"Bakit ba tayo nandito?"
Kanina niya pa ko hinihila hanggang sa makarating kami sa kusina.
"Gagawa tayo ng kape." sinimangutan ko siya ng todo at umupo sa isa sa mga silya.
"Inaantok na kaya ako."
Hindi siya nakinig saakin at naghanda ng mga gagamitin.
"Bakit ang dami mong nilalabas na kung anu-ano? Mag-3in1 ka na lang."
Pero di ulit siya nakinig saakin at naglabas pa ng blender. Hinayaan ko na lang siya at nangalumbaba na lang sa harap niya.
"Tara dito."
Pero di ko siya sinunod at nakapalumbaba pa rin ako sa kanya.
"Lizzie, wag na matigas ang ulo."
Tumingin pa ko sa kaliwa ko at kunwari ay di siya narinig. Bahala siya diyan.
"Hindi uubra saakin yang katigasan ng ulo mo." pagtingin ko sakanya ay masama ang tingin niya saakin kaya tinaasan ko siya ng kilay.
"Talaga? Anong gagawin mo?" May paghahamon sa tono ko. Hmp! Tignan natin kung anong kaya niyang gawin.
"Paghindi mo ko sinunod...di na kita mamahalin." nanlaki ang mata ko at lumapit sakanya. Niyugyog ko ang balikat niya.
"Bawiin mo yung sinabi mo!" pinagsasapak ko pa siya pero tawa lang siya ng tawa.
"Hindi nakakatuwa! Bawiin mo!"
Nakakainis! Bilang bestfriend na nga lang yung pagmamahal niya saakin tapos mawawala pa? Wag ganun!
"Tandaan mo Lizzie, kahit anong mangyari mamahalin kita. Kahit gano pa kalaking kasalanan ang gawin mo, kahit maging masamang tao ka, kahit na itulak mo ko palayo, mamahalin pa rin kita. Hindi magbabago 'tong pagmamahal ko sayo."
Punong-puno ng pagmamahal ang puso ko ngayon. Hindi ko na mapigilang ngumiti ng malaki.
"Talaga?" ngumiti din siya saakin at kinurot ang pisngi ko.
"Talagang-talaga."
Lalo akong napangiti sa sinabi niya saakin. Tuwang-tuwa talaga ang puso ko sa narinig ko. Di bale nang bilang bestfriend lang basta mahal niya ko tapos.
"Papayag ka ng tulungan ako, mahal kong bestfriend?"
Alisin mo na yung bestfriend please?
"Tutulungan na kita, mahal kong Oliver."
Nakita kong lumaki ang ngiti niya saakin pagkatapos ay bumaling siya sa lamesa.
"Gusto kong magkaroon tayo ng specialty pagkabukas ng Ozie natin, kaya ngayon pa lang gagawa na tayo ng specialty."
Napatingin din ako sa lamesa at nandun na nga ang lahat ng kailangan namin.
"Para sa Ozie!"
Tumawa kami sa sinabi ko at nung naglaon ay nagsimula ng gumawa ng specialty.
Puro tawa at kulitan ang ginawa namin habang gumagawa ng specialty.
"Ang sarap!" ngiting-ngiting sabi ko habang hawak ang baso ko.
"Masarap nga." sabi naman ni Oliver habang hawak din ang baso niya. Nagkatinginan kami ni Oliver at nagkaintindihan na.
"Gusto ko ikaw ang umisip ng papangalan natin dito." nakangiting sabi niya saakin. Tinikman ko ulit ang kape at napatango-tango.
![](https://img.wattpad.com/cover/50940196-288-k982608.jpg)
BINABASA MO ANG
She's The Famous Nerd
Fiksi RemajaLizzie Coleen Bautista wants revenge. Her life is like a missing cat that don't have any direction, not until Kent Stanley Folkner noticed her. It seems like destiny wants to play with her because Stanley noticed her not once but twice. Her lifeless...