"Good luck!"
Kumaway pa ko sakanya habang papalayo siya saakin. Napatingin ako sa paligid ko. Ang daming tao at halatang hindi basta-bastang fashion show 'tong pinuntahan ko. Buti na lang at napilit ako ni Stanley na magsuot ng dress. Nakakulay peach dress ako na sleeveless at hanggang tuhod tapos may kulay itim din akong belt.
Ngayon araw na yung fashion show ni Stanley. Siguro nag-aayos na siya sa backstage. Nasa bandang harap ako nakaupo at siguradong kitang-kita ko si Stanley mamaya.
Maya-maya lang ay pumunta yung emcee sa harap at nag-announce na magsisimula na daw. Hindi tulad ng ibang mga events ay tahimik lang na nakamasid ang mga tao kesa pumalakpak. Buti na lang hindi ako pumalakpak kundi nakakahiya.
Maya-maya lang ay may musikang nagplay at kasabay nun ay paglabas ng lalaking nakasuit and tie.
Aliw na aliw ako habang tinitignan ang mga lalaking lumalabas na nakasuit and tie. Ang gaganda ng suot nila at yung iba ay may kulay ang suit, hindi lang puro itim.
"And for the finale..."
Humanga ako ng lumabas na si Stanley. Isa lang ang masasabi ko sakanya ngayon.
Breathtaking.
Sigurado akong lahat ng babae ngayon dito ay natutulala kay Stanley. Bagay na bagay sakanya ang suot niyang three piece suit na kulay gray. Ang panloob na polo ay kulay light blue at navy blue with small white polka dots ang necktie niya, at sa bulsa nang suit niya ay merong light pink with black lining na panyo na maayos na nakalagay sa bulsa niya sa gilid ng dibdib.
Nasa harap na siya ngayon at diretso lang ang mukha niya. Sa tindig pa lang niya ay halatang model siya. Sa itsura pa lang niya ngayon ay nakakabighani na, pano pa kaya pagngumiti siya at lumabas ang biloy niya? Baka tumulo na ang laway ko pagganun.
Napadako ang tingin ko sa tabi ni Stanley at nakita ko si Jonas. Nandiyan din pala siya? Palibhasa, kay Stanley lang nakatuon ang pansin ko. Nakawhite three piece suit naman si Jonas at kulay light pink ang necktie.
Nasa harap silang dalawa ngayon at nakaporma. Ilang sandali lang ay tumalikod ang dalawa at huminto bago tuluyang maglakad tapos huminto ulit paharap sa audience bago tuluyang umalis.
Nagpalakpakan ang tao kaya pumalakpak din ako habang nakatayo. Ang galing ni Stanley! Halos lahat ng tao dito ay standing ovation din tulad ko.
Lumabas ang nasa likod ng lahat ng suit and tie. Nagkaron siya ng maiksing speech para magpasalamat.
Parang ang dali lang ng ginawa nila pero ang totoo ay mahirap yun kasi sa practice pa lang kailangan perfect na at bawal ngumiti kahit anong mangyari. Kahit na gusto mong ngumiti sa mga audience ay kailangan panatiliin ang poker face. Para saakin, bawal ngumiti para hindi sa mukha matuon ang pansin ng mga tao kundi sa damit kasi ayun naman talaga dapat ang pagtuunan ng pansin dahil fashion show yun.
Nakaupo lang ako habang ang mga tao ay busy sa pakikipag-usap sa isa't-isa tungkol sa fashion show habang ako ay tahimik lang dahil di ko naman sila kilala.
"Lizzie."
Napatingin ako sa nagsalita at ngumiti sakanya. Lumapit siya saakin at umupo sa tabi kong upuan.
"You came."
Hindi na siya nakasuit ng three piece suit at nakacasual wear na siya ngayon.
"Ofcourse." mahina siyang tumawa at tumango-tumango.
"Ofcourse, your bestfriend slash boyfriend is here." mapangasar na sabi niya kaya napairap ako sakanya.
"He's not my boyfriend and I already told you for so many times that he have a girlfriend!" madiin na sabi ko sakanya pero nanatili pa rin yung nakakainis niyang ngisi.
![](https://img.wattpad.com/cover/50940196-288-k982608.jpg)
BINABASA MO ANG
She's The Famous Nerd
Novela JuvenilLizzie Coleen Bautista wants revenge. Her life is like a missing cat that don't have any direction, not until Kent Stanley Folkner noticed her. It seems like destiny wants to play with her because Stanley noticed her not once but twice. Her lifeless...