Kani-kanina lang ay natapos ko na ang pangseventh floor. Nandito ako ngayon sa labas ng Cyanna Hotel. Bibili kasi ako nung pain killer na dinidikit sa balat. Yung binigay kasi sakin ni Stanley ubos na pati di ko alam kung anong tawag dun.
"Saan kaya ako bibili?"
Kanina pa ko libot ng libot pero di ko talaga alam kung saan bibili. Sa pharmacy kaya?
"Hello there, my dear Lizzie."
Napatingin ako sa likod ko at nakita ko si Jonas. Napairap na lang ako at di siya pinansin. Siya ang dahilan kung bakit kami nag-away ni Stanley.
"Woah! That's kinda rude."
Hindi ko siya pinansin at patuloy lang sa paglilibot dito. Nasa sidewalk ako habang natingin sa mga stores pero puro fast food o di kaya boutiques ang nadadaan ko.
"What are you looking for?"
Napatingin ako sa likod ko at nakabuntot pa rin pala saakin si Jonas. Sinamaan ko siya ng tingin at hinarap siya.
"Why are you following me?" tinaas niya ang kamay niya sa ere pero nakangiti siya saakin na kinainis ko lalo.
"I don't want you to be lost.".
Umirap ako sakanya at nagpatuloy sa palalakad. Parang mawawala naman ako dito sa L.A at kung sakali man kaya ko ang sarili ko.
Kanina pa ko ikot ng ikot dito pero wala akong makitang pharmacy. Bakit ganun? Asan na ang mga pharmacy dito?
"We already strolled around. What are you looking for?" tinaasan ko siya ng kilay. Wala naman akong sinabi na samahan niya ko.
"So?"
Tinaas niya ulit ang kamay niya sa ere. Bakit kaya siya nandito? Tsk siguro di na naman siya nagpractice para sa fashion show nila.
"I just wanted to help, okay?"
Napabuntong hininga ako. Wala na akong choice.
"I'm looking for a pain killer. The square and white one that can be stick on skin."
Hindi ko talaga alam ang tawag dun. Dinemo ko pa sakanya kung anong itsura.
"You mean, pain relief patch?" napatango na lang ako kasi hindi ko alam kung yun nga yun.
"Okay, let's buy some." bigla niya kong hinila at napunta kami sa bus stop.
"Where are we going?"
Mukhang naghihintay siya ng bus na masasasakyan namin. Saan naman kaya kami pupunta.
"Mall. We're going to buy some of your patches."
Dumating ang bus at inislide niya ang card niya sa harap bilang bayad. Ang astig nun, sana meron din ganun sa pilipinas.
Nakatingin lang ako sa labas dahil hindi din naman siya nagsasalita. Hindi ko alam kung bakit ako sumama kay Jonas pero pakiramdam ko naman mabait siya, yun nga lang maloko.
"Here you go."
May inabot siya saaking dalawang maliit na box. Tinignan ko at ito nga yun.
"Thank you. How much?"
Nandito kami sa mall at may mini pharmacy sila dito. Ganto nga yung binigay saakin ni Stanley.
"No need. That's my gift for you." nagkibit balikat na lang ako sakanya at tinago ang pain relief patch sa dala kong bag.
"Let's go?"
Maglalakad na sana ako pero hinawakan niya ang braso ko kaya napatingin ako sakanya.

BINABASA MO ANG
She's The Famous Nerd
Novela JuvenilLizzie Coleen Bautista wants revenge. Her life is like a missing cat that don't have any direction, not until Kent Stanley Folkner noticed her. It seems like destiny wants to play with her because Stanley noticed her not once but twice. Her lifeless...