13- Good News

93 3 0
                                    

"Jorenn!"

"Tekaaa!" si ate, tawag ako.

Apat na lang kami ngayon sa bahay. Kami ni Thea, ate at Sha. Sila mommy, daddy at Anthony ay bumalik agad sa Batangas.. noong isang araw pa. Marami pa raw kasi sila aasikasuhin. Si ate naman, pinag-stay ko muna sila ni Sha, namiss ko kasi pamangkin ko.. ang cute cuteeee! Buti na lang pumayag si ate, but the sad part is.. uuwi na rin sila agad bukas, dahil hindi naman siya single, may asawa siyang dapat pang balikan. Nakausap ulit namin si kuya at ang asawa niya kanina.. ayun, mamatay-matay sila sa inggit dahil sa nakakalasing na kasiyahang naganap nung birthday ni daddy.

Nagluluto ako ngayon ng tanghalian naming apat. Si Thea kaaalis pa lang galing grocery, si ate at ang anak niya kanina'y nanunuod lang ng T.V. pero naudlot nga dahil may tao sa labas. At ako daw ang hinahanap. Dali-dali kong binanlawan ang kamay ko mula sa pagdedebone ng chicken legs.

Nang makalabas na ako'y nakita ko ang kausap ni ate. Naka-cap, kaya naman hindi ko maaninag ang mukha..

Sino 'yun?

Nang makita na ako ni ate na lumabas ng pinto ng bahay ay tinapos na rin agad nito ang pakikipag-usap sa lalaki. "Oh Renn, delivery man pala 'to, mauna na ko sa loob."

Tumango na lang ako. Nang makalapit sa lalaki..

"Ms. Jorenn Fajardo?"

"Ano po 'yon?" tanong ko.

May inabot sa aking papel 'yung lalaki kasabay ng ballpen. "Paki pirmahan na lang po muna." Agad ko namang inabot at ginawa ang pinagagawa nung 'delivery man'. Nang maibalik ko sa kanya, ibinulsa niya nang muli ang ballpen. "Ilang taon na po kayo ma'am?"

Tumaas ang kilay ko. Echuserong lalaki, kailangan talaga tinatanong ang edad?

"Ah, kalimutan niyo na-"

"24 why?"

Ngumiti 'yung lalaki, at muntik na akong matawa. Patawarin ako ni God, hindi ko alam, pero na sa harap ko ngayon si Rene Requiestas.. pero dahil siyempre modern version ito. Ang sama ko ba? Konting pigil pa ng tawa Renn, pwede ka nang tumawa mamaya pag-alis ng lalaking ito.

"Ah wala lang po ma'am. Sandali lang po, kukunin ko lang 'yung gamit." anitong tumalikod na rin.

Sinundan ko siya ng tingin, lumapit siya sa motor na may nakataling malaking malaking box. Box na may ribbon sa itaas na kulay itim. Kinabahan naman ako.. bakit naman itim 'yun ribbon? Pambihira naman ang magreregalo noon kung kanino man, parang hinihiling na magpakamatay na 'yung bibigyan eh. Pero laking gulat ko na lang nang unti-unti yakapin ng lalaki ang box nang matapos ito i-untie. Papalapit sa akin.

Akin 'yon? WTH, binabawi ko na sinabi ko. Please, madami pa akong plano sa buhay, hindi pa nagtatapat ng pag-ibig sa akin si Yap, hindi pa ako nakakapunta ng Sentosa Island..

"Ma'am, eto po ipapasok ko po ba sa bahay niyo o dito na lang po? Magaan lang po ma'am."

"Ah sige, dito na lang. Ako na lang bahala."

Ngumiti ulit si Rene, "Sige po ma'am, magandang gabi po."

Ibinaba na ni Rene 'yung box sa lapag. Tumango ako, nakakatawa man ang itsura niya ngayon dahil nakangiti ulit siya, mas mataas ang curiosity na nababalot sa akin tungkol sa higanteng box na 'yon.. kaya balewala na.

"Salamat."

Nang makaalis na 'yung lalaki ay agad kong hinaplos 'yung box. Kinakabahan ako.. ngayon lang ako may natanggap na ganito kalaki at ka-mysterious na delivery. Baka ginagantihan ako ng kung sino mang kaaway ko, tapos may sawa sa loob..

Bizarre Love AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon