Akala ko ba mahal niya ko? Why is he doing such this thing...napailing ako sa iniisip ko. Napangiti ako ng mapakla, maybe...maybe he really don't love me.
"Lizzie!"
Bumalik ako sa wisyo ng marinig ang sigaw ni Stanley na napabalikwas ng tayo. Wala siyang pangtaas at nanlalaki ang mata niya.
"Hi! Naiwan mong bukas yung pinto kala ko napano ka na."
Ngumiti pa ko habang kumakaway sakanya kahit ang awkward ng posisyon nila. Tumayo siya at lumapit saakin habang ang sama ng tingin saakin ng babae.
Hinatak ako ni Stanley palabas ng kwarto at tumingin siya saakin. Na-miss ko siya pero bakit ganun ang nadatnan ko? Ang bilis naman ata mawala yung sinabi niyang "pagmamahal" kuno niya kay Coleen.
"Lizzie..." ang intense ng tingin niya kaya umiwas ako ng tingin. May bumabara sa lalamunan ko na kung ano dahil naalala ko yung nakita ko kanina.
"Uhmmm.....hintayin kita sa sala."
Mabilis akong pumunta sa sala niya at umupo sa sofa. Hindi ko na mapigilan ang pagtulo ng luha ko kaya mabilis ko itong pinunasan. He didn't really love me--Coleen, what I saw is enough evidence because if he really love me...he will don't do such things like what I saw.
Biruin niyo yun kahapon lang nagtapat siya saakin pero ngayon? Nakikipaglampungan na sa ibang babae. Ganun ba ang totoong pagmamahal? May pasabi-sabi pa siyang ako ang first love niya pero ano! Psh sana di na lang ako pumunta dito.
"Look who's here! A crying nerd, wag kang mag-assume na mahal ka niya." pinunasan ko ang luha ko ng makitang nakasmirk saakin ang babae bago naglakad na paalis, bitch!
Sinigurado kong hindi halata na umiyak ako. Huminga ako ng malalim ng maraming beses pero ang sakit pa rin. Yung katotohanan na hindi niya talaga ako mahal ay dumudurog sa puso ko. Wasak na wasak.
Bakit pa ba ko nandito sa lugar niya? Dapat tumakbo na lang ako paalis kesa nandito ako at nasasaktan.
Napalingon ako sa katabi ko ng maramdaman may umupo. May nilapag siyang beer in can sa lamesa. Nagbukas siya ng dalawa at binigay saakin ang isa. Tsk mag-iinuman na naman kami? Mabilis kong tinungga yung hawak ko.
"Hinay lang." tumawa pa siya kaya sinamaan ko siya ng tingin. Buti na lang at nakasuot na siya ng pantaas.
"Busy ka pala." hindi ko matago yung tabang sa boses ko. Naghintay ako ng matagal tapos babae lang pala ang kinabibisihan niya.
"Pasensya na! May problema lang." ngumiti siya saakin ng malungkot na dahilan ng pagkalabog ng mabilis ng puso ko.
"Anong problema?"
Nagkibit balikat lang siya saakin kaya pinabayaan ko na lang siya. Nag-inuman lang kami pero hindi ako masyadong nainom kasi gusto kong marinig ang sasabihin niya pagnalasing siya. Nakapitong beer na siya pero tahimik pa rin siya at mukhang malalim ang iniisip.
Bawat pagbato niya ng walang lamang lata ng beer ay may kasamang buntong hininga. Nakatitig lang ako sakanya buong magdamag, bawat galaw niya tinitignan ko.
Pulang-pula na ang mukha niya at medyo magulo na din ang buhok niya pero kahit ganun ay di pa rin nababawasan ang pagkakisig niya. Kelan ko kaya makikita si Stanley na mukhang ewan? Mukhang hindi yata mangyayari yun.
"Damn!"
Pinataob niya ang mesa sa harap namin at tumayo pagkatapos ay naghagis siya ng kung ano-anu.
"SCREW MY SHITTY LIFE!"
Nagwawala na talaga siya kaya sinubukan ko siyang pakalmahin pero bigla niya kong tinulak kaya napaupo ako sa lapag. Napatingala na lang ako kay Stanley na patuloy pa rin sa paghahagis ng kung anu-anong gamit niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/50940196-288-k982608.jpg)
BINABASA MO ANG
She's The Famous Nerd
Teen FictionLizzie Coleen Bautista wants revenge. Her life is like a missing cat that don't have any direction, not until Kent Stanley Folkner noticed her. It seems like destiny wants to play with her because Stanley noticed her not once but twice. Her lifeless...