"Toni, this is Karl, and Karl, this is Toni." Alanganing pagpapakilala ko sa dalawa.
Napansin ko kasing nakangiti si Karl, tipong ngiting may masamang binabalak. Habang si Toni'y natural na natural na nakangiti.
"Hey bro'." bati ni Toni at inilahad ang palad.
"Yo." anitong tinapik lang ang palad ni Toni na naghihintay ng malamang ay mainit na pakikipagkamay.
Binawing sabay ng dalawang lalaki ang kanilang mga kamay at nagtitigan.
"Boyfriend mo Jorenn?" maya-maya'y tanong ni Toni kasabay ng pagtingin niya sa akin.
"Ah, no."
"Yes." si Karl.
Napalingon ako bigla kay Karl. Nangunot ang noo ko, while he just shrugged.
"Yes." ulit nito with his wide smile.
"What yes? Are you out of your mind?"
Toni cleared his throat. "Lovers, you can continue your LQ later. Let's-"
"Wait, hindi kami lovers." Bumaling ako kay Karl. "What the hell are you talking about?"
"Kanina 'di ba nung kumakain tayo ng almusal pinag-uusapan natin ang 'tayo'? Umoo pa nga ako sa'yo. How could you forget that all of a sudden?"
At this point of time. Wala akong kilig na nararamdaman sa mga salitang lumalabas sa bibig ni Karl. You know what i'm feeling right now? Inis!
"Oh, naalala mo 'yun? I thought that was nothing. Nung kausap kasi natin si Charlotte todo tanggi ka. 'Yung tangging para bang pinandidirian mo ako."
"Oh.." narinig kong sambit ni Toni.
Hinihintay kong magsalita si Karl. But he just clenched his jaw while staring at me.
Inirapan ko siya at tumalikod na. "After this, saan mo gustong kumain Toni?"
Bahagyang yumuko si Toni as he reached for the goods na babayaran na sa cashier.
"Pare, ako na."
Napatingin kaming dalawa ni Toni kay Karl.
"Oh, okay." saad ni Toni.
Yumuko ako para naman mas mabilis ang paglipat ng mga groceries. Pero inagaw ni Karl ang mga hawak kong dapat ay ilalagay ko na sa counter.
Napalingon ulit ako sa kanya. Seryoso ang mukha niya, at tila madaming kaseryosohang bagay ang tumatakbo sa utak nito ngayon.
Hinayaan ko lang siya. Bahala siya sa buhay niya.
"So where Toni?" Tanong kong muli.
"Kahit saan Renn."
"I know a very good restaurant here, Toni." singit ni Karl.
"Really?"
"Uhuh."
Nanatili akong nakatitig sa dalawa na tila nagiging mabuting magkaibigan na agad.
Really? Close na sila agad? Kanina lang nagbabatuhan sila ng mala-apoy na titigan?
Lumingon nang bigla si Toni. "Si Karl na pala ang bahala sa kakainan natin, while ako naman ang taya."
Ngumiti lang ako kay Toni.
"Ah, Toni? Wala ka bang kasama? Kasi, baka nakalimutan mo na sila." pagpapaalala ko sa kanya.
"Oh God, Yes!" Tinampal niya ang noo niya. "I'm with my mom and sis." Kinapa niya ang bulsa ng pantalon niya. "Give me a minute, i'll just give them my car keys."
BINABASA MO ANG
Bizarre Love Affair
Teen FictionCan't Cupid just let ONLY LOVE be between Jorenn and Karl? no yelling and screaming? They were high school friends, but since then, away-bati-away-bati na silang dalawa. Hanggang ngayong nagtratabaho na sila, walang humpay pa rin ang bangayan nila s...