"Uh, Karl."
"Oh?" anitong lumingon sa akin.
"'Uuwi ka na ba pagkatapos nating kumain?" ibinaba ko ang kutsara at tinidor, at tinignan ko siya.
And then i saw the look of pain in his face. Was it real?
Oh Gosh, let me re-state my sentence.
Nakalimutan kong sensitive nga pala 'tong baklang 'to.
Uminom muna ito ng tubig na nasa tabi ng tasa ng hot chocolate niya.
And then he cleared his throat.
Yari.
"I mean-"
"Pagkatapos kitang ipagluto? Ipaghain? Ganyan ka magsalita sa akin?" anitong nilapat ang dalawang palad sa dibdib niya.
Sumingkit ang mga mata nitong nawala rin ang kinang.
"Hin-"
"Wala kang utang na loob." Saad niya kasabay ng paglalaglag ng kanyang mga balikat.
Akmang tatayo na siya.
"Sandali nga! 'Di pa kasi ako tapos eh! I don't mean it that way." Pinigilan ko siya sa braso niya.
Nakatingin lang siya sa akin, hindi pa rin nagbabago ang itsura ng mukha niya.
"Nanunumbat ka na diyan, hindi mo pa naman alam kung ano talaga ibig kong sabihin!" nakasimangot kong salita ulit.
"Eh ba't ka galit?" tanong nito habang nakataas ang dalawang kilay.
Kumurap ako. "Ako ba pinagloloko mo Karl?"
Alanganin itong ngumiti.
"Eh kasi naman nagbibiro lang ako, masyado ka nang nag-"
Habang ako, seryoso pa rin ang mukha. Pero hindi ko na pinansin ang paliwanag niya.
Alam kong ako na naman ang may mali dahil na naman sa bunganga kong hindi ko mapigilan.
Kaya, habang maaga, humingi na ng tawad. Dahil kagabi lang eh galit kami at ang hirap hirap kumilos ng hindi kami magkaayos.
"Totoo, hindi gano'n ibig kong sabihin."
Tumango ito. Inalis ang tingin sa akin, ako, nakatingin pa rin sa kanya.
Tsk. Nagpapaawa ba si Karl, o talagang naoffend siya sa sinabi ko?
Malamang naoffend talaga.
Biglang lumingon ulit sa akin si Karl. Nagtama ang mga mata namin.
"Ah.."
"What?" mahinang tanong ko.
"Uwi na siguro a-"
"No! Wait."
Tignan mo ginawa mo Jorenn!
"Hindi, wala 'tong kinalaman sa sinabi mo. Inaant-"
Huminga akong malalim.
"Kasi mag-go-grocery talaga ako kaya nasabi ko 'yun." Napakamot ako sa ulo ko.
Ngumiti siya ng matipid. "Ayos lang nga 'yun."
"Sorry." sa wakas ay nasabi ko.
"Ayos nga lang." He shrugged.
"Hindi eh. Matampuhin ka pa naman. Sorry."
"Wala nga 'yun."
Hindi ako nakumbinsi ng sagot niya eh.
BINABASA MO ANG
Bizarre Love Affair
Teen FictionCan't Cupid just let ONLY LOVE be between Jorenn and Karl? no yelling and screaming? They were high school friends, but since then, away-bati-away-bati na silang dalawa. Hanggang ngayong nagtratabaho na sila, walang humpay pa rin ang bangayan nila s...