"Okay! Let's eat!" Pumalakpak pa si mommy Tasha. Kakatapos lang namin magdasal at handa nang kumain ng niluto ni mommy Tasha.
"Mahilig ka ba talaga sa maanghang Coleen bebe?" Pilit akong ngumiti kay mommy Tasha at tumango. Ang specialty pala ni mommy Tasha ay Bicol express kasi mahilig siya sa maanghang.
"Baka ayaw mo? Okay lang naman." umiling ako kay mommy Tasha at sumubo ng luto niya.
"Masarap po." nag-okay sign pa ko sakanya kahit na nagaalab na ang bibig ko. Ngumiti siya saakin at pumalakpak.
"Buti naman! Huy Baby Stanley! Wag mong lusawin si Coleen bebe! Kumain ka!"
Palihim akong uminom ng nag-usap ang mag-ina. Di talaga ako mahilig sa maanghang. Matamis ang gusto ko at kahit kelan di ako nahilig sa maanghang.
Nakakahiya naman kay mommy Tasha kung hindi ako kakain. Pinagluto pa naman niya 'to para saamin. Ang ginawa ko ay maraming kanin at onting ulam.
"May pupuntahan pa ba kayo?" tumango si Stanley kay mommy Tasha.
"We're off after our lunch." preskong sumubo si Stanley na halatang mahilig din sa maanghang.
"Saan?"
Ang gana-gana kumain ni Stanley pati kahapon din ay magana din siya kumain. Siguro namiss niya yung luto ni mommy Tasha. Yung mommy ko kaya? Masarap kaya ang luto niya?
"I don't know? Where do you want Coleen?" nakatingin na si Stanley saakin ngayon at kumindat pa ang hari ng demanding.
"Hindi ko alam." nagkibit balikat pa ko. Hindi kasi ako masyadong pamilyar sa Baguio kaya hindi ko alam ang mga pasyalan.
"Great! Sumama na lang kayo saakin!" nagtaas-baba pa ang kilay ni mommy Tasha saakin.
"Sure. Saan po tayo?"
Baka may alam si mommy Tasha na magandang pasyalan. Maganda din na kasama si mommy Tasha para makasama naman siya ni Stanley.
"Coleen!"
Umangil si Stanley sa desisyon ko pero wala siyang magagawa. Tinaasan ko siya ng kilay at ngumisi.
"Yey! Sasama kayo!" hindi pinasin ni mommy Tasha ang pag-angil ni Stanley at excited na excited siya na sasama kami.
Nagkwentuhan kami ni mommy Tasha habang kumain. Tahimik lang si Stanley at di sumasali sa kwentuhan.
"Wait lang mga babies! Maliligo lang si mommy!"
Humgikhik pa si mommy Tasha bago pumanhik sa taas. Kakatapos lang naming kumain at nagpresinta akong maghugas ng pinggan. Tumanggi si mommy Tasha pero nagpumilit ako para makaalis kami agad.
"Bad mood?" nakaupo pa rin siya sa mesa habang inaayos ko ang mga pinggan. Tinignan niya lang ako at di nagsalita.
"Ngiti naman diyan!" kumindat pa ko sakanya pero diretso pa rin ang mukha niya. Ano ba yun? Away bati na lang kami lagi.
"Minsan lang natin makasama mommy mo kaya sumama na tayo sakanya okay? Pwede naman tayo magdate sa Manila kahit anong oras."
Tumalikod na ko sakanya at nilagay ang mga plato sa lababo. Kumuha ako ng lalagyan at nilagyan ng tubig at sabon.
"Really?" di ko namalayan nasa tabi ko na pala si Stanley. Nakangiti na siya saakin ngayon kaya napataas ako ng kilay. Tsk. Kailangan lang pala sulsulan.
"Oo nga! Kaya wag ka na magtampo."
Sinimulan ko na magsabon ng plato. Lumakas ang tibok ng puso ko ng may naramdaman akong kamay sa may bewang ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/50940196-288-k982608.jpg)
BINABASA MO ANG
She's The Famous Nerd
Teen FictionLizzie Coleen Bautista wants revenge. Her life is like a missing cat that don't have any direction, not until Kent Stanley Folkner noticed her. It seems like destiny wants to play with her because Stanley noticed her not once but twice. Her lifeless...