"I miss you."
Napakagat labi ako sa sinabi niya. Miss na miss ko na din siya.
"Hindi kita namiss!"
Pero sa loob-loob ko ay sobra ko na siyang namimiss. Narinig ko siyang dumaing kaya napangiti ako.
"I want to see you."
Napisat ko na kung ano mang bagay ang hawak ko sa kabilang kamay ko.
"Magpractice ka muna dyan! Galingan mo, okay? May premyo ka sakin pagnanalo ka."
Dalawang araw na lang ay laban na niya kaya todo practice siya.
"Don't give me false hope, baby."
Napatawa na ko sa tono ng boses niya. Nang-aakit pero natatawa lang ako.
"Win and have prize or lose and have nothing? Choose!"
Narinig ko siyang tumawa sa kabilang linya. Naiimagine ko na yung biloy niya na nalabas sa tuwing tatawa siya.
"Hey! Quit squeezing my legs!"
Napatingin ako sa nagsalita na masama na ang tingin saakin. Napatingin ako sa bagay na kanina ko pa pinipisil kaya napabitiw ako.
"Sorry."
Nagpeace sign ako sakanya at umismid lang siya saakin.
"Still there? Who's that asshole, you're talking to?"
Umayos ako ng upo at nilagay sa lap ko yung isa kong kamay baka kasi may masungit na magalit saakin.
"Si Aj yun, yung pamangkin ko na feeling matanda."
Pinanlakihan ko ng mata ang katabi ko nang tapakan niya yung paa ko.
"Hey!"
Hinarang niya yung kamay niya sa mukha ko. Bakit ba lagi ako nahahatakan ng cellphone? Senyales na ba 'to na dapat kong ingatan ang cellphone ko?
"Hello?...I'm Aj....Yeah...You should break up with her....because she's annoying."
Walang hiyang bata! Siraan daw ako sa boyfriend ko? Kainis. Kahit anong gawin kong pagkuha ay mas malakas siya saakin.
"Hello? Coleen."
Sinamaan ko ng tingin si Aj na nagmake face lang saakin. Niloud speaker niya yung cellphone ko.
"Your girlfriend squeeze my leg every minute. Stop flirting with her."
Pinanlakihan ko ng mata si Aj pero wala lang siyang reaksyon.
"Really? Hey, baby. You shouldn't squeeze your nephew's leg."
Tumawa pa yung nasa kabilang linya kaya pinisil ko yung hita ni Aj.
"Aray! Coleen, masakit!"
Kinurot ko lalo yung hita ng bata na 'to na walang galang.
"You should call me ate Coleen! I'm your auntie."
Tawa lang ni Stanley yung naririnig ko sa kabilang linya. Tumayo si Aj kaya tinigilan ko na ang pagkurot sakanya.
"But I'm taller than you."
Masama ang tingin namin sa isa't-isa. Ano naman kung mas matangkad siya?
"And I'm older than you!"
Tumayo na din ako at pumeywang sa harap niya. Susumbong ko siya sa mommy niya! Napakasuwail na bata.
"Calm down."
![](https://img.wattpad.com/cover/50940196-288-k982608.jpg)
BINABASA MO ANG
She's The Famous Nerd
Novela JuvenilLizzie Coleen Bautista wants revenge. Her life is like a missing cat that don't have any direction, not until Kent Stanley Folkner noticed her. It seems like destiny wants to play with her because Stanley noticed her not once but twice. Her lifeless...