"Si mommy, si daddy, si ate Michelle at si Shara unica ija niya, and last but not the least and bunso na si Anthony." Pagpapakilala ko isa isa kay Toni sa pamilya ko.
Nakangiti lang si Toni habang pinapakilala ko ang pamilya ko, same expression kay daddy and the rest except kay mommy. Because as usual, nasa mode na naman si mommy ng pagtataray sa lalaking katabi ko.. akalain mong kahit matanda na ako, ganito pa rin umasta si mommy sa lalaking pinapakilala ko sa kanila ngayon.
"Good Morning po sir, madam."
"Magandang Umaga rin iho." bati ni daddy, sila ate tumango lang at nagpatuloy na sa kanya kanyang ginagawa.
"Live in na kayong dalawa dito sa bahay? Oh my God Jorenn, tapos dito mo pa pinatira si Thea? Wh-"
"Mommy!" putol ko sa ano pa mang sasabihin ni mommy.
Nagulat ako sa nasa isip ni mommy. Duh. Never ako makikipag-live in sa isang lalaki never in my whole life. Makakasama ko lang ang isang lalaki sa iisang bubong kapag kasal na kami. That's it. Period.
"Ma'am, nagkakamali po kayo, magkaibigan lang po kami ni Jorenn. Nagkataon lang po na dinalaw ko siyan nitong araw na may celebration po kayo dito." si Toni.
Aba, pinapahanga ako nitong lalaking ito ah. Saan niya kaya nahugot ang lakas ng loob niyang magpaliwanag kay mommy?
Tumaas ang mga kilay ng nanay ko at nagpalit-palit ng tingin sa aming tatlo nina Thea, Toni at ako. Para bang naniniguradong totoo nga ang sinasabi ni Toni. Nakita ko namang lumapit si Thea kay mommy.
"No doubt my, dahil ngayon ko lang din nakita si kuya Toni. But the thing is, hindi naman yata silang magkaibigan lang talaga. Mukhang my something sa kanilang dalawa."
Batang 'to manunukso pala, kala ko naman tinulungan na akong magexplain.
"Thea, sweetheart. Forget about it. May private life rin ang ate mo." Sumingit na si daddy. "Ipagbabawal pa ba ng mommy mo sa ate mo ang pagboboyfriend when in fact she's already on the right age for those things?" Ngumiti ako. Of course, my dad would save the day.
Pero sumagot pa rin si mommy. "When in fact, kahit nasa tamang edad na ate mo, Thea. Mamanmanan ko pa din yang Toni na yan. " Napasulyap ako kay Toni. Sinira na naman ang bibig niya in a way na nasa loob ng bibig niya ang mga labi niya, showing his perfect dimples. Nakangiti ba siya or what? Nakita ko siyang tumawa, at doon nga nagsimula ang tawanan sa loob ng bahay. At last, nawala na rin ang tensyon simula pa lang nung dumating sila at nang makita si Toni. Nakaupo kaming lahat ngayon sa salas habang nakasalang ang isang ballad song. Imagine the environment, it's almost perfect, tumutugma ang tawanan sa kanta. How I wish na laging ganito ang araw ko, nakasalalay ang ganda ng araw ko sa pamilya ko.
**
"Happy birthday daddy, happy birthday, happy birthday.. Happy Birthday Daddy!" sabay-sabay naming kanta habang si daddy ay nakaupo sa sofa, seryoso ang mukha. Imagine, the house is all over decorated, greeting him, and this, buong pamilya niya, kinakantahan siya ng happy birthday, poker face pa rin ang dakilang ama ko.
"Ang killjoy mo Ger, hindi ka man lang makangiti ng kahit konti. Pinaghandaan pa naman ng mga anak mo 'tong birthday mo." Si mommy, siyempre, hindi mawawala ang makahindik balahibong mga comments niya. Alam mo ba ang I love you sa bokabolaryo ni mommy? Buset ka. Bruha 'yang nanay ko eh, pero malamang, bruha man 'yan, mahal ko 'yan.
Hindi nagsalita si daddy. Nakatingin lang siya sa cake at sa kandilang nagsasabing 56 na siya, na ngayo'y nakasindi pa rin. Ako na nagsalita. "Dy, hipan mo na, matutunaw na 'yung kandila sa cake."
Sumunod si ate, "Oo nga daddy."
"Kapag hinipan ko 'yan, ibig sabihin inaamin kong 56 na nga ako.." Nawala ang pangit na environment at nagtawanan kaming lahat sa sinambit ni daddy.
BINABASA MO ANG
Bizarre Love Affair
Teen FictionCan't Cupid just let ONLY LOVE be between Jorenn and Karl? no yelling and screaming? They were high school friends, but since then, away-bati-away-bati na silang dalawa. Hanggang ngayong nagtratabaho na sila, walang humpay pa rin ang bangayan nila s...