FAMOUS NERD 71

2K 48 0
                                    

"Republic act no.10627.5 or anti-nerd bullying act is officially a law."

Nagpalakpakan kaming lahat at may napaiyak pa sa sobrang kaligayahan. Nagkatinginan kami ni tito John at ngumiti siya saakin, ngumiti din ako pabalik.

"Congratulations saatin lahat!" Sigaw ni Tiff at pinatahimik naman agad siya ni Teff. Nakipagkamay kami sa ilan sa mga senador at sa punong senador.

Lumabas kami ng supreme court at nagkatinginan sabay yakapan naming lahat.

"Let's celebrate!"

Sumangayon ang lahat sa sinabi ni Teff at nagsisakay sa van na dala namin. Bakas ang kaligayahan sa lahat at walang kahit na sino ang hindi masaya. Sino ba naman ang hindi sasaya? Kung yung pinaglalaban mo sa loob ng maraming taon ay natupad na?

"Cheers!"

Pagtunog ng mga baso ang narinig ko at sabay lagot sa wine na hawak namin.

"Sana ay walang magbago at magkita-kita pa rin tayo." sabi ni Teff at agad iyon sinang-ayunan ng kapatid niyang si Tiff.

Kanina pa kami nandito sa loob ng meeting place namin. Kumain habang nagkwekwentuhan at ngayon ay umiinom ng wine para sa pagdiriwang ngayon araw.

"Panoodin natin lahat ng video na nakuha natin!" Suhestisyo ni Mina na katabi ko. Umingay ang buong kwarto at excited ang lahat na mapanood yun.

"Okay...okay...iseset na namin ni Tiff ang mga footage." sabi ni Teff at nagtulungan sila ni Tiff na ayusin ang tv. Nagpalakpakan ang lahat ng buksan ang tv at lahat ay dun nakatutok.

Papanoorin namin kung paano kami binully ng kapwa namin estudyante.

"Simula sa pinakasimple hanggang sa pinakamatinde na klase ng pambubully nakaarange itong video." sabi ni Teff at kasabay nun ay nagsimula na ang munting palabas.

Una ay ang tinutulak na kasamahan namin dito, hanggang sa may buhos na ng likido, sinampal, dinuraan sa mukha, pinaluhod, pinaglinis, sinabubutan, binuhat sa ere, kinalmot at kung anu-ano pang di kaaya-ayang bagay.

Nandun din sa munting palabas na yun si Lizzie na kinakawawa at walang laban. Nakita ko ang paghihirap ko sa loob ng Rose Academy. Nakikita ko ngayon kung paano nila ako kinawawa sa loob ng apat na taon. Kung pano ako tapunan ng harina at pagtawanan ng estudyante, kung pano ako buhusan ng likido ni Emily, kung pano nila harangan ang mga banyo nung binuhusan nila ako ng tubig, kung pano nila ako kinulong sa maliit na kwarto habang nakatali.

Nakikita ko lahat yun ngayon.

Nanlaki ang mata ko sa sunod na pinlay. Napatingin saakin ang lahat at sinubukan kong maging normal ang itsura. Naglalakad siya mag-isa habang may ngiti sa labi. Bakit kaya siya nakangiti? May nangyari bang maganda nung araw na yan?

Habang naglalakad siya ay may humila sakanya, si Emily. Hinila siya sa gilid at nag-usap silang dalawa. Anong pinag-uusapan nila? Mukhang galit si Emily sakanya at siya naman ay normal lang na nakikipag-usap. Biglang may nilagay na panyo si Emily sa ilong at bibig niya at nawalan siya ng malay. Napakagat labi ako, ayan ba yung araw na yun?

May dumating na lalaki at binuhat si Oliver. Sa iba-ibang camera ay sinundan ang galaw nung mga lalaki at kung pano sila dumaan sa likod ng eskwelahan hanggang sa naging itim na lang ang kulay ng tv.

Natulala lang ako sa tv at wala akong narinig na kahit na anong ingay. Ganun pala ang nangyari...nung araw na yun.

"Okay! Magdasal na tayo para makauwi na!"

Pumorma ng bilog ang lahat at tumungo para magsimulang magdasal. Ako? Pinipigilan ko ang luha ko. Tumungo na lang din ako at sabay-sabay kaming nagdasal at nagpasalamat sa Diyos para sa malaking pagpapala niya saamin ngayon araw.

She's The Famous Nerd Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon