FAMOUS NERD 7

5.5K 148 3
                                    

Sa sobrang bilis ng araw hindi ko napansin na ngayon na pala ang simula ng shoot namin para sa Rose Academy.

Sa lumipas na araw naging close kami ni Stanley, ako man si Lizzie o Coleen.

He's not judgemental, he's fun to be with, he's nice at marami pa kong nalaman tungkol sakanya. He's a true friend of mine.

Kahit na sandali pa lang kami nagkakasama ay alam ko na, na isa siyang mabuting tao.

Pagpasok ko pa lang sa Rose Academy ay pinagtitinginan na ko ng mga estudyante. Hindi dahil nerd ako kundi dahil isa akong sikat na modelo. It's funny how your status in life affect you, right?

Mamaya pa namang hapon ang simula ng shoot pero pinapunta kami agad ni Tita Ariel kaya maaga-aga ako pumunta. Kumakaway pa yung iba na nakasama ko sa Ozie nung nagtrain sila. Last week tinuruan ko naman silang gumawa ng frap.

Tungkol naman sa issue na ako ang owner ng Ozie, hindi na masyadong pinag-uusapan at mabuti naman na pumasok na sa utak ng karamihan.

"This is your school right? Ang ganda dito at mukha talagang pangyayamanin," sabi ni Manager Carol na kasabay kong maglakad.

"Yep," simpleng sagot ko.

"Mukha naman silang mabait tapos parang mga may pinag-aralan. Totoo bang sila ang bully sayo o iba 'tong napasukan natin?"

Napangiwi ako dito. "Mabait sila kasi ako si Coleen. Punta ka dito bukas at makikita mo kung paano nila ako tratuhin."

Nagbuntong hininga si Manager Carol. "Tumigil ka na kasi dyan sa kagagahan mo, you're torturing yourself."

Ngumiti ako sakanya at nagkibit-balikat. "Few months from now and it's over."

May umakbay saakin at paglingon ko ay mukha ni Stanley ang bumungad saakin. Clingy siya kahit na si Lizzie o Coleen ako kaya sanay na ko sa ganyan-ganyan niya. Kahit minsan papatayin na ko ng tingin ng mga babae go pa rin siya, parang wala lang siyang pake.

Pumunta kami sa principal's office pero wala pa si Tita Ariel kaya napagpasyahan naming hintayin na lang siya sa opisina niya.

"Are you torturing yourself?" Biglang sabi ni Stanley.

Seryoso siyang nakatingin saakin kaya napatingin ako kay Manager Carol. "What are you talking about?"

Narinig niya ba ang usapan namin ni Manager kanina? Sana hindi.

"Sorry, I'd heard Manager said that you're torturing yourself."

Nakahinga ako ng maluwag dahil hanggang dun lang ang narinig niya.

"Do you want me to tell him?" Biglang namang singit ni Manager Carol

Napanganga ako sakanya. Seryoso siya? Sasabihin niya kay Stanley na si Lizzie at Coleen ay iisa? Tinignan ko siya pero nakatingin siya kay Stanley ng seryoso.

"Tell me," matigas na sabi ni Stanley.

"Manager..."

Nagpapanic na ko. Ayokong malaman niya kasi alam kong magagalit siya saakin. Ayokong mangyari yun kasi kaibigan ko siya, ayokong mawalan ng kaibigan.

"Coleen he's your friend, he needs to know," pangungumbinsi saakin ni Manager Carol.

Napakagat labi ako. Si Tita Olivia, Tito John, Tita Ariel at Manager Carol lang ang may alam ng sikreto ko tapos ngayon ibubunyag na sa iba? Ayokong layuan niya ko pagnalaman niyang nagsinungaling ako. Ayokong mangyari yun.

Hinawakan ko ang braso ni Manager Carol at tinignan siya ng may nangungusap na mata. No! Hindi pwedeng malaman ni Stanley! Pagnalaman niya siguradong lalayuan niya ko at ayokong masira ang pagkakaibigan na binbuo namin.

She's The Famous Nerd Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon