"Good morning." bati ko sakanya pagkaupong-pagkaupo ko. Puyat na naman kaming dalawa kagabi.
"Morning." tapos naghikab pa siya. Palihim akong ngumiti habang nakatingin sa pagkain ko.
"Here." nilgyan ko siya ng french fries sa plato niya. Tumingin siya saakin kaya ngumiti ako sakanya.
"Thanks."
Nagpatuloy na kami sa pagkain. Patingin-tingin ako sakanya. Akala ko ba makikipagbati na siya saakin? Bakit di niya ko pinapansin?
"Tungkol kagabi..." tumingin ako sa ekspresyon niya pero nagpatuloy lang siya sa pagkain.
"Sorry. Alam kong mali na pinatulan ko si Kristine bitch." tinignan niya ko ng masama kaya umayos ako ng upo.
"Okay, walang bad word."
Nagpatuloy na ulit siya sa pagkain kaya pinagpatuloy ko na din ang pagsasalita ko.
"Kasalanan ko...dapat hindi ko siya pinatulan. Sorry." napakagat labi ako habang nilalaro ang bacon sa plato ko.
"Apology accepted."
Tinignan ko siya at ngumiti pero napasibangot ako bigla nung tuloy-tuloy lang siya sa pagkain.
"Okay na tayo? Bakit di ka pa rin tumitingin saakin?"
At pinagsisihan ko na sinabi ko yun. Tinignan niya ko at naramdaman ko ang bilis ng tibok ng puso ko.
"I'm enjoying my breakfast, young lady."
Natawa ako sa British accent niya. Ngumiti siya saakin at kumain ulit ng mapansin kong may ketchup siya sa gilid ng labi. Dumiin ako sa lamesa papalapit sakaya at hinawakan ko ang baba niya gamit ang hintuturo ko tapos inangat ang mukha niya.
"What are you...doing?" nakakunot noo siyang nakatingin saakin kaya nginitian ko siya. Gamit ang isa kong kamay ay inalis ko ang ketchup sa gilid ng labi niya.
"Para kang bata." tapos pinakita ko sakanya ang hinlalaki kong may ketchup. Tumawa pa ko ng mapansin kong nakatingin lang siya saakin.
"Bakit?" pakiramdam ko matutunaw ako sa titig niya kaya lumayo na ko at umupo ng maayos.
Pagtingin ko sakanya ay nakatingin pa rin siya saakin. Bakit siya nakatitig saakin? Masama ba ang ginawa ko?
"Kumain ka na."
Kinuha ko ang isang fries at tinapat sa bibig niya pero wrong move ako. Tanga talaga, Lizzie Coleen.
Sinubo niya ang binigay ko at napakagat labi na lang ako. Habang ginagawa niya yun ay sa mata ko siya nakatitig.
"Thanks." pabulong niyang sabi habang saakin pa rin ang tingin. Ano bang problema niya? Bakit ganyan siya makatingin?
Natatandaan ko ang mga ganyan tingin niya. Pagkasama niya si Coleen---oh shit. Wala lang 'to. Bestfriend lang.
Habang kumakain ako ay ramdam ko ang tingin niya.
"Una na ko. Bye."
Hindi ko na nakayanan kaya tumayo na ko. Hindi ko na hinintay na magsalita siya at nagmartsa na paalis.
Pinilig ko ang ulo ko. Wala lang yun at baka inaantok pa si Stanley. Wala lang yun.
Nakakainis ka talaga, Lizzie Coleen. Bakit pinunasan mo pa yung ketchup sa gilid ng labi niya? Pwede namang sabihin mo na lang tapos dinagdagan mo pa ng pagsubo ng fries sakanya. Ang tanga ko talaga.
Kinuha ko na ang mga gamit ko at dumiretso sa fifth floor. Buti na lang hindi ko nakasalubong si Stanley kasi pakiramdam ko ang awkward.
Bakit ba ganun siya makatingin? Baka pinagtitripan niya lang ako? Oo nga. Ganun nga siguro.
BINABASA MO ANG
She's The Famous Nerd
Fiksi RemajaLizzie Coleen Bautista wants revenge. Her life is like a missing cat that don't have any direction, not until Kent Stanley Folkner noticed her. It seems like destiny wants to play with her because Stanley noticed her not once but twice. Her lifeless...