Chapter 15

269 6 0
                                    

Irene's POV

"Ja! Pst! Hooy! Gising!" bulong ng isang pamilyar na boses

Sinisipa niya pa ang paa ko kaya napilitan na akong dumilat.

"Ms. Natividad! How dare you sleep in my class?! Stand up and answer the problem on the board!"

Mas lalo ako nagising dahil sa sigaw ng matandang hukbulan sa harapan.

Bakit nga ba ako nakatulog?! Naglakad ako papunta sa harapan at kaagad na sinagutan yung problem.

Nagpapasalamat nalang talaga ako at alam ko to!

**

"Hahaha! Ikaw naman kasi ja! Bakit naman natulog tulog ka pa! Nagpuyat ka nanaman sa kakabasa ng mga libro no?"

Libro? Teka, libro nga ba ang pinagpuyatan ko kagabi? Bakit parang iba?

"O-oo. Haha. Ang ganda kasi eh hindi ko mapigilang wag tapusin agad."

Yun nalang ang nasagot ko dahil yun di ang sa tingin kong pinagpuyatan ko kagabi. Kahit hindi ako sigurado.

"Ikaw talaga, sa susunod qag ka na ulit magpupuyat. Alam mo namang terror yung prof natin ngayong araw eh." Sabi niya sabay subo ng sandwich.

"Palibhasa kasi menopause na kaya ganun siya."

Pinalo niya ng malakas ang bibig ko sabay binatukan pa ako.

"Waah! Grabe ka naman! Combo yun ah!" Naiiyak kong reklamo habang hawak ang ulo ko.

"Wag ka kasi magsasabi ng ganyan dito. Mamaya may magsumbong sayo dito eh. Hahaha! Tara na nga, malapit na magsimula ang klase."

"Yo! Rian! Janica. Kamusta kayo?"

Lumawak ang ngiti ni rian dahil sa pagdating ni gian.

Si gian matagal na nanliligaw kay rian. Pero hindi parin niya sinasagot.

Ako tinamaan ako ng hiya nang makita na kasama niya si hero. Ang kulet ng pangalan niya no? Taga japan siya. Si Hero Takeshi. Gwapo siya, matangkad, matalino, mayaman. May pagkabad boy pero mabait din naman minsan. Kaya naman crush ko siya.

"Hi janica!"
"H-Hi hero." Nahihiya kong bati sabay ngiti sa kaniya.

Siniko naman ako ni rian at binigyan ng nakakalokong ngiti.

"Janica, sa sabado. May gagawin ka ba?"

Eh? Hindi tama ang mag assume pero, bakit naiisip ko na may balak siyang ayain ako lumabas?

"W-wala. Bakit?"

Ngumiti siya bigla at lumapit sakin.

"Talaga? Kung ganon. Pwede ba manood tayo sa sabado?"

Waaah! Hindi nga ako nagkamali! Omygosh! Omygosh! Pwede na akong mamatay!!

Wait wag pala muna. After na ng date namin. Hihi.

"H-ha? Eh.. Ano.. N-Nakakahiya."

Pakipot muna ako wag kayong magulo! Pero kinikilig talaga ako!!

"Wag ka na mahiya. Ano? Hihintayin kita sa may mall sa sabado ah? 9 am. Bye!" At umalis na siya bago pa ako makasagot.

"Uy!! Magkakalove life ka na ja!! Kyaah! Kinikilig ako para sayo!"

"Mamaya ka na kiligin ri, at malelate na tayo sa klase!"

Hinawakan ko ang kamay niya at tsaka tumakbo papunta sa room namin.

Vampires vs AssassinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon