"Pumasok ka! Paghindi ka pumasok magagalit ako sayo!"
Pinagbabato ko siya ng unan. Hindi pwedeng ayaw niya pumasok! Parang ang bad influence ko pagganun.
"Hey! Don't throw to me that fucking pillow!" panay ang iwas niya pero hindi ako tumigil hanggang sa maubos ang unan sa higaan ko.
"Papasok ka ngayon!" sinamaan ko siya ng tingin. Tsk. Wala na talaga akong aasahan saamin, lagi na lang away-bati.
"Gusto nga kitang kasama! Alin ba ang hindi mo maintindihan dun?"
Umirap siya saakin tapos pinulot ang mga unan na binato ko sakanya. Kakagising lang namin. Maayos pa kaming nagkukulitan pero bigla siyang nagsabi na ayaw niya pumasok.
"Hindi yun rason! Pwede naman tayo magkita mamaya pag-uwi mo." tinabi niya ang mga unan sa sofa katapat ko at dun din siya umupo na nakakunot ang noo.
"Tsk. You don't want me here?" napailing-iling na lang ako sakanya. Ang tamad talaga pumasok nintong si Stanley.
"Whatever!" umirap ako sakanya at humiga sa kama. Hinintay ko siyang magsalita pero pagbukas at pagbalibag lang ng pinto ang narinig ko.
Pagtingin ko sa paligid ay wala na si Stanley. Umalis na kaya siya? Baka pumasok na siya.
Galit ba siya saakin? Tsk. Siguro. Nag-away na naman kami. Nagtataka ako kung bakit kami lagi nag-aaway. Demanding lang ba talaga siya o sadyang matigas lang ang ulo ko? Siguro parehas lang.
Hindi siya umuwi kagabi kaya tabi kaming natulog. Pagkahigang-pagkahiga namin ay naghihilik na siya agad. Ginawa pa kong stop toy nung hari ng demanding na yun, pisatin ba naman ako sa yakap?
Umalis na kaya talaga siya? Nag-away pa naman kami. Text ko kaya siya? Kaso baka bumalik yun dito at hindi pumasok.
Nagpagulong-gulong ako sa kama kasi masyado ko nang iniisip ang lalaking yun. Tsk. Bahala siya sa buhay niya.
Saan kaya ako pwedeng pumunta? Kay Manager Carol para malaman ang mga upcoming projects ko? Kay tita Olivia para tulungan siya sa parlor niya? Sa Ozie para icheck kung anong nangyayari?
Naligo na lang muna ako at nagbihis. Nakatitig ako sa salamin ng bigla kong maalala si daddy. Sakanya ko namana ang kulay abo kong mata.
Napailing na lang ako at lumabas ng kwarto. Palabas na sana ako ng unit ko ng may manghila saakin.
"Anong pang ginagawa mo dito?"
Napakunot ang noo ko. Akala ko ba umalis na siya? Bakit nandito pa rin ang hari ng demanding na 'to?
"I'm here because I love you."
Tapos hinila niya ko patungong kusina. Napataas ang kilay ko nang makitang may pagkain sa mesa. Nagluto siya?
"Breakfast for my girlfriend."
Niyakap niya ko mula sa likod. Typical Stanley. Unang beses niya kong pinagluto. Napangiti na lang din ako.
"Bakit?"
Bakit siya nagluto? Anong meron? Ako kasi ang laging nagluluto ng breakfast naming dalawa.
"Because I love you."
Napaharap ako sakanya. Kanina magkaaway kami tapos ngayon malambing siya? Ang bipolar namin.
"Kanina ka pa bumabanat! Kumain na nga tayo."
Hinila ko siya paupo at pinaglagay siya ng pagkain. Namula ang pisngi niya kaya napangiti ako. Ang cute niya talaga pagnamumula siya.
"Thanks."
Mahina yung pagkasabi niya bago magsimula kumain. Tinignan ko lang siya habang kumakain. Kahit lagi kaming nag-aaway... mahal na mahal ko pa rin siya. Ganun naman siguro 'no? Pagmahal mo, mahal mo.

BINABASA MO ANG
She's The Famous Nerd
Novela JuvenilLizzie Coleen Bautista wants revenge. Her life is like a missing cat that don't have any direction, not until Kent Stanley Folkner noticed her. It seems like destiny wants to play with her because Stanley noticed her not once but twice. Her lifeless...