19- Fireworks

13 0 0
                                    

Halos masakyan at maulit na namin masakyan ang lahat ng rides maliban lamang sa space shuttle. Hanggang ngayon ay tumataas pa rin ang mga balahibo ko sa twing maaalala ang karumaldumal na ride na iyon.

Kasalukuyan kami ngayong nakaupo sa isa sa mga benches ng theme park, nanunuod sa mga kabataang nagsasayaw sa gitna. Halos maghapon na kami dito. Si Karl nagyayaya ng sine, umayaw lang ako dahil napapagod na talaga ako at gusto ko na lang talagang hintayin 'yung fireworks display. Ilang oras na lang din naman eh.

"Ang kunat na, ano ba'to." Daing ni Karl sa popcorn na binili niya. Pang-isang pamilya yata ang binili niya sa laki, partner ung pagkalaki-laki ring coke. Natatawa ako sa kanya. Sabi niya pa'y baka kulang pa 'yon saming dalawa, pero ito nga't hindi namin maubos.

"Ayan. Kakamonster popcorn at monster coke mo, mukha ka nang monster."

"Tsk. Tulungan mo 'kong ubusin, nasusuka na 'ko eh!" Isa sa mga katangian ni Karl na gusto ko eh hindi siya katulad ng iba na maaksaya sa pagkain. Na kahit ayaw niya, uubusin niya pa rin. Ayaw na ayaw niyang may natitirang pagkain. Siguro nga'y dahil doon kaya siya lumaki ng ganito.

Haha.

"Painom na nga lang," ani ko.

Iniabot niya iyon sa akin, at nang aabutin ko na'y binawi niya't uminom muli.

Inirapan ko siya. "Napaka-isip bata mo Karl."

Natawa siya. "Chill. High blood lagi agad eh. Kailangan mo minsan ng anger management." Anitong matino nang iniabot sa akin ang malaking baso.

Hindi ko pinansin ang comment niya, lalaki pa ang issue kapag tinarayan ko pa ulit siya. "Sana kasama natin sina Jheng at Melvin, sana magkakasama tayo sa pasyal na 'to."

"Eh sino bang nagsabing pasyal 'to? Ano bata?" Natatawang tanong niya.

"Oh bakit? Hindi ba ito pasyal?"

Iiling-iling na wika niyang malawak ang ngiti. "Date ito ano ba. Date for just the two of us."

"Edi date na. Pero sana nga kasama natin sila Melvin-"

Sumimangot siya. "Seriously? Melvin na naman?

Kunot noo kong inilapag sa gitna namin ang baso ng coke. "Bakit-"

"Minsan nararamdaman kong ginagamit mo na lang akong tulay para mapalapit kay Melvin eh."

"Hindi ka ba nahihiya sa mga sinasabi mo Yap? Sarili mong kaibigan pinagseselosan mo? Ikaw, sa'yo. Ano sa tingin mo ang tingin ko kay Melvin?"

"I don't know to you.." Malungkot na sagot niya.

Ninakawan ko siya ng halik sa mga nakapout niyang labi. "Did that clear your doubts?"

Umiling siya't yumuko. "Still, no.."

"Ano bang gusto mo? Nakakainis ka."

Tumingin siyang muli sa akin at ngumiti. "'Yung matagal na kiss, 'yung maghahabol tayo ng hining-"

Pinitik ko siya sa noo. "Oh loko. Sampalin kita diyan eh."

Hinawakan niya ang kamay kong pinangpitik ko sa noo niya. "Nagjojoke lang ako about Melvin. I know what exactly your relationship is. Remember, we used to talked about you. Actually hanggang ngayon naman. Hehe."

Hinalikan niya ang likod ng palad ko. "I love you, Jorenn. I don't think i'll ever find another woman who'll make me feel this way."

Natawa ako. "Thank you."

Kinamot niya ang kaliwang kilay niya. "Is there any other answers like 'i love you too', 'you're the pogi-est on earth', 'you're so macho gwapito'?"

Bizarre Love AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon