6- Death

103 4 0
                                    

"One day, when the sky is falling, I'll be standing right next to you.."

Dumilat ako. Bumulaga sa akin ang pamilyar na kisame, naramdaman ko ang pamilyar na lambot kung saan nakalapat ang likod ko.

Ako ay nakahiga sa sarili kong kwarto, sa sarili kong bahay.

Narinig kong tumutugtog ang pamilyar na kanta ni Chris Brown sa baba. Hindi na nakapagtataka, dahil isa si Chris Brown sa mga paboritong singer ni Thea.

Kumunot ang noo ko. Bakit parang hindi ko maintindihan..

Naalala ko, nasagasaan ako! Bakit nandito ako? Anong nangyari? Patay na'ko?

Bigla akong umupo, kinapa ang sarili ko. Higit sa masakit ang ulo, at hilo, na siyang epekto ng biglang upo ko, ay wala na akong ibang naramdaman. Wala akong nararamdamang kulang na buto sa kahit anong parte ng katawan ko. Pero bakit ganoon? Alam kong nasagasaan ako kagabi, alam kong mamamatay na ako.

Posible kayang..

Multo na ako?!

Ahhhh! Hindi!

Hindi pwede. Madami pa akong gusto at dapat gawin. May pamilya akong naghihintay sa akin. Wala pa akong asawa't anak. Kulang na kulang pa ang buhay ko, bakit kailangan ko nang mamatay agad?

Muli kong ibinagsak ang likod ko sa malambot na kama. Tumitig ako sa kisame nang mas matagal.

Hindi ko alam iisipin ko, ano ba talagang nangyari? Bakit parang wala lang sa akin kung patay na nga ako? Bakit hindi man lang ako umiyak? Alam ko namang sa loob loob ko ay ayoko pa talagang mawala sa mundong ibabaw, pero bakit wala man lang akong reaksyon?

Tuloy pa rin ang kantang nagmumula sa salas.

At doon ko unti-unting naamoy ang usok ng pinipritong bacon, akalain mong nakakaamoy din pala ang mga pata-

Nagugutom na'ko..

At nagugutom rin?

Tumayo ako ng dahan-dahan, iniingat ang katawan ko nang huwag nang muling mabigla ang ulo ko't baka mahilo na naman ako.

At nahihilo rin?

Sinampal ko ang sarili ko, malamang di pa ako patay. Utak ko talaga, 'sing liit ng sa talangka. Kung mamatay man siguro ako, kay San Pedro siguro ang diretso ko, hindi dito sa bahay.

Ang kapal ko naman, sigurado ba akong kay San Pedro at hindi sa mamang may dalawang sungay at buntot at may malaking tinidor?

Pero kasi..

Hindi naman talaga dito sa bahay.. na dumilat ang mga mata kong nakahiga ako sa kama, masakit ulo at nahihilo, nakakaamoy, at nagugutom. Hindi ba?

Mga buhay na nilalang ang nakakaranas noon 'di ba?

Ipinihit ko ang door knob ng kwarto ko. Mas naamoy ko ang fried bacon, at may kasama nang amoy ng hot chocolate.

Si Thea pala'y marunong nang magluto, walang'ya, pinagluluto ko pa 'yun araw-araw.

Nang madaanan ko ang salas ay nagtaka ako, bakit may malaking itim na sapatos sa tabi ng sofa? Bakit may unan at kumot na dapat ay nasa kwarto ngunit ngayo'y nasa sofa? Bakit may malaking green polo shirt na nakasampay sa sandalan ng couch?

Dahan-dahan akong dumiretso sa kusina. Sumilip ako mula sa kurtinang naghahati ng salas at kusina. Nakita ko ang anino ng taong nasa tapat ng kalan.

Lalaki?

"Ikaw ba yan Jo?" narinig kong biglang nagsalita ang anino. Hindi man lang tumingin sa akin, malamang ay abala sa pagluluto.

Lalong nalito ang utak ko. "Karl?"

Bizarre Love AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon