It is indeed a very long hell of a ride. Napilitan pa si Karl na makinig sa fm radio kahit na sa lahat ng kakilala ko, siya ang ayaw na ayaw na nakikinig sa radyo.
Obviously his purpose is to kill the awkwardness.
I can't even look upfront dahil makikita ko siya sa gilid ng mata ko. I must admit.. Naiinis ako dahil nasasaktan ako sa naging resulta nito, pero nahihiya ako sa kanya. Sinira ko ang araw naming dalawa. I know this isn't all my fault, pero ako ang dahilan nitong dismaying turn of events.
Habang nakatingin ako sa labas, narinig kong tumikhim si Karl bago nagsalita. "Maybe we could still talk about your plans."
Bumuntong hininga ako. Matagal bago ako sumagot, wala akong mahagilap na mga salita.
"Karl..." Tumingin ako sa kanya. "Ano ba kasing problema mo sa paglipat ko?"
"'Yung lilipat ka."
"Bakit nga? You're being unreasonable, Karl."
"I don't wanna be a hindrance to your dreams.. But i just can't let you go. Not now. Please. I need you right now." Mariin ang pagkakasabi ni Karl habang palipat lipat ng tingin sa akin at sa daan.
"I need you to understand me too." Unti-unti nang tumaas ang tono ng boses ko. "Hindi naman pwedeng pumirmi ako sa tabi mo habambuhay! This is all about me! Why can't you understand! You're selfish and unfair!"
"Selfish and unfair?" Naningkit ang mga mata niya sa daan.
"Oo!"
Napansin kong tumigas ang mukha niya. "Okay then."
"Ano?"
"I said fine!" Hinampas niya ang manibela na ikinagulat ko. "You go on with your dreams and forget about me! You choose!"
Nailing iling akong hindi makapaniwala sa mga sinasabi niya. "Don't make me choose, Karl! Iba ka sa pangarap ko. I can't choose between the childish you at ang bwiset na job offer na yan!"
Bumilis ang takbo ng sasakyan at bahagya akong natakot. "Jorenn, malinaw pa sa sinag ng araw, you're not choosing me."
"I am not! Wala akong pinipili! At kahit na mag-umaga tayo dito sa kapipilit mo sa akin na pumili, hindi ako pipili!"
"Now who's selfish in here. Hindi lahat ng bagay makukuha mo Jorenn. Kailangan mong bitawan ang isa to be able to get the other one-"
"Ihinto mo-" sa pang-anim na beses ng gabing iyon, kumulog ng pagkalas lakas kasabay ng nakakagimbal na kidlat.
"What?"
"Sabi ko ihinto mo sasakyan bababa ako."
"Hinde."
"Karl!"
"I said no! Ihahatid kita, maghihiwalay tayong maayos!"
"Hindi ko na kaya Karl, ihinto mo!"
"Hwag kang makulit!" Lalo niyang binilisan ang takbo ng sasakyan, na lalo ko din ikinatakot.
"Kung magpapakamatay ka, huwag mo akong idamay! Ihinto mo na!" Unti-unti na ring nahulog ang malalaking patak ng ulan kasabay ang sunud-sunod na kulog.
"No!" Tumingin siya sa akn habang patuloy parin ang takbo ng sasakyan.
"Ano bang gusto mo!" Sumigaw na ako.
"Pagkahatid ko sa'yo, saka ka magmalaki sa akin. I can't leave you-"
"KARL!!!" Sigaw kong muli nang may maaninag ako sa kalsadang papatawid na matandang lalaki.

BINABASA MO ANG
Bizarre Love Affair
Teen FictionCan't Cupid just let ONLY LOVE be between Jorenn and Karl? no yelling and screaming? They were high school friends, but since then, away-bati-away-bati na silang dalawa. Hanggang ngayong nagtratabaho na sila, walang humpay pa rin ang bangayan nila s...