Napahagulgol ako ng iyak dahil hindi ko na mapigilan ang nararamdaman ko.
"Shit Coleen! May masakit ba sayo?"
Habang pinupunasan ko ang luha ko ay may kamay akong naramdaman sa braso ko na nagpaiyak sakin lalo.
Yumakap agad ako sakanya at binaon ang mukha ko sa bandang leeg niya. Medyo kumirot ang bukong-bukong ko dahil sa biglaang paggalaw ko.
"What's wrong Coleen?" malambing na sabi niya.
Hindi ko na alam kung anong dapat kong gawin at sabihin. Masyado na kong nagiging iyakin pagdating sakanya.
"Natatakot kasi ako..."
May pagkaputol-putol ang pagkasabi ko dahil sa sobrang paghikbi ko. Totoo ang sinasabi ko. Natatakot ako. Natatakot akong maiwan mag-isa.
Kinagat ko ang ibabang labi ko upang pigilin ang pag-iyak ko t mas lalo kong ibinaon ang mukha ko sa leeg niya habang siya naman ay nakapalibot ang kamay sa bewang ko.
"Saan ka natatakot?" nakiliti ang tenga ko sa pagbulong niya.
"Natatakot ako na....na paglabas mo sa pintong yun ay tuluyan mo na kong iwan. Ayokong iwan mo ko Stanley, ayaw ko."
Naramdaman ko ang paghigpit ng pagkakayakap niya saakin. Huminga siya ng malalim ng maraming beses sa hindi ko alam na dahilan.
Nanaig ang katahimikan sa pagitan namin. Hindi na ko naiyak pero komportable ako sa posisyon namin. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip niya nang mga oras na yun pero patuloy pa rin siya sa pagbuntong hininga hanggang sa sinabi niyang...
"Ako din, natatakot din ako."
Napaangat ako ng tingin sakanya nang may pagtataka saaking mata. Natatakot din siya? Kinalas niya ang pagkakayakap saakin at tumingin saakin ng may malungkot na ngiti.
"Natatakot ako na pagbumigay ako sayo, pagnakaramdam na ko ng sobrang kasayahan...bigla mo kong bitawan o kaya sabihin mong nagbibiro ka lang kasi mas lalong masakit yun. Baka... baka di na ko makaahon sa sobrang sakit."
Sa bawat sinasabi niya ay mas lalo ko siyang naintindihan. Ang tanga ko lang kasi di ko yun naisip. Kung ako din ang nasa lagay niya magdadalawang isip din ako kasi nung huli na nag-usap kami masyado ko siya pinagtabuyan tapos ngayon sasabihin ko na kailangan ko siya sa buhay ko?
Nakakatanga lang.
"A-Ano ba ang dapat kong gawin?"
Sabi nga nila, kung may gusto kang mapasayo paghirapan mo. Kaya dapat gawin ko lahat ng paraan mapaniwala ko lang siya na mahal ko talaga siya.
"Convince me."
Convince him? Paano? Anong dapat kong gawin na paraan? Natatanga na naman ako.
"Convince me that I should stay by your side even... you don't love me."
"Huh?"
Kailangan ko siyang kumbinsihin na kailangan ko siya sa tabi ko kahit na? Hindi ko narinig yung sinabi niya kasi halos ibulong na niya sa sarili niya.
Ngumiti siya saakin ng pagkalaki-laki pero alam kong sa kabila ng ngiti na yun ay malungkot siya.
"Nothing."
Pinunasan niya ang mukha kong may konting luha pa. Hinaplos niya ang buhok ko at patuloy na pinupunasan ang mukha ko, habang ginagawa niya yun ay nakatitig lang ako sakanya.
Tama ba 'tong ginagawa ko? Ang pigilan siyang lumayo saakin? Hindi ko din alam. Isa lang naman ang pinaglalaban ko...
Ang kaligayahan ko.

BINABASA MO ANG
She's The Famous Nerd
Novela JuvenilLizzie Coleen Bautista wants revenge. Her life is like a missing cat that don't have any direction, not until Kent Stanley Folkner noticed her. It seems like destiny wants to play with her because Stanley noticed her not once but twice. Her lifeless...