17- Korni (part 2)

51 3 0
                                    

"Ang korni mo unggoy!" sambit ko sa kanya sabay hampas sa balikat niya.

"Kapag in love, natural lang maging korni." Sagot niyang kasabay ng biglang paghalik niya sa labi ko. Natawa na lang ako, pero sa loob loob ko'y umaabot hanggang langit na ang kilig na nararamdaman ko. 

Hinawakan niya na ang kamay ko at saka nagsimulang maglakad muli.

"Karl,"

"Yes babe?" Pinisil pisil niya ang palad ko.

"Alam mo bang hanggang ngayon, sa mga ginagawa mo sa akin, kinikilig pa rin ako?" 

Lumingon siya sa akin nang may nakalapat nang matamis na ngiti sa mga labi niya.

"Ako rin naman eh. Ah. Let's have an agreement that we'll make every single day of us being together, special. Deal babe?"

Ngumiti lang ako at tumango.

"Ayy Jo. Speaking of special, si mama niluluto niya malamang ngayon ang specialty niyang- fortunately, favorite mong pasta." 

Napahinto ako sa paglalakad. Akala ko ba, wala doon nanay niya sa bahay nila ngayon? Hala, pupunta ako sa bahay nila hindi man lang ako nakapag-prepared ng mga sasabihin. Hindi man lang ako nakabili ng pasalubong. Hindi man lang ako nakapagdamit ng mas maayos-ayos pa rito sa suot. Abnormal talaga itong si Karl. 

"Keep on walking. Ang tirik ng araw, ang sakit sa ulo Jo." aniyang bahagya nang hinatak ang kamay ko upang maipagpatuloy ang paglalakad. 

"E-eh teka nga, hindi mo naman sinabing nandiyan pala mama mo." Alanganing binawi ko ang kamay kong hawak hawak niya kanina. Napakagat labi ako, samantalang siya'y kumunot naman ang noo.

"Ayaw mong makilala si mama?" He asked with a look of disappointment on his face. "Kung ayaw mong makilala si mama, that would mean na hindi ka seryoso sa akin Jo. Ako, I'm willing to get to know your family. Matter of sincerity." 

"Ano ka ba, hindi ganoon." Kinuha ko 'yung bimpong hawak niya't ipinunas iyon sa tumatagiktik na mga pawis niya sa noo at pisngi, patungong leeg. "Ang akin lang, eh sana sinabi mo nang mas maaga na magmi-meet pala kami ng mama mo para nakabili man lang ako ng pasalubong."

Ngumiti siya't hinawakan ang wrist ko, "you don't need to impress her, just be the clumsy Jo I knew since then. I'm sure she'll love that."

"Nang-iinsulto ka ba or compliment 'yang sinabi mo?" Inalis ko ang kamay niyang nakahawak sa wrist ko.

"I don't know?" Natatawang sagot niya sa akin.

Bumuntong hininga ako't pumikit ng mariin. "Karl. I hate you." 

I heard him chuckle, "Na ah. You love me."

Tumingkayad ako't kinulong ang mukha niya sa dalawang palad ko. "That's exactly why I hate you," at saka ko siya binigyan ng isang mabilis na halik sa labi niya. 

I don't know what has gotten into me, pero 'yung mga ganitong bagay ay hindi ko nagagawa sa mga nakaraan ko. I think Karl made me do this to him. Not that he directly taught me to be this aggresive, pero unti-unti I'm learning from what he usually do to me. I don't know either if it's a bad thing, but at least. I enjoy it.

He smiled sweetly. "Now, can we go home already? Masusunog tayo ng haring araw Jo. Seriously."

"Alam mo kasi, gusto ko naman talagang makilala pamilya mo eh, nahihiya lang talaga ako. Promise."

"I told you, you shouldn't be worrying about her. Besides, hindi naman siya ang pakakasalan mo sooner or later di'ba? Ako." Ngumiti siya sa akin kasabay ng paghawi niya ng mga buhok kong nililipad ng hangin.

Bizarre Love AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon