"Saan ba kayo mamamasyal mga baby ko? Sama naman si mommy sainyo!"
Kakatapos lang namin kumain ng niluto ni mommy Tasha na sinigang. Ang sarap at ang asim ng luto ni mommy lalo na at mainit-init pa nung kumain kami.
"Magda-date kami ni Coleen, mommy. Wag ka na makulit."
Nandito na kami sa labas ng bahay ni mommy Tasha. Paalis na kami pero gustong sumama ni mommy Tasha.
"Shhh lang si mommy mo! Promise! Di ako manggugulo sasama lang ako."
Nagcross pa si mommy Tasha sa puso niya at tinaas ang kamay na parang namamanata.
"I said no."
Nagkatitigan ang mag-ina ng masama sa isa't-isa. Tsk. Kanina pa sila nag-aaway mag-ina. Palibhasa parehong demanding kaya walang nagpaparaya.
"Natasha! Iha buti nakita kita."
Napatingin ako sa aleng sumigaw. Matanda na ito at puti ang buhok.
"Chang Nita! Bakit ho?"
Lumapit na ang tinawag na "chang Nita" ni mommy Tasha saamin.
"Kailangan kasi magpulong para sa piyesta bukas. Nakalimutan mo ba? Nakuu! Buti na lang at napadaan ako. Tara na at sabay na tayong pumunta sa munisipyo."
Tumingin saamin ni Stanley ang matandang babae at ngumiti lang ako.
"Ay chang Nita! Ito nga po pala si Stanley. Natandaan mo pa po ba ang anak ko? At ito naman po si Coleen ang kasintahan ng anak ko." tumango at ngumiti saamin ang matandang babae.
"Aba'y kay gandang dilag at gwapong binata. Ako nga pala si Lonita ang kapitan ng baryo na 'to, tawagin niyo na lang akong chang Nita." ngumiti lang ako at tumango kay chang Nita.
"Hmp! Swerte ka baby Stanley kasi di ako makakasama. Sisiguraduhin kong makakasama na ko sa susunod na lakad niyo."
Umirap si mommy Tasha kay Stanley at umangkla kay chang Nita.
"Magingat kayo Coleen bebe! Enjoy!"
Kumaway-kaway pa siya saamin habang paalis na sila ni chang Nita.
"Sa wakas..."
Napatingin ako sa katabi ko na bumuga ng hangin na parang nabunutan ng tinik.
"Ayaw mo talaga kasama si mommy Tasha?" tatawa-tawa kong sabi sakanya kahit nakataas ang kilay ko.
"Hindi naman sa ganun pero gusto lang kita masolo. Ang tagal kaya kitang hindi nakasama."
Malungkot ang tono niya pero di ko mapigilang kurutin ang braso niya.
"Wala pa kayang isang linggo."
Tinawanan ko lang siya pero pagtingin ko ay seryoso siyang nakatingin saakin.
"It feels like forever."
Kinuha niya ang kamay ko at nagsimula na siyang maglakad kaya natangay ako. Likod niya lang ang nakikita ko habang nagpapatangay ako sakanya. Hindi siya lumilingon saakin at tahimik lang kami hanggang makarating ng highway. Natatanaw ko na ang kotse niyang nakapark sa gilid ng kalsada.
Nagtatampo siya saakin. Tsk. Demanding na nga, matampuhin pa.
"Get in."
Binuksan niya ang pinto ng front seat kaya tahimik na lang akong umupo dun. Sinarado niya ang pinto bago umikot para makaupo sa driver's seat.
"Hey."
Tinignan niya ko at ngumiti saakin. Kinuha niya ang kamay ko at hinalikan ito.
"I missed you so much." aniya.
BINABASA MO ANG
She's The Famous Nerd
أدب المراهقينLizzie Coleen Bautista wants revenge. Her life is like a missing cat that don't have any direction, not until Kent Stanley Folkner noticed her. It seems like destiny wants to play with her because Stanley noticed her not once but twice. Her lifeless...