Enjoy Reading!
**
Walang tigil ang tawa ko habang pinanunuod ang mga kasamahan ko sa trabahong- mag-agawan sa iisang bola. Epic, promise! Lalo na si Melvin! Hindi ko siya makilala, hindi ko makilala ang tarantadong iyon ngayon dahil napakaseryoso sa laro. 'Yung hayop na iyon na napakadalang magseryoso ng mukha, eto siya ngayon, mukhang manununtok na! HAHA! May maikakantyaw na ako sa mokong na 'to sa trabaho.
Nakikita ko sa buka ng bibig ni Melvin na minsan nagmumura na siya eh. HAHAHA! Grabe talaga! Ang sarap manuod, lalo na't tambak ang score nila Melvin.
'Yung dalawang grupo na naglalaro nahati ayon sa division namin sa trabaho. Ang magkakagrupo na mayroong 59 points ay sina: Jojo, Adrian, Chris, Ben, at si Marcelo. Lahat sila medyo bilang sa daliri ang mga age gaps sa amin maliban lang kay Chris, undergrad siya; at walang nakakaalam kung paano siyang nakapasok sa department ng mga mahuhusay. But who knows? Baka talagang magaling siya.
Ang opponent nila'y sina Gino, John, Polo, Melvin at Karl na may puntos na 24.
HINDI BA TAMBAK SILA? HAHAHAHA!
Si Karl nga pala.. as usual, pa-cute pa rin! Ewan ko lang ah, ewan ko lang kung nagpapacute siya o sadyang cute lang talaga siya. 'Yung pawis na tumutulo mula noo niya, patungong leeg, pati sa braso.. hindi siya nakakadiring tignan, ang sarap niya ngang titigan eh. Ang HOT niya kaya! HAHAHA!
Kinikilig na naman ako grabe! Pa'no 'to? Habang buhay ako kikiligin kapag kasama ko siya? Paano kaya kung mag-asawa na kami, hindi na matatahimik puso ko? Paano kaya kapag may mga anak na kami, ganito pa rin kaya kalakas ang karisma niya sa akin?
Haay Karl..
"Rebound 'tol!" Sigaw ni Karl kay Melvin.
Ang cute talaga panuorin ni Melvin! Para akong nanunuod ng comedy movie, 'yun nga lang, ako lang ang mag-isang nag-eenjoy dito. Sumigaw din akong may kasama pang palakpak. "Go Melvinnnnnn! Wohoooo!" Napatingin sa akin si Karl at Melvin. At sa ginawa nilang iyon, huli na, dahil naunahan sila ng kalaban nilang grupo sa rebound. Ang bilis ng pangyayari, nakapuntos na agad 'yung kalaban nila!
Badtrip!
"Oy ano ba kayo! Maglaro nga kayo ng maayos, dalawang engot!" Sigaw ko. Kahit naman natutuwa ako sa mga reaksyon nitong dalawang ito, siyempre ayoko namang matalo sila no!
"Pare, 5 minutes break lang." Saad ni Melvin kay Adrian, na palagay ko ay mas matanda sa amin ng mga siguro'y limang taon.
Tumango ito at sinabi sa ibang player na break muna at saka sila nagpulong-pulong sa katapat kong bleacher para marahil ay magpahinga't uminom at magpunas ng mga pawis. Naupo sa tabi ko sa kanan si Karl, sumunod si Melvin sa kaliwa ko. Iniabot ko ang malaking bote ng gatorade kay Karl at saka ibinigay din sa kanya ang bimpo na hawak ko rin.
"Salamat." anitong binuksan ang takip ng bote at saka lumagok habang nakatingin pa rin sa akin.
"Ang galing mo Karl, lalo akong naiin love sa'yo." ani kong hindi inaalis ang tingin sa mga mata niya. Narinig kong nag blah-blah-blah sa gilid ko si Melvin, pero bahala siya sa buhay niya. Inggit lang siya. Inggit siya kasi mayroong kasama ngayon dito si Karl na nag-aaruga sa kanya. Siya, wala. HAHA. Kawawang unggoy.
"Sa sobrang galing ko nga ibang pangalan nasigaw mo eh." Saad niyang nagtapon ng mabilis na tingin kay Melvin. Seryoso na rin ang mukha niya habang pinupunasan ang pawis niya sa mukha niya, leeg niya paikot sa batok niya. Pati sa dalawang braso niya't ang loob ng jersey na suot niya.
Natawa ako.
"Woah, wala akong magagawa kung para sa girlfriend mo ay mas magaling ako sa'yo." Natatawang-defensive na sagot agad ni Melvin.

BINABASA MO ANG
Bizarre Love Affair
Teen FictionCan't Cupid just let ONLY LOVE be between Jorenn and Karl? no yelling and screaming? They were high school friends, but since then, away-bati-away-bati na silang dalawa. Hanggang ngayong nagtratabaho na sila, walang humpay pa rin ang bangayan nila s...