"Good job everyone!"
Nagpalakpakan kaming lahat dahil tapos na yung shoot namin para sa magazine. Dalawang linggo na nung natapos namin yung prenup namin at ngayon...tapos na lahat.
"Congrats!" niyakap ako ni Dina at nagbeso kami. Sa lumipas na dalawang linggo ay mas naging close kami ni Dina.
"Congrats."
Nakipagkamay pa ako sa mga staff. Wala naman masyadong nangyari last two weeks. Normal lang as in si Lizzie laging binu-bully at si Coleen laging pinupuri. The world is unfair right?
"Congrats." nagulat ako ng halikan niya ko sa pisngi.
"Nice working with you." then another lips landed on my other cheek.
"Uhmm...congrats and it's nice working with the both of you."
Pilit akong ngumiti sakanilang dalawa. Nakakagulat silang dalawa. Hindi naman sila ganun dati nung natapos yung shooting namin moon.
"Next week, birthday party at FJD. You're invited" sabi ni Francis.
Tumango ako at naiilang na ngumiti. Iniisip ko pa rin kasi yung paghalik nila sa pisngi ko. Alam kong friendly kiss lang yun pero nagulantang ako dahil dun.
"Who's the celebrant?" tanong ko.
Dumating si Dina sa tabi nila at ngumiti saakin.
"I'm the celebrant.....Stanley, you should come too." sabi ni Justine.
May brasong pumulupot sa bewang ko. Paglingon ko sa katabi ko ay si Stanley na seryoso ang mukha.
"Sure." aniya.
Nagpaalam si Stanley sakanila kaya natangay niya ko paalis. Ang higpit ng pagkahapit niya saakin.
"Saan tayo?"
Di siya sumagot saakin at basta niya na lang akong sinakay sa kotse niya. Umikot siya sa driver seat at pabagsak na sinara ang pinto
"Damn!"
Nagulat ako sa curse niya at paghampas sa manibela. Nanlilisik ang mata niya habang patuloy na humahampas sa manibela niya.
"S-Stanley?"
Napalunok ako. Ngayon ko lang siya nakitang ganyan at natatakot ako sa pwedeng mangyari. Lumingon siya saakin kaya medyo napasiksik ako sa gilid nang biglang lumambot ang ekspresyon niya.
Lumapit siya saakin at pinunasan ang magkabila kong pisngi gamit ang laylayan ng t-shirt niya.
Nagkatitigan lang kami ng halikan niya ang noo ko. Napapikit ako sa ginagawa niya. Bakit hindi na lang sa labi?---I mean!
"Stanley."
"Coleen."
Napalunok ulit ako at umayos ng upo at ganun din siya. Tumikhim siya ng ilang beses bago nagmaneho.
Hinayaan ko na lang siyang magmaneho at di na nagtanong kung saan kami pupunta.
Ramdan ko pa rin yung labi niya sa noo ko. Friendly kiss lang din yun katulad lang kila Justine at Francis. It's nothing. Walang meaning.
Tumingin ako sakanya at masasabi kong bagay na bagay sakanya ang pagiging model. Maraming lalaki dyan na gwapo pero bihira lang ang personality ni Stanley. He's kind, funny but at the same time mature well he's also immature. Basta, si Stanley ay isang mature na immature.
"Handsome?"
Nakalimutang kong banggitin na may pagkamayabang. Umirap na lang ako sakanya at tumingin sa labas ng bintana.
BINABASA MO ANG
She's The Famous Nerd
Teen FictionLizzie Coleen Bautista wants revenge. Her life is like a missing cat that don't have any direction, not until Kent Stanley Folkner noticed her. It seems like destiny wants to play with her because Stanley noticed her not once but twice. Her lifeless...