"Mommy! We're going!"
Mabilis na hinatak ni Stanley ang kamay ko palabas ng bahay bago pa man makapagsalita si mommy Tasha.
"Huy! Bakit ka ba nagmamadali?" tuloy pa rin siya sa pagtakbo habang patingin-tingin sa likod namin.
"We're going on a date right?"
Ngumisi pa siya saakin at di ko napansin na nakarating na pala kami sa sasakyan niya. Buti hindi napapahamak yung sasakyan niya kahit nandito sa labasan.
"Get in." pinagbuksan niya ko ng pinto bago siya umikot papuntang driver's seat.
"Saan tayo?" binuhay niya ang makina at nagsimula nang umandar ang kotse.
"Our Lady of Lourdes Grotto."
Our Lady of Lourdes Grotto? Ayun yung may two hundred fifty two steps diba? Nakaramdam ako ng excitement kasi mahilig kaming umakyat sa hagdan. Mukhang magiging masaya ang araw na 'to.
"Malayo ba dito yun?"
Base sa blog ay maganda daw dun at worth it yung pagod. Makikita dun si Lady Lourdes at pwedeng magsindi ng kandila.
"A bit."
Hindi na ko sumagot at tumingin na lang sa labas ng bintana ng maalala ko ang nangyari kahapon ng gabi.
"Nagseselos ako."
Nakatingin ako ng diretso sa mata niya habang sinasabi ang mga katagang yun.
"Huh?"
Half open ang bibig niya habang nakatingin saakin na parang di makapaniwala.
"Nagseselos ako kay Karen! Ikaw na din nagsabi diba? Simula pa kaninang umaga nagseselos na ko sakanya! Tapos makikita ko na lang na sinasayaw mo siya?"
Nakakainis! Wag lang ulit susulpot bigla yung Karen na yun kung saan kundi masasabunutan ko talaga siya! Grrrr.
"Ano? Magsalita ka! Yun naman yung gusto mong sabihin ko diba? Oh ayan na! Umamin na ko na nagseselos ako!"
Nakatingin lang siya saakin at nanatiling tahimik. Pakiramdam ko ay napahiya ako sa harap niya kaya dali-dali ko siyang tinalikuran. Tsk! Pagtapos kong umamin tititigan niya lang ako? Wala man lang reaksyon?
"Coleen!" may brasong humatak saakin paharap. Nakipagtitigan siya saakin bago bumuntong hininga.
"Nagulat lang ako sa sinabi mo."
Nakatingin siya sa baba habang hawak pa rin ang braso ko. Ano bang nakakagulat sa inamin kong nagseselos ako? Malamang magseselos ako kasi ako ang....ano niya ba ko?
"Sorry...wala pala akong karapatan na magsabi ng ganun...ano mo ba ko? Wala naman diba."
Siguro kaya siya nagulat kasi naisip niya na ang feeling ko. Lalo akong napahiya sa naisip ko.
"Colee---"
"Don't. Alam ko yun at sorry talaga."
Nakatakip ang bibig niya gamit ang kamay ko. Ayaw kong ituloy niya ang sasabihin niya dahil alam kong mapapahiya lang ako.
Tinanggal niya ang kamay ko sa bibig niya at akmang magsasalita siya ng tinakpan ko ulit ang bibig niya.
"Just forget what I said okay?"
Sana kalimutan niya na lang yung sinabi ko. Dapat di ako nagpadala ng emosyon ko. Dapat di ko sinabi sakanya na nagseselos ako kay Karen kasi sino ba ko sakanya? Ang alam lang ng lahat ay boyfriend ko siya dahil dun sa issue namin pero sa totoong buhay...ano ba niya ko?
![](https://img.wattpad.com/cover/50940196-288-k982608.jpg)
BINABASA MO ANG
She's The Famous Nerd
Ficção AdolescenteLizzie Coleen Bautista wants revenge. Her life is like a missing cat that don't have any direction, not until Kent Stanley Folkner noticed her. It seems like destiny wants to play with her because Stanley noticed her not once but twice. Her lifeless...