Enjoy Reading!
"Bakit mo pinatay?!" Halos magkasabay na daing sa akin nina Karl at Thea.
Honestly, kung hindi ko pa pinatay ang T.V. sa kung saan nakasalang ang pelikulang ay baka ngayon ay nagsisisigaw na ako, o di kaya nama'y inatake na ako sa puso.
"Ang pangit." pagsisinungaling ko.
Natawa si Karl, tila alam na niya kung ano ang tunay kong dahilan. Pero makulit si Thea, binuksan muli ang T.V. at finast forward sa kung saan naiwanan ang pelikula kanina nang patayin ko.
Inirapan ko si Karl at si Thea, saka ako nagmartsa papuntang kusina. Wala nang iba, kusina na lang ang matatakbuhan ko. Hindi rin naman pwede ang kwarto ko sa taas, dahil at this time, hindi ko kayang umakyat, at mapag-isa sa kwarto ko.
Wala naman akong pakielam kung malaman nilang naduduwag ako, eh talaga naman kasing duwag ako! Isipin mo naman, hatinggabi na ako umuwi, tapos dumarating ako ng bahay na madalas ay ako lang ang mag-isa.
Naupo ako sa isang silya ng dinner table.
Napamura ako nang may biglang bumulaga sa harap ko na lalaki.
"I swear Karl, isa pang gulat mo, mapapatay na kita." sumpa ko sa kanya.
"And i swear too, Jorenn, walang kapalit ang itsura mo 'pag nagugulat at natatakot ka." natatawang saad nito at naupo sa isa pang silya na kaharap ko.
"Wala akong pakielam." akma akong tatayo nang hilahin niya ako sa braso pabalik sa kung saan ako nakaupo.
Pinanlakihan ko siya ng mata. "Ano?!"
Binitawan niya ako at dineretso niya sa mga mata niya ang mga kamay niya. Nagulat ako sa nakita kong binaliktad niya ang mga talukap ng mga mata ('yung mga itsurang nananakot lang ng bata).
Ibinaba niya ang mga kamay niya at itinapat iyon sa kanyang dibdib. Maya-maya'y nangisay siya.
"What the hell is this Karl?" iritableng tanong ko.
"THE ZOMBIES ARE COMING!" anitong ginalaw galaw pa ang bawat daliri niya. Ang laki ng boses niya, infairness.
Nakanganga lang akong nakatitig sa kawirduhan ginagawa niya.
Nagpatuloy siya sa pangingisay-ngisay kunwari. Patuloy ang pagwisik wisik ng mga daliri at paggalaw-galaw ng ulo niya.
"BRAINS!"
Doon ako natauhan. Tinampal ko siya sa noo niya, dahilan para kumurap siya at bumalik sa dati ang mga nakabaliktad niyang talukap. Mukhang doon din siya natauhan.
"Ano ba?" seryoso pa ang loko.
Natatawang sinabunutan ko siya. "BRAINS!" Of course ang sabunot ay part ng biro ko.
Tinapik niya ang kamay ko, then he shrugged. "'Kala mo nakakatuwa ka eh."
Sumibangot ako sa kanyang nagpapahiwatig na anong mali ang ginawa ko, at higit sa lahat ay siya naman ang naunang manakot.
Tumayo siya at tumalikod sa akin. Hinabol ko siya ng tingin hanggang sa lamunin na siya ng kurtinang naghahati sa kusina at salas ko.
Tumayo rin ako't hinawi ko ang kurtina. Ano iyon? Ano na naman nagawa kong mali?
Nakita ko siyang muling naupo sa couch at kumuha ng Tostillas at isinawsaw iyon sa dip na nakapatong sa center table. Nakatitig ako sa kanya habang kumakain siya, habang siya'y sa telebisyon nang muli nakabali ang atensyon.
Napatingin sa akin si Thea na nakaupo naman sa lapag at tutok na tutok sa pinapanuod na pelikula. Ang mga sigawan at iyakang naririnig ko sa telebisyon ay nabalewalang lahat dahil sa inakto ni Karl.

BINABASA MO ANG
Bizarre Love Affair
Teen FictionCan't Cupid just let ONLY LOVE be between Jorenn and Karl? no yelling and screaming? They were high school friends, but since then, away-bati-away-bati na silang dalawa. Hanggang ngayong nagtratabaho na sila, walang humpay pa rin ang bangayan nila s...