"Ano ba Stanley? Di ba sabi ko tigilan mo na ko?" pinanlakihan ko pa siya ng mata pero tuloy pa rin siya sa pagsunod saakin.
Nakakainis kanina pa siya sunod ng sunod saakin. Simula nung paglabas namin sa music class hanggang papunta sa painting class ko at ang kapal ng mukha niyang makisit in sa klase namin. Hinayaan ko lang siya nung una pero hanggang pag-uwi ko
naman?"Dun ka sa girlfriend mo sumunod! Wag sakin!" tinignan ko pa siya ng masama pero ngiti lang na may kasamang biloy ang sinukli niya saakin.
Kaya hinarap ko na siya at pinagkrus ang kamay sa dibdib ko.
"Ano bang problema mo? Bakit ka ba nasunod sakin?" mataray ang tono ko sakanya para matinag siya.
"Are you going home?"
Pero hindi pala siya natinag dahil masaya ang tono niya.
"Wala kang pakelam!" pasinghal kong sabi sakanya pero siya ngiting-ngiti pa rin.
"I want to come with you."
Tatarayan ko sana ulit siya ng makita ko si Bam kaya dali-dali akong lumapit kay Bam.
"Bam!" tumingin saakin si Bam at ngumiti saakin na parang tunay na lalaki.
"Lizzie, kamusta ibang bansa?"
Ngiting-ngiti ako sakanya at sa gilid ng mga mata ko ay nakita ko ang nakasibangot na mukha ni Stanley. Kaya pala siya ganun dati ay dahil nagseselos siya kay Bam.
"Ayos lang, kamusta?"
Mas lumapit siya saakin at bumulong.
"Madededs ako sa tingin ni fafa Stanley! Lokaret ka talaga!" tumawa ako sa sinabi ni Bam at pinulupot ang kamay ko sa braso niya.
"Samahan mo ko sa mall!"
May narinig akong tumikhim pero di ko yun inintindi.
"Ano bang balak mo chakaririt? Dinadamay mo pa ang beauty ko!" bulong saakin ni Bam kaya kinurot ko siya sa tagiliran.
"Makisakay ka na lang." balik kong bulong sakanya at pasimple kaming sumilip kay Stanley na masama ang tingin saamin.
"Sige ba, tara?" tumango-tango ako at pumunta kami sa parking lot.
"May kotse ka pala?"
Pagdaan namin sa building na may glass wall ay nakita ko dun si Stanley na nasa likod namin habang nakapamulsa.
"Ang chaka mo talaga! Malamang meron." sabay irap niya saakin. Ito talagang baklitang 'to!
Nakarating na kami sa parking lot at papasakay na sana ako sa kotse ni Bam ng may kamay na humawak sa braso ko.
"Come with me."
Tinaasan ko siya ng kilay at tinabig ang kamay niyang nasa braso ko.
"Pwede ba Stanley? Umuwi ka na lang sainyo at wag ako guluhin."
Sasakay na sana ako pero pinigilan niya ulit ako.
"You're coming with me! I want you to come with me!"
Napakademanding! Sobrang demanding niya!
"Sasama ako kung kanino ko gustong sumama! Tigilan mo na ko! Dun ka sa girlfriend mo!"
Nagpumiglas ako at dali-dali na sumakay sa kotse ni Bam at pagkasakay na pagkasakay ko ay pinaandar na agad ni Bam.
"Ano bang drama niyo ni fafa Stanley?" tinignan ko lang siya at nagbuntong hininga.
"Peymus ka ate? Snobber, tsk!"
Hindi ko na lang siya pinansin at tumingin sa labas hanggang sa makarating na kami sa parking lot ng mall.
![](https://img.wattpad.com/cover/50940196-288-k982608.jpg)
BINABASA MO ANG
She's The Famous Nerd
Teen FictionLizzie Coleen Bautista wants revenge. Her life is like a missing cat that don't have any direction, not until Kent Stanley Folkner noticed her. It seems like destiny wants to play with her because Stanley noticed her not once but twice. Her lifeless...