3- Taking His Shirt Off

122 5 0
                                    

Enjoy Reading!

THEA'S PoV

"ATE! Gising!"

Niyuyugyog ko siya ng malakas. "Ate!"

"Ano ba!" Pero tinulak niya ako.

Wah! Kahit bagong gising ang lakas ng ate ko. Pambihira, wala naman akong kasalanan, bakit sa akin pa siya nagagalit!

Last try. Nagsalita akong muli. "Ma-"

"Lumayas ka ng kwarto ko!" sigaw niya. "Diba puyat ako?! Hindi mo ba naiintindihan?"

Aw. Ang sungit.

Dismayado akong lumabas na lang at bumaba ng hagdanan. Dumiretso ako sa salas, kung nasaan ang lalaking nakangiti. Ngunit nawala ang ngiti niya nang hindi niya siguro nakitang hindi ko kasunod si ate, at nang makita akong nakasibangot.

Naupo ako sa gilid ng couch. Sinulyapan ko ang tv, Eat Bulaga. Actually matatapos na ang Eat Bulaga pero tulog pa rin si ate. Umiling ako, at ibinalik ang tingin kay Karl.

"Ano nangyari?" takang tanong niya. Nakakunot ang noo niyang nakatitig sa akin.

"Ayaw bumangon." bumuntong hininga ako. "Sure ka bang pinag-usapan niyo itong araw na ito?"

"Pretty sure." Nakita kong ngumuso siya ng kaunti.

"Hintayin mo na lang siguro siya, babangon na rin 'yun maya-maya."

Tumango siya. "Pizza?" itinuro niya sa akin ang kaninang bitbit niyang dalawang box ng pizza papasok sa bahay.

Gumalaw ako para kumuha ng isang slice. "Thank You."

Ibinalik ko sa tv ang paningin ko. Iniisip ko kung saan ko nakita tong lalaki na 'to eh. May kahawig, pero hindi ko alam kung sino. Pamilyar din ang pangalan.

He clears his throat. "Naaalala mo pa ba ako, Thea?"

Napangiti ako, sabi na nga ba eh. Pamilyar talaga sa akin 'tong lalaking to.

Umiling ako. "Pamilyar lang."

"High School friend ako ng ate mo. Dati akong nagpupunta ng bahay niyo 'pag may practice or something na get togethers lang."

Nangunot ang noo ko habang inaalala ang mga pangyayaring iyon sa lumang bahay namin.

"Karl Yap. Remember?"

Namilog ang mga mata ko. Kahit bata pa ako noon, naaalala ko kung paano nabaliw sa kanya si ate noon. Kung paano niya minahal ang bawat aspeto ng pagkatao ng lalaking ito. Kahit nakikita kong gwapo si Karl, madami pang mas gwapo sa kanya. Hindi naman siya perpektong tignan katulad ng paglalarawan dati sa kanya ni ate. Ewan ko ba kung anong nakita rito ni ate.

Mahal pa kaya siya ni ate?

"Ahh! Oo, naaalala ko na."

Ngumiti siya sa akin. While i got curioused.

"Mag-ano kayo?"

"Office mates."

"Aahh."

What a boring love story. High School, and then magkikita ulit ngayong matatanda na, hindi pa rin nagkakatuluyan? So lame.

"Ano course mo?"

"Business Administration."

"Business Ad." ulit niya. "May business kayo?"

Tumango ulit ako. "Sa batangas."

"Sino may hawak?"

"Parents namin."

Bizarre Love AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon