FAMOUS NERD 68

1.9K 53 6
                                    

"Please! Ibalik niyo sakin yan! Sige na naman!"

Pero di nila ako pinakinanggan at patuloy na pinagpasa-pasahan ang nerdy glass ko.

"You look pathetic crazy nerd!"

Sabay tawa pa nila na parang demonyo. Hindi ko na alam kung ano bang dapat kong gawin. Bakit ngayon pa sila umeksena? Bakit ngayon pa?

"Ibigay niyo na saakin!"

Pilit akong pumalag pero mahigpit ang pagkakahawak nila saakin. Ano nang gagawin ko? Bakit? Bakit ba ganto?

"Aren't you feeling welcome nerd? This is our surprise for you!"

Pilit ulit akong pumalag pero hindi ako matakas. Lumapit saakin si Emily at sinampal ako ng malakas. Napapikit na lang ako sa sakit. Pinatingala niya ko sakanya ng maharas.

"Gusto ko manakit ngayon araw kaya ikaw ang sasaktan kong malandi ka!"

Hinila niya ang buhok ko at pilit akong kumakawala pero hindi ko talaga kaya. Masyado silang marami.

"I hate you! I hate you so much!"

At mas hinila niya pa ang buhok ko bago pakawalan. May nag-angat ng ulo ko paharap kay Emily. Sobrang sama ng tingin niya saakin at nabaling ang tingin niya sa salamin kong hawak ng alipores niya.

"Akin na yan!"

Umalma pa ko pero sabunot lang ang natanggap ko. Shit. Buti na lang mahigpit ang kapit ng wig ko sakin.

"Ang pangit nitong salamin mo. Basagin ko kaya?" tumawa pa siya na parang demonyo habang tinitignan ang salamin ko.

"Bitawan mo yan!"

Nakita kong nilapag niya sa sahig ang nerdy glass ko. Napailing ako pero siya ay nakangisi lang saakin.

"Sa sobrang pangit nito, wawasakin ko na!"

Tumawa din ang mga kasama niya at siya din. Yung galit ko malapit nang sumabog. Ngayon araw pa sila nakisabay? Sa lahat ng araw bakit ngayon?

"Wag yan! Mahalaga yan saakin!" tuluyan ng tumulo ang luha ko at lumapit saakin si Emily.

"Very good! Yan ang gusto ko! Yung umiiyak! Bakit kaya ngayon lang kita napaiyak? Babasagin ko talaga 'tong salamin mo!"

Dinutdot niya pa ang noo ko ng madiin. Tinignan ko siya ng masama habang natulo pa rin ang luha at siya naman ay nakangisi lang.

"Subukan mo lang." madiin kong sabi sakanya at mapangasar siyang humawak sa bibig.

"Nakakatakot." nakakaasar niyang sabi tapos nagtawanan ulit sila. Bumalik siya sa pwesto niya kanina nang nakangisi saakin.

Pumwesto na siyang tatapakan ang nerdy glass ko. Hindi ko na kaya. Masyado yun mahalaga. Sumabog na ang galit ko kaya nagawa kong makawala at matulak si Emily. Pinulot ko agad ang salamin ko pagkatapos ay lumapit sakanya na gulat ang mukha at sinampal ko siya ng dalawang beses, malakas at puno ng galit.

"Bitch." madiin na sabi ko sakanya bago umalis dun sa kwartong yun. Nanghina ako bigla pero tuloy-tuloy lang sa paglalakad hanggang sa makababa na ko sa rooftop na pinagdalhan nila saakin.

Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa may nabangga ako. Pagtingala ko ay nakita ko si Stanley na seryosong nakatingin saakin.

"What happened to you?"

Nagkatitigan lang kami. Pakiramdam ko nakahanap ako ng kakampi ko ngayong nandito siya.

"NEEERD!"

Napalingon ako sa likod at nakita ko si Emily na sobrang sama ng tingin saakin. Hinatak ako ni Stanley patago sa likod niya.

"Sinong bitch? Ako? Ikaw ang bitch dito! Malandi!"

She's The Famous Nerd Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon