drink his blood."
Tinalikuran niya ko at tumingin siya sa langit. Okay? Ano meron sa langit.
"But.. Your. Uhm. "
Muli siyang tumawa at muli akong tiningnan. Mukha ba akong clown at tawa siya ng tawa?
"Believe it or not.. Never once in my life have I drank a humans blood."
Hindi ako nakapagsalita dahil pinangunahan ako ng tawa. Okay that has to be the lamest joke ever! Sa dami na ng nabasa at napanood ko na tungkol sa mga bampira wala akong nakita na katulad nilang hindi umiinom ng dugo ng tao.
"But I won't mind to try it for the first time"
BINABASA MO ANG
Vampires vs Assassins
AléatoireWe are born to kill each other.. But will this be the time to change the way we live? Or will this be a new start of the war between vampires and assassins?