"A-Ano?"
Nakatingin siya saakin nang may nanlalaking mga mata habang nakanganga. Napakunot noo ako sa nakita kong ekspresyon niya.
Masama bang sabihin na mahal ko siya? Bakit ganyan ang ekspresyon niya?
"Pakiulit nga ng sinabi mo Coleen." nakahawak na siya sa magkabila kong pisngi habang kagat-kagat niya ang kanyang labi.
"Bakit?"
Bumuntong hininga siya at hinaplos ang mukha ko. Ano bang nangyayari sakanya? Parang tense na tense siya.
" I want to hear again what you said....please."
Pumikit siya ng mariin. Di ko siya maintindihan pero napapangiti pa rin ako kasi kahit tense siya ay ang gwapo niya pa rin.
Inalis ko ang kamay niya sa pisngi ko at ang kamay ko ang nilagay ko sa pisngi niya. Kinurot-kurot ko ang pisngi niya at hinalikan ang tungki ng ilong niya.
"Sabi ko..." sabay halik sa labi niya ng mabilis. "Mahal kita."
Nginitian ko pa siya habang siya ay nakatitig lang saakin. Hindi ko natagalan ang titig niya kaya yumakap ako sakanya ng mahigpit.
"Ang bango-bango talaga ng Stanley ko." tatawa-tawa kong sabi habang inaamoy ko siya. Bakit kaya ang tahimik niya? May nasabi ba kong di niya nagustuhan?
"Huy! Bakit ang tahimik mo?" naramdaman ko na lang na gumanti siya ng yakap saakin, mas mahigpit sa yakap ko.
"Mas mahal kita."
Napakagat labi ako dahil sa sinabi niya. I love him and he loves me. Ang sarap sa pakiramdam na mahal niya ko. Ang saya-saya ko habang magkayakap kami dito sa gitna ng strawberry farm.
Sana ganto na lang kami lagi. Walang iniisip at problema. Tanging siya at ako lang na masaya at nagmamahalan. Pero...good vibes! Bawal muna ang negative thinking.
"That's what I want to hear from you. That's the magic word I'm talking about. That's what I wish for when we're in grotto. It came true, my wish came true."
Napakunot noo ako bago humiwalay sa pagkakayakap sakanya. Tinaasan ko siya ng kilay at pinagkrus ang kamay sa dibdib ko.
"Why?" kunot noo na din siya habang tinitignan ako.
"Anong why why? Hindi mo ba alam na mahal kita?"
Paanong di niya malalaman? Pinaparamdam ko naman sakanya na mahal ko siya.Paanong di niya alam?
"You just told me." ngingiti-ngiti na siya ngayon pero ako hindi natutuwa.
"Mahal kaya kita! Nakakainis ka! Mahal kita!" pinaghahampas ko siya sa sobrang inis ko sakanya. All this time? Ngayon niya lang nalaman na mahal ko siya?
"I love you too." tatawa-tawa pa rin siya kahit kita niyang naiinis ako sakanya.
"Wag ka nga tumawa! Hindi kita hahabulin nun kung di kita mahal! Tanga ka ba? Bwisit!"
Pilit niya kong kinulong sa bisig niya. Hindi ko na napigilang tumulo ang luha ko.
"Coleen? Shit! Don't cry." pinupunasan niya ang luha ko pero umiiwas ako at binaon ang mukha ko sa dibdib niya sabay yakap.
"Akala ko alam mo na mahal kita. Akala ko alam mo... Sorry! Sorry..."
Paanong hindi niya alam? Paanong ngayon niya lang nalaman na mahal ko siya?
"Ang importante ngayon alam ko na. You made me this happy for telling me those word."
Naiiyak ako lalo, he didn't know. Hindi niya alam na mahal ko siya at ngayon niya lang nalaman. Ano kayang nararamdaman niya na gusto ko siya sa tabi ko pero akala niya di ko siya mahal?
![](https://img.wattpad.com/cover/50940196-288-k982608.jpg)
BINABASA MO ANG
She's The Famous Nerd
Fiksi RemajaLizzie Coleen Bautista wants revenge. Her life is like a missing cat that don't have any direction, not until Kent Stanley Folkner noticed her. It seems like destiny wants to play with her because Stanley noticed her not once but twice. Her lifeless...