"Hello?" masaya ang boses niya ngayon kaya napangiti ako.
"Seaside 5pm sharp."
Pinutol ko agad ang tawag pagkatapos kong masabi ang location at magdrive patungo sa seaside. Nangako ako sakanya kahapon na magkikita kami kaya tinitupad ko lang.
Medyo bakat pa rin yung lubid sa pulso ko kaya nagsuot ako ng long sleeve para hindi niya mahalata.
Nagring ang phone ko at nakitang si Stanley ang tumatawag. Ang kulit naman niya! Bahala siya pumunta na lang siya sa seaside.
Nakarating ako sa seaside, thirty minutes before five. Umupo ako sa isang bench at nagmuni-muni muna.
Nakaitim na jacket at butterfly sunglass ako para hindi ako makilala ng mga tao.
Hinintay ko siya at dumating ang 5pm pero wala pa rin siya. Ang tagal naman ng lalaking yun! Nasaan kaya siya?
Paano kung hindi niya ko siputin? Edi pahiya ako? Pero alam kong dadating siya kaya hihintayin ko siya! Baka natraffic lang at maya-maya nandito na.
May mga ilang taong tumitingin saakin. Siguro nawiwirduhan kasi nakasunglass ako wala namang araw.
I tap my foot on the ground. Nakakainis na si Stanley! Alasais na pero wala pa rin. Wala na yata siyang balak na siputin ako. Badtrip!
"That's it."
Tumayo na ko sa sobrang pagkabwiset ko. How dare Stanley to ditch me. Naglakad ako papuntang kotse ko at sumakay. Hinampas ko ang manibela ko sa sobrang inis.
Halos mamuti na ang mata ko kakaintay sakanya! Naghintay lang pala ako sa wala!
Nakakainis! Akala ko dadating siya kasi paalis na ko pero walang Stanley Folkner na dumating. Paasa siya! Wait, what...wala naman siyang sinabing hintayin ko siya. Wala nga din akong kasiguraduhan na dadating siya tapos ako pa itong magagalit? Patawa din ako.
Why the hell I feel disappointed and rejected? This feeling is totally insane.
Binuhay ko ang engine ng kotse ko. Paalis na sana ako kaso may isang pawisan at hinihingal na lalaki ang humarang sa kotse ko.
Binuksan ko ang bintana at sinamaan ng tingin ang lalaking dugyot na nakaharang sa daanan.
"Excuse me? Pwedeng tumabi ka."
Sinenyasan ko siya na umalis sa daan pero nanatili pa rin siyang nakatayo at nakahawak pa sa kotse ko. Ang kapal ng mukha ng lalaking 'to.
"Are you deaf or just dumb? I said get out of my way!" lalo ko siyang sinamaan ng tingin. Binusinahan ko na siya pero nakaharang pa rin siya.
"Miss! Nasagasaan mo ako! Panagutan mo 'tong ginawa mo.sakin!"
That guy is getting on my nerves. Nakangiti pa siya saakin kaya mas lalo akong nabwiset sakanya.
"Ikaw ang humarang sa daanan." madiin na sabi ko.
Naiinis na talaga ako sa lalaking yan. Wala na bang pwedeng ibang gawin ang ibang tao kundi mangbwiset ng kapwa?
"Panagutan mo ako lalo na...ang puso ko."
Ang tamis ng ngiti niya saakin. Hindi mapigilan ng puso kong dumugong-dugong. Napalunok ako sa sobrang pagdugong ng puso ko. Bakit ba ganto ang nararamdaman ko?
"Sorry Coleen kung na-late ako. Sorry talaga. Na-detention kasi ako."
Lumapit na saakin ang lalaking dugyot pero bakit kahit pawisan ay ang bango pa rin niya. Isa pa, hindi talaga siya mukhang dugyot, ang gwapo pa rin niya.

BINABASA MO ANG
She's The Famous Nerd
Fiksi RemajaLizzie Coleen Bautista wants revenge. Her life is like a missing cat that don't have any direction, not until Kent Stanley Folkner noticed her. It seems like destiny wants to play with her because Stanley noticed her not once but twice. Her lifeless...