Ramdam na ramdam ko ang labi niya sa labi ko. Gustong-gusto ko yung pakiramdam na ganto pero alam kong may mali.
Humiwalay na siya at may ngiti siya sa labi pero nawala agad yung ngiti niya pagdilat niya.
"Shit!"
Tulala lang ako sakanya habang ang mga mata niya ay nanlalaki. Hindi ko alam kung anong dapat kong iakto. Bestfriend ako. Si Lizzie ako.
"Sorry, I'm really sorry Lizzie. Akala ko ikaw si Coleen."
Tumayo ako sa kama at sinuot agad ang salamin ko na nasa side table.
"Galit ka ba? Sorry."
Tumayo din siya at akmang lalapit saakin pero tinaas ko ang kamay ko kaya napahinto siya.
"Aalis na ko."
Yun lang ang sinabi ko at umalis na. Tama yan, Lizzie Coleen. Ganyan dapat ang iakto mo.
Dapat magalit ka kasi hinalikan ka niya kahit di naman dapat. Kahit na hindi niya sinasadya ay dapat pa rin ako magalit kasi hinalikan niya ko. Para sa isang babae ay importante ang halik kaya dapat magalit ako.
Kahit na ang totoo ay ayos lang sakin pero hindi dapat maging ayos kasi hinalikan niya ko nung ako si Lizzie, ang bestfriend niya.
Huminga ako ng malalim at bumuga. Naging normal na din ang paghinga ko di tulad kanina. Hanggang ngayon ay ramdam na ramdam ko pa rin ang labi niya saakin.Napahawak ako sa labi ko na hinalikan niya kanina. Kinuha ko agad ang laptop ko at binuksan ang skype para mag-iwan ng mensahe.
Good morning, baby. Sorry kung umalis agad ako kahapon ng hindi nagpapaalam. Kumain ka na, okay? Tandaan mo na mahal na mahal kita. I love you, Mr.Stanley Folkner.
Loving you,
Coleen Bautista FolknerHindi ko alam kung bakit may tumulong luha sa mga mata ko. Iba kasi ang pakiramdam ko ngayon, parang may masamang mangyayari na malapit na dumating.
Pumikit ako at huminga ng malalim ng tatlong beses. Pagkamulat ko ay medyo kumalma na ang kalamnan ko. Napagdesisyunan ko na maligo at ikalma ang katawan ko.
Kakatapos ko lang ilagay ang contact lense ko ng may kumatok sa pinto. Kinabahan agad ako at agad-agad sinuot yung nerdy glasses ko bago binuksan ang pinto.
"Hi there."
Nawala ang kaba ko ng makitang hindi si Stanley ang kaharap ko kundi si Jonas.
"Good morning." matamlay na sabi ko sakanya kasi andun pa rin yung pag-asa ko na si Stanley yung kumakatok.
"Are you sick?"
Hinipo niya yung noo ko at saktong bumukas ang pinto sa kabilang kwarto. Nagkatitigan kami bago siya umiwas ng tingin at walang sali-salita na pumunta sa elevator.
Parang may sumakit sa puso ko dahil sa ginawa niya. Nakatingin lang ako sakanya hanggang sa tuluyan na siyang sumakay sa elevator.
"Are you also inlove with your bestfriend?"
Napatingin ako ng masama kay Jonas at nagmartsa papuntang elevator. Naramdaman kong nakasunod siya saakin pero hinayaan ko na lang.
"I don't have any chance to get your heart, right?"
Tumingin ako sakanya at tumango. Wala talaga siyang pagkakataon kasi may nagmamay-ari na ng puso ko.

BINABASA MO ANG
She's The Famous Nerd
Teen FictionLizzie Coleen Bautista wants revenge. Her life is like a missing cat that don't have any direction, not until Kent Stanley Folkner noticed her. It seems like destiny wants to play with her because Stanley noticed her not once but twice. Her lifeless...